《Tula at kaisipan》Ama kong lumisan

Advertisement

Dalawang pu ng agosto

ang araw na ika'y lumisan

ang araw na ako'y nawalan ng ama

amang aking karamay sa sarap at hirap ng buhay.

Ngayon malapit na ang iyong kaarawan

at hinihiling na sana ay ikaw ay kapiling

at maakap at mahagkan

nang walang pangambang ika'y lilisan.

Tatlong pu ng oktubre

sa taong dalawang libo't dalawang pu't dalawa

ang unang kaarawan mong hindi ka kasama

sana ay narito ka, kapaling namin ni ina.

Aking laging hinihiling

na sana ay hindi mo na matamasa

ang hirap na dinanas

at sana ay kaya mo nang huminga.

Sana ay maisayaw ka muli

kahit sa huling pagkakataon

at madinig ang wika mo

na nakakapagkampante sa aking tinig.

Ang mga pagsuway

ang pagtuturo ng mabuting asal

ang mga araw na ako'y munting paslit lamang

ay saiyo natutunan, kasama ni ina na iyong sinta.

Lagi kong ipinagdarasal

na sana ay natamasa mo na

ang saya at ligaya

na hindi kana mahihirapang huminga.

Hindi na kakailanganin pa

ang tulong mg teknolohiya

at makabagong kagamitan

upang mapahaba ang iyong buhay.

At balintataw ko pa rin

ang munting ala-ala

na iyong iniwan para sa iyong pamilya

sa araw na kami ay iyong nilisan.

Inaapuhap ko pa rin ang iyong palad

at sana ay muling mahawakan

na hindi na mangangambang

baka ito'y iyong bitawan.

    people are reading<Tula at kaisipan>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click