《Tula at kaisipan》Bat di matanggap?

Advertisement

Bakit mo naman ako iniwan?

kala ko pa naman

pagmamahal ng ama ay tunay

ngayo'y nagungulila pagkat iyong iniwan.

Hindi ba ako katanggap tanggap

upang tanggapin mo bilang isang anak

hindi ba ako dapat ipagyabang

kung ang aking kagustuhan ay makasama ka lamang.

Isa ba akong pagkakamali ng aking magulang?

iyan ang tanong sa kalangitan

Araw at buwan lamang ang kasama

walang amang nakilala.

minsan, ako'y naguguluhan

sabihin na nating palagi-lagi

iniisip ko kasi ang dahilan

kung bakit ako'y iyong tinakasan.

Palaging may malaking alon

at wala akong bangkang masakyan

at wala ring aakay kapag ako'y nahihirapan

isang amang tunay na karamay.

Kapag ako'y nakakakita ng anak at amang magkasama

ang pusong ko'y nagluluksa

at tinatanong kung

"bakit iyan ay hindi ko maranasan?".

Hindi ko ba karapatan

na lumigaya at buo ang pamilya

pagpapakasakit at pagdurusa na lamang

ang aking natatamasa.

Sana ay makilala ako

Sana ay mahalin ako

Sana ay matawag ang aking ngalan

yun ay "anak" na pangalan.

    people are reading<Tula at kaisipan>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click