《Tula at kaisipan》Paubaya

Advertisement

Magkalapit na ang kamay natin

Ang liit ng espasyo sa ating pagitan

Ngunit bakit ang iyong tingin ay wala saakin

Bakit nasakanya, hanggang ang inyong mga mata ay magtama na.

Nakikita ko sa inyong tinginan

Na ang inyong mga puso ay parehas ang pagtibok

Habang ang puso ko naman ay nawala na ng tugtog

Nabigo at natusok.

Pagibig ko sa kanya'y hindi nya madama

Ngunit ako naman ang kanyang kasama

Pero sya ang hinahanap hanap niya

Hindi nya ba ako nakikita.

Hahayaan kang umalis

Hahayaan kang lumigaya

Kahit pa sa piling ng iba

Basta ikaw ay magiging masaya.

Anong saysay ng aking pagmamahal

Kung hindi mo ito kayang suklian

Kayo ngayo't hinahayaan

Hinahayaan ka ngayon at ako'y iwan.

    people are reading<Tula at kaisipan>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click