《The Hot Shot Club 7: The Cool Guy (Completed)》58

Advertisement

Mara...

Seen, 11:08 AM

Bakit?

May kailangan ka ba?

Bakit ganyan lagi ang tanong mo kapag nagcha-chat ako?

Kasi private nurse mo ako?

Kasi nagtatrabaho ako para sayo?

Hindi ba pwedeng gusto ko lang talaga na maka-chat at makausap ka kaya ako nagme-message?

Magkaibigan pa rin naman tayo, di ba? Kahit na... umiwas ka sa akin. Hehe!

Rajon...

Anyway, what can you say about this place?

Nag-e-enjoy ka ba?

Yes.

Thank you for taking me here.

Na-relieve kahit paano yung stress na naramdaman ko sa mga nakalipas na buwan. Medyo nakahinga ako kahit paano.

May hatid talagang calmness ang dagat sa akin, eh. Kaya sobra ko talaga nae-enjoy ang pagpunta natin dito.

Good to know that.

I know very well na magugustuhan mo dito. Kasi kahit naman noong mga bata pa tayo, lagi kang enjoy kapag nagpupunta tayo sa dagat.

That's why naisip ko rin na dalhin ka dito ngayon.

Deserve mong magpahinga, Mara. I mean, yeah, I know that you have huge responsibilities for your family. But you need to breathe as well.

Wag mong kalimutan ang sarili mo. You deserve to rest and enjoy, even for a while.

Seen, 11:17 AM

Bakit mo ito ginagawa, Rajon?

I'm thankful sa mga ginagawa mo for me. Pasensiya na kung hindi masyadong halata, pero grateful talaga ako sa mga tulong mo sa akin.

Pero bakit mo ito ginagawa?

Sabi mo nga, iniwasan kita, di ba? Ni hindi ako nagbigay ng paliwanag kung bakit. Dapat magalit ka sa akin dahil doon.

Pero hindi, eh. Lagi mo pa rin akong binibiro. Ang bait mo pa rin sa akin.

Kaya bakit?

Guilt-tripping ba itong ginagawa mo?

Seen, 11:25 AM

Gusto mo talagang malaman ang dahilan?

Oo.

Kasi mula noon hanggang ngayon, gusto na kita. Totoo ang lahat ng sinabi ko noon.

Mahal kita, Mara.

At ayoko ng nahihirapan ka. Kaya kung may kaya akong gawin at maitulong para sayo, gagawin ko.

Kung di mo kayang alagaan at mahalin nang buo ang sarili mo dahil sa mga responsibilidad mo, handa akong alagaan at mahalin ka para mabuo ang pagmamahal na kulang para sa sarili mo.

Kasi nga, mahal kita. Mahal kita, Maine Ranchel Zumarraga.

Seen, 11:34 AM

--

Thank you po for reading. Your votes and comments are highly appreciated. 🥰

    people are reading<The Hot Shot Club 7: The Cool Guy (Completed)>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click