《A Prelude to Marriage》CHAPTER 21: THE DECISION

Advertisement

Walang umiimik habang ang lahat ay nakikiramdam.

Magkatabi na kami ni Renz sa isang sofa, yakap ako ni Renz at parang aagawan ng kendi kung makayapos. Buti nalang malaki ang pang-isahang sofa namin.

“Pwede ba Renz, pakawalan mo ang anak ko. Kung makayapos ka parang wala kami sa harap nyo.” asik ni papa.

Iling lang ang iginanti ni Renz at mas yinakap pa ako.

“Mag-usap na po kayo, hindi ko papakawalan si Rea hangga't hindi kayo pumapayag na paninindigan ko si Rea.” si Renz.

“aba't talaga tong batang to-” si papa.

“hayaan muna natin sila mahal, ang pag-usapan natin ay yung sa nais sabihin ni Mrs. Sua” si mama na bumaling kay tita Mandilyn, mama ni Clarenz

“Ang gusto kong sabihin, hindi naman kailangang tumigil ng mga bata na tumigil sa pag-aaral dahil lang sa pangyayaring ito.” sabi nito

“Anong ibig mong sabihin?” si papa na seryosong seryoso.

“Minsan lang nagmakaawa ang anak ko sa akin, simula pagkabata nyan palagi syang nagrerequest na umuwi ako pero dahil busy ako ay hindi ko magawa. Pero hindi nya ginawa ang lumuhod habang umiiyak sa harapan ko, ang huling beses ko syang nakitang umiyak ay ng mailabas ko sya sa mundong ito. Ni hindi ko nga sya nakitang umiyak nung mamatay ang lola nya, hindi ko sya napagmasdang lumaki ng personal at puro sa litrato ko lamang sya nasubaybayan. At ng sabihin nya sakin ang dahilan kung bakit pursigido syang panindigan si Rea, bukod sa mahal nya ito, ay napabilib ako bilang isang ina nya. Napalaki ng mga magulang ko si Renz ng tama. At hiniling nya sa akin na, kahit sa unang pagkakataon lanh, magpaka-ina ako sakanya. Kaya naisip ko, hindi pala sapat ang natutustusan ko sya sa pag-aaral nya at sa iba pa nyang pangangailangan. Kailangan din pala nya ako ssa tabi nya, masyado kasi akong napanatag na kaya nya na dahil matalino sya at alam kong responsable. Hindi pala.” napayuko si tita at alam ko na nagpipigil syang umiyak.

“Kaya naman, andito ako. Hindi pumapayag sa gusto nyang pagtigil sa pag-aaral, alam naman natin ang hirap ng buhay, lalo pa kung balak nilang magkapamilya. Bagkos ay andito ako para sana marinig nyo ang sihestiyon ko.” sabi ni tita

Advertisement

“at ano naman iyon?” Mahinahong tanong ni mama

“sana, ay pareho nating suportahan ang mga bata. Tutal hindi pa naman tayo ganon katanda para magtrabaho para sa magiging apo natin, habang ang dalawa ay ipinagpapatuloy ang pag-aaral. Si Renz na di na kailangang magtrabaho at tumigil ng pag-aaral, si Rea na papasok sa kolehiyo na maaari ang buntis.”

Nagkatinginan kami ni Renz at di naglaon ay nagkangitian.

“May punto ka nga naman Mrs. Sua. Kaya ko pa namang i-handle ang kumpanya namin, pero kailangang pakasalan ni Renz ang anak ko pagkatapos ng Grade 12 para wala syang kawala.” si papa

“At wala rin po akong balak kumawala tito” abat ni Renz

“Kung ganon Renz, pumunta ka sa kumpanya ko pagkatapos ng kasal nyo ni Rea at magsisimula ka ng alamin ang pasikot sikot sa negosyo.” si papa.

“Kasal? Agad???” di ko maiwasang umabat.

“Wag ka ng maingay misis ko baka magbago pa ang isip ni tito, di pa tayo ipakasal” si Renz.

“Aba dapat lang naman na kasal na kayo Rea, hindi natin masasabi ang panahon. Ngayon, paghandaan nyo na ang exam nyo bago natin pag-usapan ang kasal”

Masayang masaya kami ni Renz na tumango, isang mahigpit na yakap ang ibinigay sa akin ni Renz na agad ko namang ginantihan.

“Oh husto na iyan, masyado na palang napatagal ang ating usapan. Dito na kayo mananghaliang mag-ina” aya ni papa

Ang lahat ay maysinusupil na ngiti sa kani-kanilang mga labi pero ang saamin ni Renz? Alam kong kami ang mas higit na masaya sa mga oras na ito.

Sa wakas....

Lumipas ang exam at Grade 12 graduation, sa awa naman ng dyos valedictorian si Renz at ako parin ang salutatorian. Buti na lang at toga na ang isinuot namin dahil mas naitago ang tyan ko, hanggang ngayon ay sikreto parin ang pagbubuntis ko sa eskwelahan.

“Ang lalim na naman ng iniisip mo, san ka ba nagpupunta at kanina pa kita hinahanap?” si Renz na sumulpot kung saan sabay halik sa akin.

Bahagya ko syang tinampal sa braso dahil kaharap pa namin si Riri at Raico na kateammate ni Renz.

Advertisement

“Ang sweet naman pare. Nakakainggit, Riri tayo din gusto mo?” biro ni Raico

“Sure, basta kamao ko ang hahalikan mo” seryosong sabi ni Riri.

“to naman, masyadong kj. Pag-ikaw nagmakaawa sa akin ng kiss di rin kita pagbibigyan” maktol ni Raico

“Eh siraulo ka pala eh, bat ako magmamakaawa para lang i-kiss mo? Sipa gusto mo?” pagbabanta ni Riri.

“Grabe student slash classmate brutality na yan”

Natawa kaming dalawa ni Renz, naramdaman ko syang pumunta sa likod ko at yinakap ako, ipinatong nya sa ulo ko yungulo nya at sabay na pinagmasdan sila Riri at Raico na magtalo. Hmmm.. Baka sa bandang huli itong dalawang to ang magkatuluyan haha.

“Missy” rinig kong may tumawag sa akin.

Parehas kaming napalingon ni Renz, matapos malaman kung sino ramdam ko ang pagkalas ng yakap ni Renz sakin at pumunta sa haraoan ko para harangin si Trax. Oo si Trax ang lumalapit sa akin, sinabi sa akin ni Renz lahat ng nalaman nya kay Trax. At hindi naman ako galit, kasi ano naman ba ang masama sa pang-i-stalk? It's creepy yes, pero knowing how good Trax is...I just can't find it creepy at all.

Ipinagtapat ko na rin sakanya ng harap harapan na si Renz lang ang mahal at mamahalin ko, at first I saw how it pained him but he actually accepted that fact whole heartedly and volunteered to be the best man in our wedding. Natawa pa nga sya ng sinabi nyang, imbitado o hindi tatayo sya sa tabi ni Renz para pag nagloko itatakbo daw nya agad ako. Alam ko, pinilit lang nyang ngumiti habang sinasabi iyon.

“seesh so jealous and cautious Renz, don't worry kung aagawin ko man si Rea yun ay kung niloko mo sya at pinaiyak. But for now, masaya na akong maging best man mo” sabi nito ng may nakakalokong ngisi, si Renz naman ay seryoso lang na nakatingin sakanya.

“Anyway, Missy. Sa tingin ko heto na muna ang huli nating pagkikita pupunta na akong U.S. para magcollege at aralin na rin ang business ng daddy ko, pero aasahan ko parin ang invitation mula sayo ha?” masayang sabi nya.

Ngumiti naman ako at tumango.

“Well, ahm... I know makapal ang mukha ko para hingin to, pero last naman na eh di na mauulit.” sabi nya

“ano naman yun?” Si Renz na seryoso parin.

“Payakap kay Rea kahit sandali lang”

“Hindi pwede” mabilis at madiin na sabi ni Renz kaya hinawaka ko na sa balikat.

“hayaan mo na Renz huli naman na” sabi ko at binigyan ng yakap si Trax.

“Thanks, anyway ninong ako kay baby soon wag mo ring kakalimutan” sabi nya bago kami maghiwalay sa yakap. Matapos ay hinigit na ako ni Renz palayo kay Trax.

Nagpaalam na sya at umalis.

Ang sumunod na lumapit ay si Trixie, hindi ko parin nakakalimutan ang mga ginawa nya. Pero napataead ko na sya, magiging ina na ako, ayaw kong may galit na nananatili sa puso ko. At isa pa, kahit naman ilang beses pa nyang tangkaing agawin si Renz sigurado na ako na ako parin ang pipiliin ni Renz.

“Senior” tawag nito.

Kung kanina seryoso na si Renz ngayon ay mas lalo itong nagseryoso.

“Anog ginagawa mo dito?” malamig na sabi nya.

“Andito ako para magsorry sa lahat ng nagawa ko, promise. Rea, Senior hindi ko alam noon na...n-na buntis si Rea. Nalaman ko lang kumakailan ng sabihin ni kuya. I'm so sorry sa lahat ng nagawa ko. H-hindi ko na kayo aabalahin. Congrats nga pala sa kasal.” tanging sabi nya at umalis.

“teka si higad yun ah” si Riri na katatapos lang makipag-away kay Raico.

“Oo nga anong problema? Iintrada na naman ba kung kailan ending na?” si Raico.

Di namin sila sinagot at nakontento na lang na yakapin ang isa't isa.

****

-Prean

    people are reading<A Prelude to Marriage>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click