《Tula at kaisipan》Mundo

Advertisement

Tila ang mundo'y puno ng poot

Nababalot ng lungkot at lunos

Pagdurusa't pagtitis

Nasaan ang pahinga ko?

Pilit sinasambit ng aking bibig

Na ang mundo'y mabuti't hindi masakit

Ngunit ako'y sumusukong pipit

Nasaan ang pahinga ko?

Binabatas ang mga daan

Papunta saaking kaligayahan

Daming pagsubok, daming hadlang sa buhay

Nasaan ang pahinga ko?

Paano ko hahanapin ang perlas sa dagat

Kung saaking daan ay mapangahas

Ito'y patungo sa iyong kaligayahan

Malapit na.

Kung ang mundo'y puno ng kalungkot

Hanapin ang iyong kaligayahan

Hanapin ang iyong kakayahan

At ako ang iyong kaibigan.

Kung kalaban mo ang mundo

Isipin mong ako'y kakampi mo

Tutulungan kita na hanapin ang sarili mo

Sa isip mong magulo, matatagpuan mo.

Matatapos din ang pagdurusa mo

Piliin mong maging masaya

Piliin mo ang sarili mo

At liligaya ka.

    people are reading<Tula at kaisipan>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click