《Tulang Dedikado》Ika-labing isang Tula

Advertisement

Ikaw at ako,malabong maging tayo

Bakit nga ba ganto?

Hindi nga ba ako ang iyong gusto?

Paano ang salitang ikaw at ako

Kung alam kong malabo pala tayo

Alam ko na magkaiba ang ating mundo

At hindi talaga tayo pinagtagpo

Pero masakit tanggapin,

Na isinisigaw ng puso ko ay tanging pangalan mo

Sana nga naririnig mo

Ngunit alam kong malabo

Lalo na kung ikaw na mismo ang lumalayo

Lumalayo sa unang pagtagpo

Na sa simula masaya pa tayo

Ngunit bigla nalang naglaho

Dahil sa may iba ka ng gusto

Iniisip kung dapat na nga bang sumuko

Ngunit mahirap ipaglaban ang tayo

Lalo na kung nagsisimula kanang sumuko

At bumitaw sa iyong mga pangako

Na habang buhay ay magiging tayo

Kaya sa salitang ikaw at ako hindi pala totoo

Sana nga maaga palang nalaman ko at sinabi mo

Para wala ng simula sa salitang Tayo

Baka nga na hanggang dito nalang,

Matatapos na ang malabong tayo

Na sa ikaw at ako malabo palang maging tayo.

    people are reading<Tulang Dedikado>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click