《Tula at kaisipan》Butil ng Luha

Advertisement

Ang iyong hapunan ay mga butil ng iyong luhang namumuo sa iyong mata

at kay pakit ng lasa, nakakasawa na sa pakla, pakla nang mga nakaraang iniiyakan mo gabi gabi, pagkat hindi parin nagsisink in ang mga pangyayari, oh, paano na? paano na ako sisigla kung ang aking kinakain sa hapag ay ang aking mga luhang pumapatak sa sahig ng lugar kung saan kaya kong ibuhos ang patak ng mga luha kong naipon na nang panahon at naulila sa maghapon pagkat pinipigilang bumuhos na lang bigla at magmukhang kahiyahiya sa harap ng iba. Kailan ko matitikman ang ngiti kung saan hindi ko na ibubos pa ang mga luha para mabusog at mawalan nang ganang sumama sa hapag kasama ang aking pamilya. Kung saan kaya kong sumaya, maging malaya at lumigaya, siguro hindi ko pa nakikita ang halaga nang bawat butil ng luha kong nginangawa, at ito siguro ay magsisilbing paalala na hindi kasaya sayang kainin ang sarili mong luha.

Pagkadapa

Sinabi nila tignan mo ang iyong daraanan baka ika'y matalisod at masugatan. Ito lang ay parang buhay kung hindi mo titignan ang daraanan patungo sa kanais nais buhay na iyong kagustuhan, baka ika'y matisod sa kawalan ng pag-asang kaya mo palang lumakad, mapagod ka ma't mahirapan. Titignan mo lamang, kailangan maging mapanuri baka naman ika'y mabunggo kung hindi mo titignan ang iyong harapan. Tignan mo ang iyong paahan baka may kung ano ka nang naapakan at magdulot pa sayo ng kapahamakan. Ganyan lamang ang buhay, hindi ka matututo kung hindi ka pa nasusugatan. Hindi ka babangon kung hindi ka pa nadadapa o baka naman umiyak ka na lang at antaying may magtayo sayo kagaya nung ika'y paslit na bata pa lamang, kung saan nakaalalay ang iyong magulang upang ika'y protektahan. Ina na ang panahon, kailangan mong matutong bumangon, at gamutin ang sarili mong sugat. Ingatan ang sarili't bumangon, kahit madapa muli ay alam mong ika'y babangon muli. Tumingin sa iyong paahan huwag laging sa harapan pagkat ang paa natin ang nagdadala sa ating parorooan.

Advertisement
    people are reading<Tula at kaisipan>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click