《Tulang Dedikado》Ika-labing dalawang Tula

Advertisement

Di ko alam kung paano sisimulan,

Ang mga katagang matagal ko ng pinanghahawakan

At matagal ko ng tinatago sa kawalan

Mahirap mang sabihin ang pagtingin ko sayo

Ngunit ito lang ang gusto kong malaman mo

Madalas kitang titigan

Ngunit di kita magawang malapitan

Higit sa lahat di ko magawang ika'y kausapin

Kapag ikaw ay malapit sakin

Dahil di ako tulad ng iba,

Na may lakas ng loob makasama ka

May lakas na aminin sayo ang nadarama

Dahil tanging papel at pluma na nakasulat ay ang mga tula

Na aking inilaan para sa isang tulad mo sinta

Sana iyong mapansin ang isang tulad kong sayo ay may paghanga

Handang maghintay kahit kapalit ay pagdurusa

Pagdurusa dahil maaari iyong itanggi na ako'y hindi mo kayang ibigin

Tulad ng gusto kong ikaw ay mahalin

Sana nga ako'y may pag asa pa

Na mahalin ka at maging akin ka

Ito na ang tulang sayo ay inilaan at sana mapasaya kita sinta

Kahit manlang sa simpleng pagsulat ng tula

Ikaw ay aking minsang naging paksa.

    people are reading<Tulang Dedikado>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click