《The Hot Shot Club 7: The Cool Guy (Completed)》71

Advertisement

Hi, Rajon.

You're probably asleep right now.

Pasensya na, ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na mag-explain sayo ng tungkol sa nangyari dati. Alam ko, mas okay kung personal akong magpapaliwanag sayo.

Don't worry, mamaya paggising mo at pag nabasa mo na ito, kakausapin din kita. Gusto ko lang din talagang magpaliwanag dito, pandagdag sa lakas ng loob. 😅

Noong araw na mag-champion kayo at mag-MVP ka, sobrang saya ko noon para sayo. Sobrang proud rin ako sayo nang panahong yun. Kasi, deserve mo ang award na iyon. Bukod sa magaling ka naman talagang basketball player, I know that you really work hard for that.

At nang literal mong i-announce sa buong campus na... na mahal mo ako, I'm beyond happy, Rajon. Kasi, our feelings are mutual. Mahal din kita, matagal na.

I'm happy, but at the same time, di ko alam kung paano haharap sayo that time, kasi nahihiya ako sayo. Oo, nahiya ako. Nambibigla ka naman kasi! Kaya naman that day, di muna kita hinarap.

Naisip ko kasi, masyado pa rin kasi tayong mainit sa mata ng mga estudyante. Gusto ko sana, mag-usap tayo nang tayo lang talagang dalawa. Pasensya na nga rin pala kung hindi na rin ako nakipag-usap sayo nang puntahan mo ako sa bahay that night, kasi nag-iisip pa rin ako kung ano sa sasabihin ko sayo.

Kinabukasan, excited akong pumasok sa university. I'm excited to see and talk to you. Kasi overnight, pinag-isipan ko talaga kung ano ang gagawin at sasabihin ko.

Pero yung saya ko, biglang nawala eh. Rajon, I was bullied that day. Bullied by your fans. Kung ano-ano ang sinabi nilang masasakit sa akin. Di raw tayo bagay. Haha! Nilandi lang naman daw talaga kita.

They didn't hurt me physically. I was bullied verbally. Nagkataon pa na nag-iisa ako that time. Nauna kasi akong pumasok noon kina Milo.

Advertisement

Actually, naiintindihan ko naman sila. I get that minsan, ganoon ang mga fans. They were protective of their idols. Oha, di ka pa professional noon, pero marami ka ng fans. Lods talaga. 😅

Hindi ko na lang sila pinansin. Well, it stings a bit. Sobrang harsh kasi ng mga sinabi nila. Pero hindi naman ako lumaking palaban sa buhay para lang bumigay sa pambu-bully nila. I shake that off at nagtuloy sa pagpasok.

Pero alam mo ba, may nangyari pa pagkatapos niyon.

Papasok na ako ng classroom when I heard my classmates talking about us. I can't say that they were backstabbing me. Hindi naman kasi sila nagsalita ng katulad sa mga nam-bully sa akin.

They were just talking about the possibilities of our future. The pros and cons. Actually, sa palagay ko, concern pa nga sila para sa ating dalawa.

Napapansin na raw nila na you were so into me. Grabe, parang ang dense ko that time. Kasi sila, napansin yun, ako hindi. Haha!

Ayun na nga, you were so into me raw na baka makaapekto iyon sa mga decisions mo in life.

Kasi, alam namin yung balak mong pagpasok sa pro league. Alam namin ang pangarap mo. Ang maging professional basketball player para makatulong sa pamilya mo. At alam din nila ang sitwasyon ko, ng pamilya namin.

Basta, marami pa silang napag-usapan. At dahil doon, napaisip ako. May similarities kasi yung mga sinabi ng mga classmates ko sa mga sinabi ng mga nam-bully sa akin.

That I will be your downfall. At ayokong mangyari yun. Kasi, alam ko kung gaano mo kagusto na maging matagumpay na basketball player.

Rajon, I know I'm so weak that time. I'm sorry kasi nagpadala ako sa mga narinig ko noon. Naunahan ako na takot at pagiging overthinker ko.

Nawala yung pagiging critical thinker ko. Kasi, ikaw yun eh. Para sayo yun eh. Hindi ko na nagawang sabihin sayo ang mga gusto kong sabihin, di na kita kinausap kasi baka pag kinausap pa kita, baka makalimutan ko na ang lahat at sabihin na lang na mahal din kita.

Advertisement

Pero alam mo ba? Ang sakit sa akin na nasaktan kita. Doble yung sakit para sa akin. Kasi, alam ko na mutual ang feelings natin, pero pinili kong umiwas at saktan ka.

Pero, worth it naman yung sakit eh. Look at you now. Sobrang successful mo na. I'm so proud of you, Rajon. Mula noon, hanggang ngayon.

Pero alam mo ba, kapag nakikita kita, di ko rin maiwasang magalit sa sarili ko. Kasi, ang bobo ko eh. Nagpadala ako sa takot ko. Sinaktan kita. I was so immature back then. At nahihiya ako dahil doon.

So, kaya kahit gusto kong kausapin ka at magpaliwanag, di ko na ginawa. Okay ka naman na, eh. Masaya ka naman na. At ayun ang mahalaga.

Again, I'm sorry, Rajon. Sorry for hurting you back then.

Seen, 2:20 AM

Mahal mo pa ba ako?

OH, MY GOD!

BAKIT GISING KA PA?

Sagutin mo ang tanong ko. Mahal mo pa ba ako?

Paano kung may mam-bully ulit sayo? Paano kung may magsabi ulit na you can be my downfall?

Iiwasan mo ba ulit ako?

Seen, 2:27 AM

--

Thank you po for reading. Your votes and comments are highly appreciated. 🥰

    people are reading<The Hot Shot Club 7: The Cool Guy (Completed)>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click