《Tulang Dedikado》Ikalawang Tula

Advertisement

~NAGBAGO~

Isa dalawa tatlo,

Pag-ibig mo'y biglang nagbago

Bakit parang may tinatago

Ano ba ang nilalaman ng iyong puso?

Para kang natutuliro

Sa tuwing ika'y tinitignan ko

Ano ba ang nangyayari sayo?

Hindi ko alam ang gagawin ko

Iniisip ko na wala lang ito,

Pero ang nasa puso ko

Ay parang may BAGO

Isang tao na hinahanap mo

Sa tuwing kasama mo ako

Alam ko,na di ko dapat isipin ito

Pero bakit parang sa ikinikilos mo,

Ay alam kong tama ako

Dahil hindi na ba magiging tayo?

At matatapos nalang ang lahat ng ito,

Simula nung dumating siya sa buhay mo

Sa buhay mo na kasama mo na ako

Pero bakit hindi ka parin nakuntento

Ano ba ang meron siya na wala ako?

At hinahanap hanap mo

Paulit ulit kong tinatanong ang sarili ko

Kung bakit nangyari sakin 'to?

At bakit ka biglang nagbago

Kahit pagbaliktarin pa natin ang mundo

Alam mong niloko mo ako

At sinaktan mo ang puso ko

Pero hinihintay ko ang sasabihin mo

Kung ano ba talaga ang nasa puso mo

At bakit ka nagbago

Sana lahat ng nasa isip ko

Ay nagkamali lang ako

Kung bakit ka nagkakaganito

At kung bakit ka NAGBAGO.

    people are reading<Tulang Dedikado>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click