《A Prelude to Marriage》CHAPTER 20: Parents
Advertisement
Kasalukuyan akong kumakain ng dragon fruits na sinasawsaw ko sa toyo na maraming sili, habang ang mama ko ay di makapaniwalang nakatingin sa akin.
“Anong klaseng paglilihi ba ang meron kang bata ka, napakaweird ng kinakain mo” sita ni mama.
“hayaan mo na mahal, ikaw nga nilagang Sili na sinasaluhan mo ng asukal. Ikaw naman Rea magdahan dahan ka sa kinakain mo. Ilang buwan na ba ang tiyan mo?” si papa
“magti-three months na po” balewalang sabi ko at nagpatuloy sa pagkain.
Kagabi talagang di nila ako inimikang dalawa, alam kong galit sila kaya naman laking gulat ko ng pagkwentuhin nila ako kaning umaga. Lahat sinabi ko, lalong lalo na ang napagdaanan namin ni Renz. Nagalit sila ng malamang muntikan na akong makunan, hindi sa akin kundi sa mga babaeng yun.
“Sino sino ang mga hinayupak na yan Rea? Anong karapatan nila para ganunin ka na lang?!” galit na sabi ni papa at kinuha ang baril nya.
Buti na lang at napahinahon siya ni mama, matapos ay buong puso akong nagsorry sakanila. Di ko nga napigilan na mapaiyak ng sinabi ko ang lahat, nagiging iyakin na talaga ako. At heto na nga at inaalagaan na nila ako.
“Hindi parin ako makapaniwala na ang prinsesa ng bahay na ito ay magkakaroon na ng sariling prinsesa o prinsipe.” May bahid na lungkot si papa.
“Rea, anak. Sinasabi ko na sayo habang maaga pa, mahirap ang magpalaki ng anak. Lalo na't sa panahon ngayon” napatigil ako sa pagkain at seryosong nagtanong kay mama.
“Nahirapan din po ba kayo sa akin ma? Pa?” tanong ko.
“Oo, mahirap lalo pa at nawalan ng trabaho ang daddy mo noon at ako naman dito lang sa bahay dahil buntis. Wala pa ang kumpanya noon kaya naman hirap talaga kami at problemado sa mga gastusin, noong ipinanganak naman kita. Nasa abroad ang daddy mo at na dengue ka. Kailangan namin ng malaking pera, awa naman ng dyos at nakaligtas ka.” may mumunting ngiti sa labi ni mama na hinaplos ang mukha ko.
Advertisement
“bakit po hindi nyo ako iniwan na lang? Pinabayaan na mamatay?” tanong ko.
“tinatanong pa ba yan? Syempre anak ka namin at mahal na mahal na mahal ka namin” sabi ni mama.
“At ganon din po ako mama, kahit gaano kahirap. Kahit gaano nakakapagod hindi ko susukuan ang anak namin ni Renz, at alam kong ganon din si Renz. Kasi gaya nyo po, mahal namin ni Renz ang magiging anak namin. Tignan nyo po tayo ngayon, hindi tayo mayaman noon pero kung titignan masaya naman tayo, naibibigay nyo ang gusto ko, nasa tabi kobpo kayo sa mga pagkakataong kailangan ko kayo. Alam nyo po ba kung gaano ako kasaya na naging magulang ko kayo? Dahil alam ko maraming mga anak ang naibibigay nga ang materyal na gusto nila pero wala naman ang mga magulang nila sa tabi nila.” mahaba at sinserong sabi ko.
“hindi na nga baby ang anak natin mahal” nakangiting sabi ni mama at hinawakang ang kamay ni papa.
Parehas nila akong yinakap.
“HEY!!! GOOD MORNING MADLANG PEOPLE” Bulabog ng isang hyper na boses.
Sabay sabay kaming napatingin sa babaeng pumasok, si Riri.
“Ikaw talagang bata ka, basta basta ka na lang sumusulpot.” si mama na bumitaw na sa yakap.
“sus si tita kala mo di sanay sa akin, anyway good morning po tita, tito and Rea” masayang sabi nya atinilapag ang isang malaking box.
“Riri, kumain ka na ba? Halika na at magsasandok na lamang ang tita Clariza mo” aya ni papa.
“Naman, dabest ka talaga tito” sabi nito at umupo sa katabi kong upuan.
Close na close talaga si Riri kila papa, dahil bestfriend ni papa ang papa ni Riri. Ang inaasahan pa nga nila lalaki ang anak ni papa para ipakasal kaming dalawa ang kaso pareho kaming babae.
“psst. Musta si kyotatalet?” tanong ni Riri na halos wala ng boses sa pagbulong, busy kasi sa paghahanda sila mama at papa.
Advertisement
“hindi mo na kailangang bumulong alam na nila mama” sabi ko at nagpatuloy sa pagkain ng dragon fruit.
“What?! You mean alam na nilang sais ka na?!” gulat na sabi nya.
“anong sais?” tanong ni papa na napatingin sa amin.
“sais tito, yung ano di ba sa binggo buntis yung sais?” sabi nito.
Ang kulit talaga ng babaeng to.
“ah so alam mo ang tungkol sa pagbubuntis ni Rea?” taas kilay na tabong ni papa.
“ah-hehe slight?” sabi nya na parang lumuilubog sa upuan. Napailing na lang ako sa sinabi ni Riri.
*****
Kasalukuyan akong nasa kwarto ko ng marinig kong may mga dumating, narinig kong nabanggit ni papa ang pangalan ni Renz kaya dali dali akong lumabas at bumaba.
Tama nga ako, si Renz nga. Kasama ang mama nya, nakilala ko na ito ng dumating ito sa libing ng lola ni Renz.
“Rea umupo ka dito, tutal ay bumaba ka na rin naman” sabi ni mama. Kaya naman sumunod ako at umupo sa pagitan ni mama at papa. Nginitian ko pa si Renz at ganon din sya sa akin.
“ito na ba si Rea?” tanong ng mama ni Renz.
“oo, sya na nga” sagot ni mama
Napatingin ito sa tiyan ko.
“Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, Rea. Hindi ko gusto ang nangyaring ito, bilang magulang alam kong maiintindihan ako ng mga magulang nyo. Masyado pa kayong mga bata ni Renz.” panimula ng mama ni Renz kaya nabuhay ang matinding kaba sa dibdib ko.
“Ma” sita ni Renz
“Pasensya na pero hindi ako papayag na itigil ni Renz ang pag-aaral nya para lang panindigan ka, hindi pwedeng masira ang kinabukasan ng anak ko nangdahil lang sa pagkakamali nyong dalawa.” seryosong sabi nito.
“MA! ANO BA?! NAPAG-USAPAN NA NATIN TO?!” di napigilang mapasigaw ni Renz at mapatayo.
“At anong gusto mong palabasin Mrs. Sua? Na hindi paninidigan ng anak mo ang anak namin?” salubong ang kilay ni papa.
“Magulang din kayo, alam nyo ang punto ko”
“Oo magulang kami, at hindi kami papayag na maiiwanang dehado ang anak namin.” si mama.
“Kinabukasan ng mga anak natin ang pinag-uusapan dito”
“tama, at kung may higit mang masisira ang kinabukasan dito yun ay ang kinabukasan ng anak namin. Buntis anak namin, at anak mo ang ama, buti nga ang anak mo at hindi sya ang nabuntis”
“Hindi nyo ako naiintindihan...”
“kung ayaw mo sa anak namin, mas lalong ayaw namin sa anak mo. Madali lang namang ipahulog ang bata, matapos ay ipagpapatuloy nya ang pag-aaral nya.” madiing sabi ni papa
Napatayo na rin ako sa sinabi ni papa.
“Hindi ako papayag!” sabay naming tutol ni Renz.
Agad na lumapit sa akin si Renz at hinila ako palayo kila mama at papa, itinago nya ako sa likod nya na parang ayaw nya akong mapalapit kila mama.
“Patayin nyo man po ako ngayon, hindi hindi ako papayag na ipa-abort ang anak namin ni Rea” seryosong sabi ni Renz
“Mahal! Ano ba naman kasi ang sinabi mo?! Hindi tayo papatay ng inosenteng bata! Lalo at apo pa natin!” si mama
“Magsihinahon muna tayong lahat, at pag-usapang maigi ito. Renz, iuwi mo muna ang ina mo. Magpalamig muna ng ulo ang bawat isa bago mag-usap ulit.” si mama.
“Hindi po ako aalis, hindi ko po iiwan si Rea. Hindi ako papayag na may gawin kayong masama sa anak ko.” seryosong sabi ni Renz
“Hayaan nyo kasi akong magpaliwanag, hindi nyo ako naiintindihan” ang mama ni Renz.
Lahat kami ay napatigil.
Advertisement
- In Serial185 Chapters
Onyx Lycan Nightclub
[18+] A Lycan's favourite meal is a fresh virgin mortal. If you dare visit the Onyx Lycan Nightclub in Dire Wolf City, it's just a matter of time before you fall to a Lycan's deadly wolf charm.Contract to Entry: Onyx Requirements. No panties, dispose of them at the front. Swallowing isn't optional. If you die it's not our fucking fault. Signed, Lycans of Dire Wolf City. Your signature, blank space.WARNING:HEAVY ADULT CONTENTHORROR-ROMANCEEROTICA
8 401 - In Serial33 Chapters
The Beast's Love
***The full version of this story will be pulled from Wattpad on Aug 6th. You will then find it on Dreame under the name, Her Forever. Author Name Veronica Fox***Sadie is a 19 year old innocent girl with very few friends. She longed for a love of her own and a new life other than in the small town she lived in. Once her Aunt Maria died she goes to a cabin that she inherited to find a new life. Not only does she find a new life, a mate and a whole supernatural world, she finds herself. No longer innocent and naive she becomes a kick-ass strong heroine destined to save a kingdom and realm she never knew. She is able to tame the wildest beasts, such as her mate, Alpha Seth of the Warrior Pack. He is ruthless, cut throat and covered in tattoos. No one dares steps in his path, but sweet Sadie calms him and he knew one thing. He wanted her and make her scream his name. *Book one of the Bergarian Series**Warning for strong language. *Mature Scenes
8 211 - In Serial6 Chapters
Red Thread of Fate
F?ma Monou, a cold-blooded doctor, who had killed many people for revenge. F?ma no longer believed in others since the past events that happened to him, he didn't believe in love. But ... It all changed, when he picked up a little girl who looked like a "broken doll" with bruises and bandages all over her body. Yuki, the little girl who had to face the bitter reality of her life. She was tortured, alienated and banished by her own family. She continued to believe that someday there would be someone who wanted and needed her. Even when she was in a dying state before being discovered by F?ma. Since then, Yuki who initially only considered F?ma as her benefactor, was beginning to open up her heart to F?ma. Likewise, F?ma who initially picked Yuki just for his sake alone, now began to feel different things to the little girl who was growing up. Nevertheless, both chose to hide their feelings which resulted in frequent misunderstandings between the two of them. When they finally found out each others’ feelings, and F?ma started to believe in love, happiness, and sincerity. Destiny had another will ... It actually separated the two of them. F?ma felt fooled by destiny. He vowed not to fall in love again and avenged Yuki's death. But, once again destiny brought them together in the future. With new identities and new lives. Will they finally be together? Or will their love tragedy be repeated once again?
8 126 - In Serial6 Chapters
Vacation on the Placeholder
An overthinker to the very core, still I never know what to do. Fantasy and madness combine into reality, and the holiday that was supposed to be my cope turns into something mysteriously crazy.
8 127 - In Serial16 Chapters
i loved you .
that's the point, i loved you.
8 154 - In Serial6 Chapters
★A little bit too much★ Soviet Russia
so.... I've had some friends in Amino that said yes! that I should do a USSR(Soviet Union) x Russia story! I'm sorry if this Incest @[email protected] also- I ship this too- so... don't judge me please qwq
8 135

