《Tulang Dedikado》Ika-labing apat na Tula

Advertisement

Isang salita,ngunit masakit makita

Makita na ikaw ay mawala

Sa piling ko na dating kay saya

Ngayon ay may lungkot ng madarama

Mahirap mang tanggapin,

Ngunit pipiliting kayanin

At hindi na hihintayin

Na ikaw ay muling babalik pa sakin

Iisipin ko nalang na masaya kana

Sa kung anong meron ka pati sa kanya

Hihiling na sana maging maligaya ka

Sa piling ng iba

Para sa iyong paglisan ako'y magiging masaya

Hindi na makikita pa ang mga luha sa mata

Tatanggapin nalamang ang katotohanan

Na ako'y lilisanin mo na

At maiiwang nag iisa

Dahil alam ko na iyon ang tama

Upang tanggapin ko na tayo'y matatapos na

Sa mga araw na kasama ka

Itatabi ko lahat ng alaala

Kung ano man ang meron tayo noon

Ngunit alam ko na wala na ngayon

At lahat ng iyon ay aking ibabaon

Sa isang malinis at maliit na kahon.

    people are reading<Tulang Dedikado>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click