《A Prelude to Marriage》Chapter 14.

Advertisement

[1.43k reads wieeee!!! Thank you sa mga nagcocomment and nagvovote dedicated to sainyo]

“Rea... Rea please mag-usap tayo please” pagmamakaawa ko pero patuloy lang sya sa paglalakad na para bang hindi ako nakikita.

Hindi ko napigilang hawakan sya sa braso para mapatigil at sa laki ko at liit nya nagawa ko naman syang patigilin.

“Please, Rea...mababaliw na ako, please naman oh mag-usap tayo” pagmamakaawa ko habang nakatingin sakanya ng diretso pero sya, yung mga mata nya walang emosyon. Sh*t ayaw ko yung ganyang mga mata nya na lumalabas lang talaga kapag galit sya.

Tuwing umaga aabangan ko sya at susundan habang papasok, at tuwing hapon naman ganito ang eksena namin. Tatlong araw na mula ng mangyari yun pero hanggang ngayon galit parin sya. Humihingi na nga din ako ng tulong sa papa nya dahil nakadating na ang mga ito galing business trip, nagtataka pa nga sila nung una kung bakit pero ipinaliwanag ko naman ng maayos. Nagalit yung papa ni Rea, oo, pero naintindihan din naman nya sa bandang huli. Sabi nila, pati sila ayaw kausapin ni Rea eh.

“mamili ka, bibitawan mo ako o isinusumpa kong hinding hindi na ako magpapakita sayo kahit kailan?” malamig na sabi nya.

“Rea...please...please pag-usapan natin to. Alam ko nagkamali ako pero alam na alam mo na hindi ko yun ginusto at sinadya, sana naman maniwala ka oh. Hindi ko na alam ang gagawin ko bumalil lang tayo sa dati...please” panunuyo ko

Ilang beses ko na bang sinabi ang salitang please sa loob ng tatlong araw, ilang beses na ba akong nagmakaawa? Pero wala parin eh...pero kahit ganon. Hindi ako susuko para sa mag-ina ko.

“Nagkamali ka? Yun na yun? Renz, nasaktan ako, at patuloy akong nasasaktan habang nakikita kita, kaya please lang...wag na wag ka munang magpapakita sa akin.” sabi nya at marahas na inalis ang kamay ko sa braso nya.

Ang tanging nagawa ko na lang ay tignan yung likod nya habang papasok sa bahay nila. Habang tumatagal nawawalan na ako ng pag-asa, pero hindi pwede...alam ko na pag sumuko ako mas lalabong mangyari na magkaayos pa kami ni Rea, at mas lalong magkakaroon ng tyansa yung Trax na yun...at dun ako hindi papayag. Sa tinagal tagal namin ni Rea hindi pwedeng ngayon pa ako susuko, maliit na away lang to...maayos pa namin to.

Advertisement

Naramdaman kong may humawak sa balikat ko at pagtingin ko si tito Andrei pala, papa ni Andrea.

“Pumasok ka muna, mag-uusap tayo” simpleng sabi nya at bahagyang ngumiti sa akin kaya medyo ngumiti din ako.

******

(*Rea's POV)

Katatapos ko na namang umiyak ng makaramdam ako ng gutom, alas syete na pala ng gabi. Mula kasi ng harangin na naman ako ni Renz kanina hindi pa ako lumalabas ng kwarto ko.

May balak naman akong kausapin si Renz eh...kaso wag muna ngayon masyado pa akong nasasaktan. Siguro papalamigin ko muna ang sitwasyon hanggang maging okay ako.

Bumaba na ako ng hagdan pero palapit pa lang ako sa kusina may narinig na akong nag-uusap at ng makilala ko kung sino sila ay napatigil ako sa paglalakad, si Renz at si daddy.

“Hijo, bakit pinipilit mong kausapin si Rea kung hindi pa sya handa? Hindi ba't sinabi ko naman sayo na hayaan mo muna syang makapag-isip dahil hindi madali para sakany yung nakita nya” si daddy

“tito, gaya din po ng sinabi ko...pareho lang kaming nasasaktan, alam ko po mas nasasaktan sya pero...hindi ko po maatim na sa kahit katiting na oras na hahayaan ko sya eh merong ibang lalaking handang umagaw sakanya. Tito, alam nyo po na mahal na mahal ko ang anak nyo. Nagkamali lang po ako at di ko po yun ginusto, alam nyo din po na ang pinaka ayaw ko ay ang masaktan si Rea...pero ano po ang magagawa ko, kahit gaano po namin ka mahal ang isa't isa hindi parin po maiwasang magkasakitan kami ng di namin ginugusto” mahabang paliwanag nya.

Bahagya akong sumilip, nakatalikod silang dalawa ni daddy dahil nasa counter sila ng kusina at may alak sa harap nila.

“*sigh* noon pa man Renz boto na ako sayo, ayaw ko pa nga noon na ipagkatiwala anak ko sayo dahil para sa akin sya ang baby girl ko. Pero, sa nakikita ko ngayon...hindi na nga sya ang baby girl ko na umiiyak lang kapag natatakot sa malakas na ulan.” hinawakan ni daddy sa balikat si Renz

“Ilang beses mo ng pinatunayan sa akin Renz na para ka nga sa anak ko, kaya ikaw ang pinagkakatiwalaan ko sakanya. Wag ka lang sumuko anak, magkakaayos din kayo ni Rea.” sabi ni daddy

Advertisement

“salamat po tito.” sagot naman nya.

“Rea, alam ko nandyan ka...naaamoy ko yung paborito mong pabango” biglang sabi ni daddy sa gitna ng katahimikan nila kaya naman napatuwid ako ng tayo.

Kumurap kurap pa ako bago inamoy amoy ang sarili ko, oo nga amoy na amoy nga yung pabango ko.

Dahan dahan akong pumihit para umalis na sana pero may humawak sa batok ng jacket ko.

“at saan ka pupuntang bata ka? Hala pasok sa kusina at mag-usap kayo ng nobyo mo.” seryosong sabi ni daddy

“daddy naman eh” nakangusong maktol ko pero pinandilatan nya lang ako ng mata kaya bagsak balikat na napatango ako habang nakanguso.

Binitawan naman nya yung batok ng jacket ko at minuwestra pa ang pintuan ng kusina namin gamit ang ulo nya kaya wala akong nagawa kundi ang pumasok na lang.

Nakita kong nakalingon si Renz at titig na titig sa akin kaya agad akong nag-iwas ng tingin.

“hala sige umupo ka sa tabi ni Renz ngayon din” maawtoridad na sabi ni daddy.

“Daddy?!” maktol ko.

“Soffie Andrea Valdez” halos pasigaw na sabi ni daddy...

Ok sabi ko nga eh upo sa tabi ni Renz :(

Umupo na nga ako pero si Renz titig na titig sa akin.

“iiwan ko kaying dalawa para makapag-usap dun lang ako sa sala, Rea ha? Makipag-usap ka” utos ni daddy bago umalis.

“kala mo hindi ako yung anak psh. ” mahinang sabi ko.

“Rea...” tawag ni Renz na nakapagpakabog ng dibdib ko.

Hindi ako tumingin sakanya kundi humarap ako sa counter.

“kung may sasabihin ka sabihin mo na” malamig na sabi ko.

“*sigh* wala ka bang balak na kausapib ako ng matino?” bakas sa tono nya na nasasaktan at nahihirapan sya, hindi sya yung tipo ng tao na nagpapakita ng emosyon pero heto sya sa loob ng tatlong araw...para syang nanghihina.

“Renz, nasaktan ako gaya ng sinabi ko kailangan ko lang ng oras...please bigyan mo muna ako ng time para makapag-isip” mahinahong sabi ko pero ang totoo higit ko ang hininga ko.

“time? Paano pag dumating yung time na yun at marealize mong hindi mo na ako mahal?” frustrated na sabi nya, halatang nakainom na sya.

Hindi mangyayari yun, gusto ko sanang sabihin pero iba ang lumabas sa labi ko.

“na sakin na ang desisyong yun kung maiisipan ko” sabi ko.

Nakita ko sa pheriperal vision ko na bigla syang nalungkot sa sinabi ko at tumungo nalang paharap sa counter.

Katahimikan ang panandaliang bumalot sa amin pero sya din ang bumasag.

“kung...*sniff* kung bibigyan kita ng oras...gano ba katagal...gano ba katagal ang kailangan mo?” tanong nya na may bitak na boses.

Umiiyak sya...umiiyak na naman sya.

“konting panahon lang Renz” mahinang sabi ko.

Nakita ko syang napatango tango at suminghot pa bago nag-angat ng ulo at nagpunas ng luha.

“sige bibigyan kita ng oras...” sabi nya kaya napatingin ako sakanya ng diretso.

“pero ipangako mo na hinding hindi makakalapit sayo ang kahit na sinong lalaki sa school, o kahit may maghahatid sundo sayo” sabi nya ng nakatingin sa akin, may ilang luhang kumakawala sa mata nya pero agad nyang pinupunasan.

“wala kang karapatan para sabihin sakin yan ngayon-” hindi ko natapos ang sasabihin ko ng hawakan nya yung kamay ko.

“yun lang Rea...kapalit ng oras na ibibigay ko, yun lang” sabi nya.

“kasi baka tuluyan na akong mabaliw kapag nakita kong may ibang lalaki sa tabi mo” dugtong pa nya at bahagyang natawa, yung tawang alam mong pagak.

“ipangako mo” sabi nya at tumitig ng diretso sa mga mata ko.

Tumango ako bilang sagot habang nakatitig din sa mga mata nya.

“pwede ba kitang yakapin bago ako umalis?” paalam nya pero di pa man din ako pumapayag nayapos na nya ako ng yakap.

Napapikit ako ng mariin ng maramdaman ko yung higpit ng yakao nya, ito yung namiss ko...

“bibigyan kita ng oras para makapag-isip ka pero hindi kita bibigyan ng pagkakataong mapunta sa iba dahil akin ka at mahal na mahal kita” bulong nya at ilang saglit pa bumitaw na sya sa yakap at umalis.

Nanghihina akong napahawak sa counter...may parte sakin na gusto syang habulin at yakapin pero may mas malaking parte sakin na sinasabing mag-isip muna.

*********

Zup Prean_Alchemist at your pretty screen ;)

-Prean_Alchemist

    people are reading<A Prelude to Marriage>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click