《Tula at kaisipan》Midnight thoughts

Advertisement

Tuwing gabi iniisip ko ano na kaya ang nangyari kung natuloy ang pagibigang pinaplano nang pang habang buhay, kung sakaling hanggang ngayon ikaw at ako pa rin ang nagiisip ng mga pangyayaring nais nating makamit nang magkasama, ngayon wala na, naiwan na sa munting paraisong ating binuo at ngayon ay naulila na. Tanginang ala ala mo na lamang saakin ang kaya kong panghawakan pa, noong hawak hawak ko pa ang iyong kamay at binubulong pa sa mga tala sa kalangitan na balang araw, tatanda tayo nang nagmamahalan at yun ay pang habang buhay. Ngunit parang walang katapusan ang hindi pagkakaintindihan nawawala na ng tiwala at sa puro pangakong salita na lamang umaasa, nasaan ang hiwaga? nasaan ang mga pangakong mananatili tayong masaya habang buhay. Ngayo't kailangan maghiwalay, umalis at lumisan. Lumisan at tumakbo na lang papalayo na parang batang tumakas sa kanyang magulang makapaglaro lamang sa lansangan. Ilang gabi ko pa ba iisipin kung natapos nang masaya ang ating istorya inuulat ng ating pagiibigang sa umpisa lamang nagkakaunawaan ngayo'y nagsasawa na sa kakaunawa at pagpaparaya, pagbababa ng sarili upang magkabatian. Ngayong gabi ikaw ay permanenteng pinapakawalan, pagkat umalis ka na noon pa man. Hindi lamang nawala sa aking puso ang pagmamahal, at ngayon ay wala kana sa puso kong nagsilbi mo noong tahanan. At ngayon hinahanap mo ang iyong sarili sa oras na sinabi mo saking kailangan mo munang hanapin ang iyong sarili nginit hindi ka naman nawala nariyan ka nariyan ang iyong pagkataong dinadahilan mo dahil napapagod kana at hindi mo kayang sumugal pa, pagkat sa kadahilanang nauubos kana. Ngunit ang sarili ko may ubos na ubos na pagkat lahat ang ibinigay sa pag ibig na ating pinangakunan nang habang buhay, para ka lang nagsulat ng isang istorya ng hindi mo tinapos pagkat wala na ang pinagkukunan ng mga idea, iaya iniwan mo na lamang at hindi binigyan ng hustisya. Pero bakit pinagpapatuloy ko pa kung nauubos na ang tinta at mga papel matapos lamang ng maganda. Bakit sinusulat pa ang katapusan kung tapos na nga. Kaya tuwing gabi na lang kita iisipin upang walang makakita saakin kung gaano ako naghihinanakit sa pangyayaring nais ko sanang ituloy nating magkasama, ngunit tapos na nga, wala nang tinga, wala na rin ang taong kasama ko sa paggawa ng aming istorya.

Advertisement
    people are reading<Tula at kaisipan>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click