《Tula at kaisipan》Hindi pa ba sapat?

Advertisement

Hindi pa ba sapat

ang mga oras kong winaldas

upang makamit ang iyong pagmamahal

at matamasa ang hiling kong makamtan.

Parang isang nobelang may katapusan

ngunit hindi nagtatapos sa mabutihan

pagkat hindi mo kayang tapusin

nang hindi ako nasasaktan.

Ginawa na ang lahat

pero hindi pa ba sapat

parang piniga ang aking mata

at tumula ang mga luhang kay tagal nang iniinda.

Bakit naghanap?

kung ako naman ay nasa iyong harapan

Bakit napagod?

kung noon sabi mo ako ang iyong pahinga.

Tahanan kung saan nais mong mamahinga

ngayon ika'y humanap ng bago

at lumipat ng tirahan

kagaya ng paglisan ng isang ama.

Ang mga patalim na iyong ibinigay saakin

ay naririto pa rin sa aking harapan

at balintataw kong ikaw ang nasa aking harapan

yun pala ay ang sugat mong binigay.

    people are reading<Tula at kaisipan>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click