《Tulang Dedikado》Ika-pitong Tula

Advertisement

" Magulang "

Sila ang una mong mapagkakatiwalaan

kahit na ano pa man

ang iyong pinagdaanan

nananatili parin ang masasayang samahan

Gagabayan ka magpakailanman

hinding hindi ka iiwan

at hindi ka pababayaan

sila ang tunay na magulang

Kahit ano man ang maging problema nila

nananatili parin silang masaya

pero makikita sa kanilang mga mata

na marami silang problemang dinadala

pero hindi lang nila pinahahalata sa iba

Dahil gusto nila na maging maayos ang buhay ng anak nila

kaya gagawin nila ang lahat mapasaya lamang nila

dahil makita lamang nila na masaya na ang anak nila masaya narin sila

Magulang ang una nating takbuhan

sa tuwing tayo ay may kalungkutan

at sa tuwing tayo ay may kinatatakutan

hinding hindi ka nila iiwan

kahit ano man ang iyong pinagdaanan

nananatili parin silang nanjan,sasamahan ka kailan man

Kaya mahalin natin sila,

Higit pa sa inaakala nila

at sa kanilang pagtanda

alagaan din natin sila

tulad ng pag aalaga nila

Matuto tayong magpahalaga

sa lahat ng ginawa nila

dahil lahat ng ito ay itinuro nila

simula pa nung tayo ay bata pa

Kaya ang tulang ito,

ay aking nilalaan para sa kanila

at sa lahat ng magulang na hindi naging pabaya sa pag aalaga

at sa pag aaruga sa mga anak nila

Maraming salamat po sa lahat ng inyong ginawa

Simula pa nung kami ay sanggol pa

at hanggang sa aming pagtanda

Salamat po sa inyo Mama at Papa.

    people are reading<Tulang Dedikado>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click