《The Hot Shot Club 7: The Cool Guy (Completed)》31

Advertisement

OH, MY GAAAD!

WAAAAA!

MY MOTHER SHIP!

ANG SAYA-SAYA KO PARA SAYO, FRIENDSHIP!

Seen by everyone

Anyare sayo, Emilio?

Agang magwala, ha?

May booking siguro yan kagabi.

Malamang yan.

Alam na kapag energetic ang bakla sa umaga. Haha!

MARA! BAKIT NAMAN DI MO SINABI SA AMIN NA NAGTANAN NA KAYO?

AKALA KO BA NO SECRETS TAYO DITO?

Pinagsasasabi mo, Emilio?

Hmp! Palalampasin ko ang pagtawag nyo sa akin sa pangalang yan kasi happy ako today para kay Mara. Yie!

Please enlighten us, Milo.

Gulong-gulo na kami sa pinagsasasabi mo, Emilio.

SI MARA! NAKIKIPAG-LIVE IN NA!

Akala ko ba, tanan? Bakit live in na ngayon?

Naka-drugs ka ba, Emilio? Hahaha!

Tangina, Milo. Saan mo ba nakukuha yang mga sinasabi mo?

Wag ka ng magsinungaling, Maine Ranchel. Kitang-kita ng dalawang beautiful eyes ko!

Pumasok ka sa bahay ni fafa Raj! May dala kang bag.

Eh, ano naman? Malay mo aalukin lang ni Mara ng paninda niya si Rajon kaya may dalang bag.

Mapaggawa ka talaga ng issue, Emilio. 😒

Ekskyusmi lang? Di ako Marites na walang proof, no?

Pagkakita ko kay Mara na pumasok sa bahay ni fafa Rajon, nag-investigate ako. Ha! Akala nyo, ha? Changed me!

Anong changed me? Hahaha!

Ibahin nyo ako. Hay, Isobelle, gamit nga ng utak.

Tangina mo, Emilio! Hahaha!

Gagu ka, Emilio!

I'm gaga, not gagu. 🤨

Teka nga, nawawala ako sa tsika ko. So, eto na nga...

Yung laman ng bag ni Mara, mga damit niya. Kasi, sa bahay ni fafa Raj siya titira.

I told you, magli-live in na nga sila!

Mara? Totoo ba ang sinasabi ni Milo?

Maine Ranchel?

Gagu ka, Emilio! Sasagap ka na lang ng balita, mali-mali pa.

So, mali ako na sa bahay ni fafa Raj ka titira?

Sa bahay niya nga ako titira.

SEE? MYGAD, DI TALAGA NAGKAKAMALI ANG BEAUTY KO.

Advertisement

Pero di kami magli-live in, king ina ka!

He hired me as his private nurse.

Private nurse?

Di ba, na-injury siya.

Malala ba ang injury niya para kailanganin niya ng private nurse?

Saka, bakit ikaw? Med tech ka, hindi nurse.

Ewan ko sa gunggong na yun kung ano ang mga trip sa buhay.

Kainis!

Weh? Naiinis ka ba talaga? Haha!

Bwisit ka, Emilio!

Teka, eh, bakit sa bahay ka pa niya titira? Magkatabi lang ang bahay nyo, ah.

Yun daw ang gusto ng nanay niya. Ewan ko sa bwisit na yun.

Gusto ng nanay o gusto ni Rajon? Para-paraan lang din, eh. Haha!

Nakakainis talagaaa!

Gusto mo palit na lang tayo, Mara? Ako na ang mag-aalaga kay fafa Raj. Gabi-gabi siyang sasaya sa akin. 😏

Tumigil ka, Emilio! Napakahalay mo.

Wut? Inosente ako. Ikaw lang nag-isip ng iba dyan.

Tumigil ka raw, Milo. Kaya na raw ni Mara na pasayahin si Rajon. Wag ka ng umepal.

Hanap ka na lang ng booking mo, bakla. Haha!

Ay, ang saya namang maging si Mara. Gabi-gabing may dilig kay fafa Raj.

Private nurse ang trabaho ko, hindi GRO!

Mga bwisit kayo!

Hahaha!

Seen by everyone

--

Thank you po for reading. Your votes and comments are highly appreciated. 🥰

    people are reading<The Hot Shot Club 7: The Cool Guy (Completed)>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click