《Tula at kaisipan》Araw

Advertisement

Kay gandang pagmasdan

liwanag na iyong alay

ang init na iyong dala'y

talo ng iyong kagandahan.

Oh, araw kong sinta

ika'y magliwaliw

sa madilim kong mundo'y

bigyan mong liwanag.

Kinulayan aking buhay

kagaya ng pagpinta

sa mga dahon at punong

iyong binigyang ningning sa umaga.

Hindi ka man matitigan sa iyong mata

ang haplos ng iyong init saking balat

ay ramdam na ika'y kasama

at nagbibigyan liwanag sa aking umaga.

Ang bawat paggising ko

tanaw agad ang sinag mo

nakita ang halaga ng buhay ko

dahil sa liwanag na dala mo.

    people are reading<Tula at kaisipan>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click