《Tula at kaisipan》Age doesn't matter

Advertisement

Hindi hadlang ang edad

sa aspetong magmahal

tayong lahat ay may karapatan

maramdaman ang kahulugan.

Labing siyam na taon

ating agwatan

ngunit ito'y di hadlang

sa ating pagmamahalan.

Makatanggap man ng pangungutya

at masasakit na salita

ang makasama ka ngayon

ang nakakakampante sa aking puso.

Ang dami kong pinagdaanan

hanggang sa sinubukan muli

itaya ang aking puso

sa pag-ibig na mapaglaro.

Sumugal at nanalo

at ikaw ay aking premyo

na nais kong makapiling

kasama ng aking mga tsikiting.

Mauunawaan din nila

ang halaga ng ating pagiibigan

na hindi dapat ikinahihiya

pagkat ito'y katotohanan naman.

Ang mga araw at buwan

na lilipas kasama ka

ay maituturing ko

na isang mahika.

    people are reading<Tula at kaisipan>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click