《Tulang Dedikado》Ika-siyam na Tula

Advertisement

~ TALA ~

Apat na letra na ikaw ang nakatala

Nakatala sa aking isipan na ikaw ang nagbigay saya

Naging masaya sa mga araw na ikaw ang kasama

At nagbigay liwanag sa mga araw na may lungkot pa sa mga mata

Naging masayang ikaw ang naging bagong pahina

Sa kuwento kong walang kasigla sigla

Ikaw ang bumuo sa aking pagkatao

Ikaw ang nagbigay paraiso saking mundo

Ikaw ang naging lakas ko sa lahat ng kahinaan ko

Higit sa lahat ikaw ang nagbigay kinang sa isang tulad ko

Tila isa kang tala sa mga mata ko

Salamat sa isang tulad mo at nakilala ko

Inakala kong wala ng darating pa sa buhay ko

Ngunit nagbago ang lahat ng dahil sayo

Binigyan mong kulay ang buhay ko

At nagkaroon ng halaga ang kuwento kong ito

Itong tula ay nakalaan para lamang sa iyo,

Dahil naging isa kang mabuting tao

Wala ng hihigit pa sayo,

Minsan ng natulala

Sa mga mata mong mala anghel ang ganda

Minsan ng napapangiti sa tuwing ikaw ang kasama

Sana nga wala ng katapusan pa ito

Dahil handa akong magsulat ng maraming tula

Na ikaw lamang ang paksa

At patuloy susulat kaharap ang papel at pluma

Dahil sa lahat ng ito ikaw lamang ang tanging inspirasyon ko

At hinihiling ko na sana magustuhan mo

Hindi lamang ako kundi pati pagkatao ko

Hindi ako magsasawang tumingala sa isang tulad mo

Dahil para sakin,ikaw lamang ang tanging Tala ko,

Na nagpapakilig at nagpapatawa sa isang tulad ko

Hindi ko alam kung paano,

Ngunit masaya ako dahil ikaw ang bumuo

Bumuo sa lahat ng pagkadurog ko

Sabay nating abutin ang mga tala

At masayang bubuo ng pangarap sa isa't isa

Masayang bubuo ng panibagong saya na kasama ka

Kaya sa bawat araw at gabing darating ikaw lamang ang tangi kong hihilingin.

    people are reading<Tulang Dedikado>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click