《The Hot Shot Club 7: The Cool Guy (Completed)》73

Advertisement

🌸 @ 🔒 •3m

I felt really bad for Rajon. 🥺

|

|

🌸 • 3m

Replying to

Di siya dapat nasasama sa ganitong issue.

10 mins ago

Hi! First and last time ko itong gagawin. I'm usually quiet, focus lang ako sa goals sa life. Papasok lang sa trabaho, tapos mag-o-online line para magbenta online para may dagdag income. Pero this time, let me tell you a story. Actually, nasabi ko na ito kay Rajon, pero gusto ko lang ding ikwento sa inyo.

Mula bata, simple at masaya kaming namumuhay sa simple rin naming brgy. I'm happy having my family and friends. Pero naging kumplikado ang lahat nang mag-confess sa akin ang isa sa mga kaibigan ko. Mahal niya raw ako! At umamin siya after niyang manalo ng MVP award. Umamin siya sa harap ng schoolmates namin! Ang lakas ng loob niya, no? Lol! And that friend of mine was none other than Rajon Eros Jimenez.

Sabi ko, naging kumplikado ang lahat nang umamin siya, di ba? Actually, our feelings are mutual. Matagal ko na ring mahal si Rajon. Sino ba naman ang hindi mai-in love sa kanya? He's almost perfect. Almost lang kasi may mga flaws pa rin naman siya, katulad ng malakas siyang humilik! Haha! Anyway, ayun na nga. Medyo may pagkatanga ako that time. Kasi sa halip na sagutin siya, umiwas ako. Hindi ko na kasi kinausap ever. Recently na lang talaga kami nagkausap at nagkasama, since naging private nurse niya ako.

So, bakit ako umiwas sa kanya? I was bullied, katulad ng ginagawa ng ilan sa akin ngayon. Di naman ako basta mapapaiwas sa kanya ng dahil lang doon, not until I heard someone said that Rajon's so into me that I could be his downfall. At doon ako natakot, kaya ako umiwas.

I want what's best for Rajon. Ayaw kong maging sagabal sa mga pangarap niya. Pero lately ko lang na-realize na sobrang tanga ko. Kasi, kung mahal ko talaga si Rajon, dapat di ko siya iniwan. Dapat di ako natakot. Dapat di ko siya sinaktan. Dapat sinamahan ko siya sa journey niya. Kaya lang, di ko na maibabalik ang panahon na yun. Kaya babawi na lang ako ngayon.

Advertisement

Masuwerte ako dahil kahit nasaktan ko siya nang sobra noon, mahal pa rin ako ni Rajon. Oo, mahal pa rin daw niya ako. Kaya ngayon, ipaglalaban ko na siya. Hindi ako matitinag ng masasakit na salita na ibinabato n'yo sa akin. Hate me all you want, but please, spare Rajon. He doesn't deserve your hate.

At para sayo, Rajon Eros Jimenez, ito na ang sagot sa tanong mo. Mahal na mahal na mahal pa rin kita. Ikaw lang din. Mula noon, hanggang ngayon.

That's my girl. ❤

Where are you? I need to hear those words personally.

--

Thank you po for reading. Your votes and comments are highly appreciated. 🥰

    people are reading<The Hot Shot Club 7: The Cool Guy (Completed)>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click