《Tula at kaisipan》Kaarawan ng Ina

Advertisement

Maligayang Kaarawan

mahal kong Ina

ikaanim na pu't limang araw

mo na itong kaarawan.

Nais ko sanang sabihin

kung gaano ako naghihinakit

sa mga oras na naramdaman kong

parang ako'y hindi mo anak.

Sa mga araw at oras

minuto at sigundo

na hinihiling sa kalangitan

na sana ay ikaw ay nariyan.

At hinahagod mo ang aking likuran

sa mga oras na gusto ko nang bumitaw

at ang mga luhang pumapatak

ay aking pinupunasang agaran.

Kahit noon pa man

ay hind mo na ako binigyan

ng pagkakataong makapagaral

pero sinikap ko, dahil isa ka rin sa dahilan.

Dahilan kung bakit nais kong umangat sa buhay

dahilan kung bakit gusto kong magsumikap

dahilan kung bakit gusto kong makamit ang aking pangarap

at isa doon ay mapalapit ako sa iyo.

Mapalapit sa taong nagsilang saakin

at mapalitan ng iyong ngiti at yakap

ang aking mga paghihirap

na nakamit para sa pangarap.

Ngunit kahit ganoon pa man

ipinagpapasalamat ko sa maykapal

na mayron akong ina sa aking harapan

at sana ay sa sandaling ito, ika'y mayakap at mahagkan.

Ikaw ang aking ina

ang nagluwal sa akin sa mundong ito

at sana ay matanggap mo ang aking tulang ito

at madama mo kung gaano kita kamahal.

Kaligayahan mo ay kaligayahan ko

pagdurusa mo ay pagdurusa ko

pagkat nagmula ako sa dugo't laman mo

Ikaw ang aking ina, Ang pinakamamahal kong babae sa mundong ito.

Hindi kayang ipaliwanag ng kahit na anong bagay

kung gaano ako nagpapasalamat

dahil sa iyong pagkabuhay

na pinagmulan ng aking pagkasilang.

Hindi lamang liwanag ng tahanan

kundi, liwanag ng aming buhay

muli ako't bumabati ng maligayang kaarawan

Mahal kita hanggang sa dulo ng hangganan,

MAHAL KONG INA.

    people are reading<Tula at kaisipan>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click