《Tula at kaisipan》Di ko mabilang pa

Advertisement

Andami ko nang tulang itinatala para sayo

Andami ko nang luhang ipinatak para sayo

Andami ko nang ala-alang binabalikan para sayo

Andami ko nang nagawa nang wala ka sa tabi ko.

Akala ko hindi ko kaya umabante

Akala ko di ka lilisan, at ako ay kampante

Akala ko panghabang buhay, yun pala ay panandalian lang ako

Akala ko lang pala ang lahat ng ito, pagkat tahanan mo'y di na ako.

Naging tahanan mo ba ako? hindi siguro

Pagkat ang binigay ko sayo

Ay puro sugat at pagdurugo

Kaya siguro, ako'y nilisan mo.

Ngunit sinta ko, hinahanap hanap ko pa rin

Hinahanap hanap ko pa rin ang boses mo

Ang boses mo sa gitna ng pagtitipon

Nagbabakasakaling marinig ko ang tawag mo.

Paano mangyari, kung sa panaginip rin ay imposible

Kung ni minsan ko lamang narinig ang mala anghel na pag awit

Ang mga tinig na kay ganda sa aking pandinig

Ang mga boses na kay rikit.

Panalangin na lamang ang kaya kong gawin

Tanging kasiyahan at kaligtasan mo ang aking hiling

Sa Poong Maykapal ay siyang diringgin

Kasiyahan nyo ng iyong sinta'y dinggin.

    people are reading<Tula at kaisipan>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click