《Tulang Dedikado》Ikatlong Tula

Advertisement

~BAKIT~

Itong tulang ito,

Ay nagsisimula sa isang tanong

Isang tanong na maraming gustong malaman mula sayo

Mula sayo,

Gusto kong marinig ang mga sasabihin mo

At mga paliwanag mo

Kung bakit mo ako niloko?

At bakit mo sinaktan ang puso ko?

At pinaniwala sa mga pangako mo

Na magtatagal pa tayo

Pero bakit mo ano niloko?

At sinabi mo na habang buhay magkasama tayo

Hindi lang 'yon sinira mo na ang tiwala ko sayo

Na sana nalang pala hindi ko na sinagot pa ang tanong mo na

"Pwede bang maging tayo?"

Binigay ko pa ang matamis kong OO.

Hindi mo rin lang pala panindigan ang mga sinabi mo

At iiwan mo rin pala ako

Sana hindi mo nalang sinabi na

'Mahal mo ako'

At hanggang sa huli ay magiging tayo

Sa lahat pala ng mga sinabi mo,

Ay hindi pala totoo

At wala palang katotohanan ang lahat ng ito

Lahat pala ay isang kasinungalingan na lumabas sa bibig mo

Bakit sakin may hinanakit?

At paulit ulit na sinasambit

Kung bakit mo ako binigyan ng sakit?

Sakit na kahit kelan di ko magawang gamutin

Dahil ikaw ang nagpaiyak sa puso kong napalitan na ng pait.

Na kahit kailan di mo na magawang gamutin

Bakit mo pa ako minahal?

Kung di mo rin pala ako pahahalagahan at aalagaan

Kung alam ko lang di na sana kita minahal

Bakit ko pa nga ba sinulat ang tulang ito?

Kung sa una palang ay di kana naging totoo

Na ang salitang Ikaw at Ako

Ay matatapos nalang din sa wala ng TAYO

Pero salamat sayo,

Dahil pinakita mo sa akin kung ano kang klaseng tao

Na kahit kailan di mo na magagawang magbago

Salamat kasi kahit kelan di ko na ipagkakatiwala ang puso ko sayo.

    people are reading<Tulang Dedikado>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click