《A Prelude to Marriage》CHAPTER 19: Renz's Mother

Advertisement

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago ko i-dinial ang nunber ni mama, madalas na si mama ang tumatawag sa akin at hindi ako.

Ilang ring lang at sinagot na nya agad.

(Hello Renz? Anak? Napatawag ka? Ubos na ba ang pera mo? Gusto mo bang magpadala na ako?) malambing na tanong nya.

“Ma” panimula ko at muling humugot ng malalim na hininga.

(ano yun?) tanong nito.

“Mamamatay na ako” malungkot na sabi ko.

Totoo naman, dahil relasyon namin ni Rea ang nakasalalay dito kasama ang anak namin. Sila na ang buhay ko ngayon, at pag nawala sila baka hindi lang ako mabaliw.

(a-ano bang sinasabi mong bata ka?! A-anong mamamatay? M-may sakit ka ba?) puno ng pag-aalalang tanong nya.

“Please ma, umuwi ka. Kahit ngayon lang, kung ayaw mo akong mamatay” seryosong sabi ko.

(h-ha? S-sige bukas na bukas din luluwas ako pabalik jan, ipaliwanag mo sa aking maigi ang buong ditalye pagkadating ko, naiintindihan mo ba?) halatang nag-aalala na si mama at umuiyak dahil halata sa boses nya.

Hindi na ako sumagot at pinatay na ang tawag, ang sunod ko namang tinawagan si Rea.

(Hello?) antok na sabi nya, bahagya akong napatawa ng marinig ang antok nyang boses.

“Rea, nakausap ko na si mama. Bukas na bukas ay dadating na sya” imporma ko.

(Ha? Seryoso ka?) tila na wala ang antok ni Rea.

“Oo, linakasan ko na ang loob ko para sa atin”

Alam ni Rea ang kwento namin ni mama, lahat nga ng tungkol sa akin alam nya. Kabisado na nya ang story ng buhay ko, at ganon din ako sakanya. Wala kaming itinatago sa isa't isa, maliban na lang talaga yung part-time job ko na pagtututor para lang di sya mag-alala.

(Ok ka lang ba?) seryosong tanong nya.

Advertisement

Bumuntong hininga ako bago sya sagutin.

“oo, para sa magiging pamilya natin mas magiging ok ako kahit anong hirap pa ang haharapin natin”

(Kainis ka Renz, grabe ka makapagpakilig sa akin)

Dun na ako natawa.

“So kinikikig ka?” nakangiting sabi ko at umupo sa kama ko.

(halata ba?)

“Tss. Wag kang mag-alala aaraw-arawin ko yan, sige na matulog ka na anong oras na”

(oo na, ikaw din wag ng nagpupuyat)

“Yes Boss, I love you”

(I love you too)

Napangiti ako sa narunig ko, madalas ko nanang marinig yun kay Rea pero kahit na ilang beses ko yung marinig iba parin ang epekto sa akin.

Ng maibaba ni Rea ang tawag, ay humiga na rin ako sa kama ko para matulog.

Sana maging ok na ang lahat bukas. Sana

*****

Kinabukasan maaga palang ay nasa bus station na ako para abangan si mama, ngayon kasi ang dating nya.

Ng matanawan nya ako ay agad syang lumapit at yinakap ako, hinaplos pa nya ang mukha ko. Pero ako? Nananatiking seryoso at di kumukibo, ito ang pangalawang beses na umuwi sya. Ang una ay ng mamatay si lola.

“Mas tumangkad ka na naman anak ah, at mas gumwapo.” masayang sabi nito.

Hindi parin ako umimik.

“Umuwi na tayo at ng mapag-usapan natin ang sinasabi mo kagabi.” sabi nya kaya yun ang ginawa namin.

****

Seryoso syang umupo sa kaharap kong sofa.

“Ma, kilala mo si Rea di ba?” tanong ko.

“o-oo sya yung anak nung nasa kabilang bahay hindi ba?” sabi nya na tinanguan ko naman.

“Sya ang nobya ko ma” seryosong sabi ko.

Hindi ko kasi sinasabi sakanya na may nobya na ako, hindi dahil sa hindi sya papayag kundi dahil para sa akin wala syang pakialam. Nagawa nga nya akong iwanan nyng bata pa ako di ba?

Advertisement

“M-may nobya ka na?” bakas ang pagkagulat kay mama.

“kailan pa?” dugtong nya

“Matagal na po, since first year” sabi ko

“ganon katagal at hindi mo man lang sinabi sa akin?” may bahid tampo na sabi nya

“May pakialam ka po ba?” balik na tanong ko at tumingin ng diretso kay mama.

“anong klaseng tanong yan? Syempre! Ikaw nag-iisa kong anak Renz, dapat alam ko kung sino ang babaeng minamahal mo”

“gaya ng kung paano mo dapat malaman na kailangan kita sa tabi ko?” tanong ko, duon nanglambot ang ekspresyon nya at nawalan ng imik.

“Renz, alam mong...” hindi ko ma sya pinatapos.

“pero hindi yun ang dahilan kaya po kita pinauwi, si Rea, buntis sya at ako ang ama ng dinadala nya” marahang sabi ko.

Nanlalaki ang mga mata nya, gaya ng reaksyon ng mama ni Rea.

“a-ano? A-ano bang sinasabi mo Rena?! Grade 12 ka palang! Anong buntis?! Anong ikaw ang ama?” napapataas ang boses nya.

“Buntis si Rea, at ako ang ama. Paninindigan ko sya kahit anong mangyari” matigas na sabi ko.

Napahawak si mama sa dibdib nya at parang nahihilong napasandal sa sofa.

“Renz naman?! Anong katangahan to?!” sabi nya.

“Mahal ko sya mama” sa pagkakataong ito ay si mama naman ang pumutol sa sinasabi ko.

“yang pagmamahal na yan, mapapakain mo ba si Rea at ang magiging anak nyo ha?! Mabubuhay ba ng pagmamahal mong yan yung bubuoin nyong pamilya?!”

Unti-unti akong nawawalan ng pag-asa sa reaksyong ibinibigay ni mama, pero kahit ganon hindi ako susuko.

“Ma! Kahit kailan hindi ko gagayahin si papa, kung ang gusto mong gawin ko ay di panindigan si Rea para lang magkaroon ako ng lintik na magandang kinabukasan. Pasensya na, wala ng mas gaganda pang kinabukasan bukod sa makasama ko si Rea. Babae ka din, alam mong mahirap magpalaki ng anak ng mag-isa. At mas lalong hindi ako papayag na ipa-abort nyo ang anak ko, kahit ikamatay ko! Hindi ko pababayaan ang mag-ina ko, dahil alam ko ang pakiramdam ng inabando ng magulang” matigas na sabi ko

“Renz hindi kita inabando”

“Hindi nga ba ma?”

Hindi sya nakaimik, tumayo ako at pumunta mismo sa harapan nya.

“Ma, please. Kahit ngayon lang, kahit ngayon lang maging ina ka sa akin. Huwag mong hayaang magkahiwalay kami ng mag-iina ko, i...ikakamatay ko pag nawala sakin si Rea. S-sya nalang ang meron ako” ayaw kong umiyak, ayaw kong magmukhang mahina sa harap ng mama ko. Pero hindi ko maiwasan.

Kailangan ko ang tulong ni mama.

“andito pa ako anak, ano bang pinagsasabi mo ha? Andito pa ako para sayo” umiiyak na sabi ni mama at yinakap ako.

“Ma please, ayaw kong mawala sakin si Rea” pagmamakaawa ko.

    people are reading<A Prelude to Marriage>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click