《A Prelude to Marriage》CHAPTER 18: Truth

Advertisement

Malapit na talaga sya swear.

(*Renz's POV)

“Tito, patawarin nyo po ako. Nabuntis ko po si Rea” pauna ko.

“RENZ!” sigaw ni Rea.

Sina tito at tita naman ay pawang mga nabigla at di nakapagsalita.

Yumuko ako at mas linakasan pa ang loob ko, kailangan ko tong gawin.

“Handa po akong panindigan sya, hayaan nyo lang po kaming magsama ni Rea.” sabi ko

Nakakabinging katahimikan ang bumalot sa aming lahat, si tita ang unang nakabawi sa pagkabigla.

“a-ano bang sinasabi mo Renz?” si tita na halatang di makapaniwala.

“Mahal ko po si Rea, at mahal din po ako ni Rea kaya nakagawa kami ng isang bagay na nakabuo ng bunga ng pagmamahalan namin. Buntis po si Rea, at ako ang ama” puno ng tapang na sabi ko.

Laking pasasalamat ko at hindi ako nauutal kahit pa ang totoo, todo na ang kaba ko.

“m-ma, p-pa...m-magpapaliwanag po ako, h-hindi po s-si R-Renz ang may kasalanan. G-ginusto ko po a-ang l-lahat” sabi ni Rea na tumabi sa akin ng luhod.

“NABABALIW NA BA KAYONG DALAWA?!” di maiwasang mapataas ang boses na sabi ni tita at napatayo pa.

“s-sorry ma” umiiyak na sabi ni Rea.

“Tita, kasalanan ko po ang lahat. Wag po kayong magalit kay Rea, kung may dapat po kayong kagalitan ay ako yun. Ako ang lalaki, ako ang responsable. Patawarin nyo po ako, pero mahal na mahal ko po ang anak nyo, alam po yun ni Rea at saksi po kayo ni Tito” puno ng sinseridad na sabi ko.

Wala paring imik si tito, nanghihinang napaupo si tita at napahilot pa sa sintido nya.

“Rea, umakyat ka sa kwarto mo” seryoso at madiing sabi ni tito.

“p-pero p-pa” si Rea

“Umakyat ka sa kwarto mo ngayon na!” pagalit na sigaw ni tito kay Rea.

Tumingin sa akin si Rea, nginitian ko sya at tinanguan.

“ok lang ako” bulong ko.

Advertisement

Kaya kahit napipilitan ay pumanik na si Rea sa kwarto nya, habang ako naman ay mas inayos ang pagluhod ko.

“Renz, ipinagkatiwala ko sayo ang anak ko. Hindi ko aakalaing sisirain mo ng ganito ang tiwala ko, namin!” giit ng papa ni Rea na sa bawat salitang lumalabas sa labi nito ay madiin at may galit.

“patawarin nyo po ako tito”

“pero gaya po ng sinabi ko, handa ko pong panindigan si Rea.” dagdag ko.

“Handa mo ngang panindigan ang anak ko, pero paano ang magiging buhay nyo? Mahirap na ang buhay ngayon Renz, mahirap makapaghanap ng trabaho kung hindi ka graduate ng kolehiyo, mahal ang mga bilihin lalo na ang sa mga kakailanganin ng sanggol. Anong maipapakain mo sa pamilyang gusto nyong buuin?” mahabang litanya ni tito.

Huminga ako ng malalim at matapang na sinalubong ang galit na tingin ni tito.

“Malapit na po ang graduation, final exam na lamang po at matatapos na po ang Grade 12 ko. Pwede na po akong magtrabaho dahil sa K-12 program kahit di nakakapagkolehiyo”

“ang ibig mong sabihin, ay titigil ka sa pag-aaral mo? Ganon ba ang gusto mong sabihin Renz?!” galit na sabi ni tito.

“Opo” matigas na sabi ko.

Bumuntong hininga si tito na animo ay nagtitimpi.

“Renz, para na kitang anak. Bata ka palang ay kilala na kita, ang buhay hindi madali gaya ng iniisip mo. Bata pa kayo nila Rea, marami pa kayong pwedeng marating. Pero sa plano mo, sinisira mo ang kinabukasan mo.” mahinahong sabi ni tito.

“Alam ko po na hindi madali, alam ko pong mahirap. Pero handa po akong harapin yun, kesa makita ko balang araw na nahihirapan si Rea at ang magiging anak namin dahil sa walang kwenta ang ama nya na hindi man lang maipaglaban ang ina nya at sya. Na lalaki ang anak ko na naiinggit sa mga kaibigan nya na may kompletong pamilya.” sabi ko

Advertisement

“Ang magulang, walang ibang ginusto kundi ang maibigay ang lahat sakanilang mga anak kaya nagtatrabaho sila para sa mga ito kahit nakakapagod. Pero naisip ba nila na ang pagmamahal, pag-aaruga, at oras para iparamdam ang pagmamahal na iyon ang pinaka importante sakanila. Ang magkaroon ng magulang sa mga oras na kailangan nila ang mga ito. Alam ko pong mali ang nagawa namin ni Rea, pero andito na po. Hindi na po ako aatras o tatakbo, ang tanging gusto ko na lang po ay hayaan nyo kaming buhayin ang bata. At nais ko pong sabihing pagkatapos ng graduation ay pakakasalan ko si Rea. May sapat naman po akong pera para sa lahat ng kakailannganin para mabigyan ng magandang kasal si Rea.” mahabang sabi ko.

Seryoso at diretso ang tingin ko sa papa ni Rea.

Ito naman ang bumuntong hininga.

“Dalhin mo dito ang mama mo at isama natin sya sa pag-uusap sa kung ano ba ang mgandang gawin. Pero hindi ibig sabihin na pumapayag ako sa plano mo Renz, sa ngayon ay umuwi ka na muna sainyo. Hindi tayo dapat nagpapadalos dalos.” sabi ni tito.

“ano man ang maging desisyon nyo tito, ay hindi nyo po kami mapaghihiwalay ni Rea.” Puno ng kasiguraduhan na sabi ko.

“Umuwi ka na at saka natin ito pag-usapan kasama ng mama mo. Hindi ka muna pwedeng lumaoit at magpakita sa anak ko” seryosong sabi ni tito.

Kaya wala akong nagawa kundi ang tumayo na at nagpaalam kila tito.

“Araw-araw po akong babalik dito tito para patunayan na seryoso ako.” sabi ko at tuluyan ng umalis.

Ng makalabas ako agad akong nakareceive ng text kay Rea.

From: Rea ko

Narinig ko ang lahat, wag kang mag-alala kasama mo kami ni baby. Di rin kami makakapayag namagkakahiwalay tayong tatlo. I love you Renz.

To: Rea ko

Wag kang mag-alala, sisiguraduhin kong hindi nila tayo mapaghihiwalay. Mahal na mahal kita at ang anak natin, ingatan mo lang ang sarili mo ako ng bahala sa iba.

Pagkasend ay agad akong umikot papunta sa beranda ng kwarto ni Rea, saka ko sya tinawagan na agad naman nyang sinagot.

“Hello, Asawa ko, andito ako sa baba ng beranda ng kwarto mo” pagbibigay alam ko.

Walang naging imik si Rea ng ilang segundo, pero maya maya lang ay nakita ko syang tumanaw mula sa beranda nya.

Kahit mataas ay alam kong umiiyak sya, at rinig ko mula sa kabilang linya ang paghikbi nya.

(Nakakainis ka! Binigla mo ako sa pagtatapat mo!)

“sorry na, alam ko namang di ka papayag eh. Ayaw ko lang naman na mahirapan ka sa pagsasabi, wag kang mag-alala magiging ok din ang lahat. Magpahinga ka ng maaga ha? Kumain sa oras, ikaw na muna ang bahala kay baby. Aayusin ko pa ang sa mga magulang natin.” sabi ko at nginitian sya habang nakatingala sakanya.

Nakita kong ngumiti sya at tumango.

“wag ka na ring umiyak, ayaw kong maging iyakin ang magiging kuya ng pamilya natin” biro ko

(Heh! Kala mo naman to siguradong lalaki ang anak natin)

“Tss... Alam ko ang mga pinaglihian mo, sabi sa libro pag atay daw ang kinahiligan lalaki, tapos ako pa yung pinagbubuntungan mo ng inis kaya sigurado akong lalaki yan” sabi ko

(ewan ko sayo, ano bang kalibro yang binasa mo?)

“When a woman is pregnant” sagot ko.

(tapon mo na mukhang bulok) biro nya)

“De ah laking tulong nga, nalaman kong pwede pa pala” sabi ko ng may nakakalokong ngiti.

(heh! Ewan ko sayo babye)

“babye misis ko I love you”

(misis ka jan, I love you too) sabi nya at binaba ang tawag.

Kahit papaano ay may ngiti ako sa labi ng umalis ako sa bahay nila Rea, kaya namin to. Para sa magiging pamilya namin...kakausapin ko ang mama ko, na matagal ko ng iniiwasang gawin.

*****

    people are reading<A Prelude to Marriage>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click