《Tula at kaisipan》Nandito pa rin ako

Advertisement

Nandito pa rin ako

naghihintay sa pagbabalik mo

at baka sakaling magbago ang isipan mo

at balikan mo ako.

O kahit hindi na ako

pero balikan ang mga ala ala natin noon

na kumukupas na ngayon

dahil lumilipas na rin ang panahon.

Ako ma'y nilayuan mo

ay pilit ko pa rin pinagsisiksikan ang sarili ko

sa buhay mong wala naman akong pwesto

kaya't lalayo na rin ako.

Kahit masakit

kahit mapait

kailangan kong lunukin

ang mga nais kong sabihin.

Pagkat ako'y tuluyan mo nang kinalimutan

tila isang pangakong pinakaiingatan

at ngayo'y ibinahagi sa iba

at hinayaan at kinalimutan nang walang pangamba.

    people are reading<Tula at kaisipan>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click