《Tula at kaisipan》Paalam

Advertisement

Yan na ba ang katapusan

ng istorya nating inumpisahan

sa buwan ng oktubre

siguro ito na nga.

Hinihintay ko pa ang pagsapit

ng buwan ng pagkakakilala

pero bakit naman natapos na

hindi ko pa nakakalimutang ala-ala.

Hindi na siguro aabot pa

ng pangmatagalan kung nauubos na

ang tinta sa pagsusulat ng istorya

huminto na muna, baka sakaling maiba ko pa.

Baka sakaling maiba ko ang ikot

Baka sakaling maiba ko ang katapusan

Baka sakaling maayos pa

O baka sakaling hindi na lang sinumulan pa.

Baka sa ganoon ay hindi na nasasaktan pa

Hindi na luluha pa

at baka sakaling hindi na umasa pa

at nagtagal ang nararamdamang hindi pang habang buhay.

Ito na ang huling tula na aking isusulat

dahil tapos na ang istorya sinisimulan ko pa lamang iulat

paalam sa lahat pagkat hindi na rin magtatagal

makakalimutan mo rin ang lahat.

Malapit na rin ang katapusan

bakit naman bigla bigla at inagahan

Kung kaya pa nating subukan

Kahit alam nating paghihiwalayin din naman.

    people are reading<Tula at kaisipan>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click