《Tulang Dedikado》Ika-labing tatlong Tula

Advertisement

Paano nga ba kung di na ako

Paano nalang ang mga masasayang alaala mo

Paano nalang ang salitang ikaw at ako

Kung hindi nmn na pala ako

Masakit marinig na baka nga wala ng tayo

At hanggang dito nalang ito

Sa madaling salita iiwan mo na ako

Totoo nga bang tinatapos mo na?

Mahirap mang marinig ang iyong maaaring isagot

Ngunit gusto ko lang marinig

Hindi mo na ba ako kayang mahalin?

Sana una palang sinabi mo ng tapusin

Para hindi na ganun ka sakit

Akala ko ikaw na,

Akala ko tayo na

Pero di ko manlang inisip na hindi na ako at siya pala

Kung mahal mo na siya

Bakit may ako pa?

Dahil kung hindi na ako sana naging masaya ka

Dahil sa mga araw na kausap at kasama ka

Hindi ko kailan man inisip na may iba

Kung hindi na nga ako,

Hihiling na sana mali lang ito

Ngunit hindi mawala sa isip ko

Na baka nga mayroong kayo

Ngayon tama na nga bang sumuko na

Dahil kung wala na ang nagsimulang tayo

At lahat ng pinagsamahan ay maglalaho

Mas mabuti pang isuko,

Lalo na kung maririnig sa mga labi mo

Ang katagang "Hindi ikaw ang gusto ko"

Mas tamang bumitaw na sa piling mo

At maging masaya nalang para sa sarili ko

Dito na nagtatapos ang Hindi Ako at Hindi na Tayo.🥀

    people are reading<Tulang Dedikado>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click