《Tula at kaisipan》Langit at Lupa

Advertisement

Kahit manatili sinta, alam kong mundo nati'y kakaiba

Kahit piliin ka, alam kong pipiliin mo'y iba

Kahit na ganito, pinili kong manatiling sayo

Dahil baka sakaling mabago ko ang nakasulat sa libro.

Ang mga tulang inilathala para sayo

Ang mga kaisipang puno ng pangalan mo

Ang lahat ng mga mahihiwagang salitang inalay sayo

Ang mga paborito kong kantang ala-ala mo.

Malayo na tayo sa nakaraan sinta ko

Malayo na tayo sa kung saan tayo nagkatagpo

Malayo na tayo sa ating paraisong iniwan mo

At ang bakas ng paa mong mananatili rito.

Kita ng mga mata ko ang bakas ng paa mo papalayo

Ang mga litrato ng pagkakatagpo

Ang mga tulang inilalabas ang damdamin ko

Ang pagkasabik na tayong muli ay magtagpo.

Tanginang tula na lamang ang panghahawakan ko

Tulang puno ng ala-ala mo

Kasiyahan, kalungkutan, pagkabigo at kung ano pa man

Ang syang tanging inaalay ko, munting ala-ala mo

    people are reading<Tula at kaisipan>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click