《Tula at kaisipan》Isang anghel

Advertisement

Ilang beses nang sinubukan

ngunit kapalpakan lamang ang aming natatamasa

at nabuhayan ng pag-asa

nang nalamang ika'y darating sa aming buhay.

Isang anghel na aming nais matamasa

ay ibinigay na saamin ng maykapal

at ang munti naming tala

at liwanag ng buwan sa tuwing ika'y makikita.

Ngunit dumating ang isang pagkakataong

ako'y nawawalan ng pag-asa

na baka mangyari muli

ang kahapon hindi ko ninanais na maalala.

Ang kahapong patuloy na nagpapahina

sa kakayahan ko bilang isang ina

at ang araw na mawala ka sa tabi ko

ang pinaka kinatatakutan kong mangyari sa mundo.

Sa iyong pagkasilang

parang inalis ang tinik sa aking nararamdaman

at sa oras na ika'y binawian ng buhay

ay parang paglalim lalo ng aking sugat.

Sugat na nakamit

sa mga oras na ayaw kang bitawan

at ang maliit na pag-asang

mananatili ka pa.

Masyadong kay aga

upang ika'y alisin sa piling ko

sa piling ng iyong ina

at ang sakit na natamo ko, dahil ako'y nilisan mo.

Hindi ko man lang narinig

ang mga salita sa iyong bibig

na tawagin mo akong ina

at matawag kita sa ngalang "lucas" aking sinta.

binawi ka bago ang iyong kaarawan

tila kay pait naman ng mundo

ayokong matikman mo

at matamasa ang paghihinakit nito.

Ikaw ay ligtas sa piling ng Ama

at hindi ka nya hahayaang madama

ang pagdurusa't kahirapan

sa mundong iyong sisilangan.

Sana ay natamasa mo

ang makapaglaro sa lansangan

ang madapa kahit minsan

at maranasan kung paano mamuhay.

Natamasa mo ito

kahit maikling panahon lamang

ngunit hilaw pa ang iyong isipan

hindi mo pa alam ang mga bagay bagay.

    people are reading<Tula at kaisipan>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click