《Tula at kaisipan》Naulilang asawa

Advertisement

Ang mawala ka saaking tabi

sa aking pagtulog sa gabi

ay nais kong ikaw ay aking kapiling

at yun ngayon ang aking hinihiling.

Wala kana sinta ko

pero ang pagmamahalanan natin ay narito

ang nagbunga ng malaking pamilya

na pinagtibayan nating dalawa.

Paano kami? ngayong ika'y lumisan na

at nawalan na nang pintig

ang puso mong wika'y ako ang syang himig

ngayon ang tinig mo'y dinig sa oras na ika'y nais.

Balintataw ko syang ala-ala

ang panahong kasama

ikaw na aking sinisinta

ay syang parang nobela.

Ang istorya natin

sa unang pagkikita hanggang sa kahuhulihan

ang syang wika sa ating pamilya

mas masaya kung tayong dalawa ang syang magwiwika.

Sa bawat pintig ng puso ko

ay ikaw pa rin ang tinitibok nito

sa bawat pag hinga ko

ay ikaw pa rin ang mamamahalin ko.

Sinta, idinadalangin ko sa maykapal

na ika'y patuluyin sa pintuan

nang hindi kana muling mahirapan

pagkat puso ko ri'y nasasaktan.

Kapag nakikita kang nahihirapan

Kapag nakikita kang gusto mo nang bitawan

Kapag nakikitang nag mata mo'y lumuluha

Kapag ika'y hirap na, bumibigat din ang aking nadarama.

Ang puso ko'y hinding hindi bibitaw

at kahit ulit ulitin

ikaw at ikaw pa rin

ang syang pipiliin.

Sa bawat bagyo na ating naranasan

Sa bawat ligayang ating nakamtan

ay sya lamang ngayong ala-ala

na aking babalintataw sa oras na gusto kitang makasama.

    people are reading<Tula at kaisipan>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click