《Tula at kaisipan》Paano na Paraiso?

Advertisement

Oh paano na, paraiso

ating tahanan noo'y naulila na

napagiwanan na ng panahon

pagkat nagsilipas na.

Pero ang mga tula'y nasa puso pa

ang mga luha'y hindi pa naipapatak

kasabay ng ulan na iniintay ang pagbagsak

paraiso natin, bakit biglang naglaho na.

Hindi na mahanap ang halaga

ng bawat salita ko'y ikaw ang halaga

sa mga salita ng tula ko'y

nagsisilbi mong ala-ala.

At sa aking pagbasa

maaalala ko ang ating paraiso

na binubuo natin noon

ngayo'y nasira na.

Una kong binitawan

ang mga haligi ng tahanan

kaya't bumagsak na lamang

ng walang paalam.

Ngayong aking binubuo

ang mga simentong naging buhangin

dahil nalaglag at nawarak

ng walang pasabi.

Kaya't akin na lang lilimutin

ang ating mga ala-ala

at ililibing na lang kasama

ng ating tahanang natabunan ng buhangin.

ay kailan ma'y hindi mo huhukayin

dahil ni ako'y hindi mo kayang sagipin.

    people are reading<Tula at kaisipan>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click