《A Prelude to Marriage》Chapter 13.
Advertisement
[Hello sa mga nagcocomment and votes dedicated to sainyo.]
(*Rea's POV)
Para akong nabingi at walang ibang marinig kundi ang lakas ng tibok ng puso ko habang naguguluhan nakatingin kay Renz na nagsusumamo namang nakatingin sa akin.
“Renz, anong sinasabi ni Trax?” tanong ko.
“R-Rea, magpapaliwanag ako...please...please pakinggan mo ako” pagmamakaawa nya.
“Ano yung sinasabi ni Trax, Renz” matigas at madiing ulit ko.
Sunod sunod ang luha ko habang nakatingin kay Renz na di ata makuha ang mga salitang gusto nyang sabihin, and I'm serious when I say that my heart breaks more and more as the second passes looking at his face.
“SAGUTIN MO AKO RENZ!” napataas na yung boses ko.
“Rea please...please” yun lang ang nasasabi nya.
“sasabihin mo ba sakanya Renz o ako mismo ang magbubunyag ng nakita ko?” si Trax.
“Wag kang mangealam dito Trax! Binabalaan na kita!” galit na sigaw ni Renz kay Trax.
“No, Trax tell me” matapang na sabi ko at marahas na pinahid ang mga luha ko.
Huminga ako ng malalim at ilang beses pang lumunok para ihanda ang sarili ko sa kung ano man ang sasabihin ni Trax.
“Rea...walang nang...” hindi naituloy ni Renz ang sasabihin nya ng magsalita si Trax.
“Nahuli ko syang dalawang beses na nagmamadaling lumabas ng kwarto ni Trixie, I saw it kasi kapatid ko si Trixie, at nasa iisang bahay kami.” si Trax
Nanghihina ang tuhod ko pero pinilit kong di bumagsak, no not in front of them.
“Rea mali ang iniisip mo walang na...” hindi ko na sya pinatapos at agad na lumipad ang kanang kamay ko para sampalin sya ng subukan nya akong yakapin.
Nagulat ako oo, I never thought na dadating ang araw na to...na masasampal ko sya dahil nasasaktan ako.
“Kailan pa?” mababa lang ang boses ko pero pigil na pigil ko yung sakit.
Wala syang imik at di makatingin sa akin, bakit mas nasasaktan ako dahil sa hitsura nyang yan?
Advertisement
“Ilang taon Renz...Ilang taon na tayo pero ni minsan di ko naisip Na kaya mong magloko. May nagawa ba akong mali kaya mo nagawa to? Ano? Sawa ka na ba dahil nakuha mo na yung gusto mo sakin? Dahil sa nangyari?” Umiiyak na tanong ko habang hindi iniiwas ang tingin ko sakanya, nakita kong napatingin sya sa akin at bumakas yung sakit sa mata nya.
“Yan ba tingin mo sa akin?” tanong nya
“Bakit hindi ba? Sa ginawa mo ngayon sa tingin mo hindi yun ang magiging tingin ko sayo?” tanong ko at mapait na natawa.
“Siguro nga totoo na matapos mong pagsawaan itatapon mo na lang at hahanap ng ibang mapaglilibangan” sabi ko at napatingin kay Trixie na biglang napayuko ng magtama ang mga mata namin.
“Well congratulations Mr. Clarenz Sua, malaya ka ng maglibang sa iba simula ngayon” matapang na sabi ko at tinignan sya ng diretso sa mga mata nya.
“a-anong ibig mong sabihin?” tanong nya na nanlalaki pa ang mga mata.
“Let's just...”
“No...hindi ako papayag. Ayoko, Rea please wag naman” Yinakap nya ako pero di ako gumanti ni hindi ako gumalaw.
Napapikit lang ako ng mariin at napalunok para tapusin ang sasabihin ko.
“Break up...m-magbreak na tayo Renz. Bahala ka na kahit ilang babae pa ang halikan mo” malamig na sabi ko.
“No...wag please wag ayoko...Ayokong mawala ka please” nagmamakaawa sya at alam kong umiiyak sya...
Ang unang beses na umiyak sya sa harap ko ng dahil sakin...hindi sya umiiyak nun kahit na gusto kong ilabas nya sa akin yung mga problema nya, hindi nya inaaming umiiyak sya kapag tinatanong ko pero ngayon... Umiiyak sya...humahagulgol sya sa iyak.
“Sana hindi mo ako sinaktan ng ganito kung ayaw mo talaga akong mawala sayo.” sabi ko at kumawala sa yakap nya.
“Wag ka na uling lalapit sa akin.” sabi ko habang hindi nakatingin sakanya.
Nagsimula na akong tumalikod at maglakad palayo, dahan dahan lang dahil inaantay ko syang habulin ako pero hanggang sa nakaalis na ako ay walang pumigil sa akin. Napatigil ako ng makaliko ako sa kanto, naramdaman ko yung panlalambot ng paa ko at sa pagkakataong to hindi ko na napigilang mapaupo, umiyak Na din ako ng umiyak para mailabad ko yung sakit. Parang sirang plakang nagpeplay sakin yung nakita kong halikan nila Renz at Trixie...
Advertisement
“Hayop ka Renz! Bwisit ka! Magsama kayong dalawa!” sigaw ko sa sobrang galit ko habang umiiyak.
*********
(*Renz's POV)
Gumuho ang mundo ko ng makita ko ang likod ni Rea na papalayo.
‘Damn! Sundan mo sya Renz!’ sigaw ng isip ko pero hindi ko maigalaw yung mga paa ko.
Ng di ko na matanaw ang likod nya kusang bumagsak ang mga tuhod ko. Hindi ako makahinga, nasasaktan ako pero alak ko mas nasasaktan si Rea.
Ang tanga ko...bakit hindi ko nakilala agad yung bumalik sakin? Bakit hindi ko napansing hindi si Rea yun?
Si Trax...kasalanan nya to!
Agad akong napatayo at sinugod si Trax.
“T*r*nt*do ka! Ginusto mo to! Ano? Masaya ka na?! G*go ka! Kung hindi mo sinabi kay Rea! Hindi mangyayari to! T*ngin* mo!” sabi ko saka sya pinagsasapak ng sunod sunod at walang tigil.
Biglang humarang si Trixie para pigilan ako at agad akong inilayo kay Trax, marahas ko syang inilayo sakin at galit syang tinignan.
“Isa ka pa! Nagtiwala ako sayo Trixie! Nagtiwala ako...”nqnghihinang napaupo ako sa semento at napasabunot sa sarili ko, di ko na napigilan yung luha ko tangna...
“dahil sa inyo...dahil sainyo wala na kami...dahil sainyo...” nanghihinang sabi ko.
“S-senior...o-ok lang yan...andito, andito naman ako eh. H-hindi kita iiwan” rinig kong sabi ni Trixie at hinawakan ako sa balikat kaya sa inis ko ay nahampas ko yung kamay nya, nakita kong nasaktan sya pero wala akong pakialam.
“Renz! Wala kang karapatang saktan ang kapatid ko! Nasaktan mo na si Rea pati ba naman si Trixie?” si Trax na agad dinaluhan si Trixie.
“AT WALA KA RING KARAPATANG MANGHIMASOK! WALA RIN SYANG KARAPATANG HALIKAN AKO!” di ko maiwasang mapasigaw.
“ito ang tatandaan nyo, kahit galit sa akin si Rea...hinding hindi ko hahayaang mapalapit ka sakanya o ikaw na makalapit pa ulit sa akin” duro ko sakanilang dalawa at kahit hilo pa ay sinubukan kong maglakad paalis.
“S-Senior...senior San ka pupunta?” si Trixie pero di ko na pinansin
Hindi ko alam kung anong magagawa ko sakanila pagnanatili pa ako dun. Habang naglalakad pauwi naalala ko si Rea...yung hitsura nya kanina at yung mga sinabi nya...
“Ilang taon Renz...Ilang taon na tayo pero ni minsan di ko naisip Na kaya mong magloko. May nagawa ba akong mali kaya mo nagawa to? Ano? Sawa ka na ba dahil nakuha mo na yung gusto mo sakin? Dahil sa nangyari?”
Masakit para sa akin na ganon ang tingin sakin ni Rea...pero hindi ko nga sya masisisi kung ganon ang iisipin nya.
“Well congratulations Mr. Clarenz Sua, malaya ka ng maglibang sa iba simula ngayon”
“Let's just...Break up...m-magbreak na tayo Renz. Bahala ka na kahit ilang babae pa ang halikan mo”
Napatigil ako sa paglalakad at naramdaman ko ang mangilan ngilang pagpatak ng ulan hanggang sa lumakas yun ng lumakas.
“Magbreak na tayo” ilang beses na nagpaulit ulit yun sa isip ko.
“Rea...mahal na mahal kita. REA! MAHAL NA MAHAL KITA!” sigaw ko kahit na alam Kong di naman nya maririnig.
‘Hahayaan ko munang humupa ang galit mo sa ngayon pero hinding hindi ako lalayo, kahit ligawan ulit kita gagawin ko basta wag ka lang mapupunta kay Trax o sa iba. Akin ka lang Rea...walang ibang lalaking makakalapit sayo sinisiguro ko yan.’
******
Trax na namantala ng sitwasyon
Trixie na malantod pero busted kay Renz
Renz na broken hearted pero di susuko
Rea na broken hearted at buntis gusto ng mangbaon ng babaeng nagngangalang Trixie
At si Prean na cute hindi na alam kung anong mangyayari sa story dahil Sya ay baliw na cute na author lol
-Prean
Advertisement
- In Serial9 Chapters
Why is Red the Colour of Love, Sex, and Murder?
Every picture perfect family is a little weird behind closed doors. In our case, a "little" may be an understatement.
8 149 - In Serial43 Chapters
The Urge to Devour
Dracula retelling, in a way. Vampire Alastair frequents a bookshop kept by a young woman named Eleanor. He lusts after her, but cannot keep himself from her.
8 131 - In Serial102 Chapters
❣️ PRIDE AND PREJUDICE ❣️(Completed)
© @kabeerhumera ..Don't try to C*py my workAs I already took c*pyright ©️ protectionThis is my pure imaginationEverything is fictional...He is going to hate her ..Hurt her...taunt.her...He thinks she is uneducated..Suddenly table turns...He started to love her like mad And search her every were...But but but...She is going to hate him..Hurt him...taunt him..Whatever he gives She is going to give him back...But they both have love for eachother....Published on : 10/7/2021Completed on : 17/11/2021All rights reserved.....Mat*re conte*t a head.....
8 237 - In Serial53 Chapters
You're Still The One *slowly editing* (Completed)
'You didn't answer my question,' he asked, holding her gaze in his hypnotic ones.'Wh... what question?' She was surprised at her own voice, it sounded like of someone else's. She wanted to ask him--which question, there were so many he had asked her tonight. Each one threatening in their own different ways to her sanity.Brandan smiled mysteriously. Not answering her, he instead said something else, 'Don't keep staring at me like that.' His voice was soft. Suddenly, she found herself in some other world.'W.. why?' She stammered ridiculously.His lips slightly brushed against her, she closed her eyes in anticipation, under the spell of their lips connecting. Sparking were the electricity all over her skin. ''Cause....' He took a step back from her, leaving her cold and she was too lost to do something about it--like leaping closer to him and getting engulfed in the euphoric warmth once again. ''Cause, you will fall in love with me... ' He paused as growling deeply a set of thunders boomed above the skies. Cold wind made her hair dance around. He finally finished his sentence, 'Again.'Rain poured down upon her heavily as if the entire sky was about to break down over her, She opened her eyes against the cold water to see he had lef alreadyt, leaving her to drown into his words, completely.***They say love's blind. Maybe that's why Emma loved Brandan despite all odds, more than she loved herself but only to find that it wasn't enough. When time and fate decided to be cruel to the utmost, she found herself broken in all the ways possible. Realizing that love wasn't enough, she picked up her ruined self and found a new beginning at the end.But fate had, apparently, some unexpected plans in store.Against all odds, they were meant to face one another once again. But this time, Brandan was a changed man and so was Emma. While one was burnt from the pain, another was burnt from the guilt. And then...
8 102 - In Serial36 Chapters
Stay with me (soojinxshuhua)
"Stay with me" Soojin whispers.I've always been here, when will she realise. Soojin and shuhua are members of the popular girl group (g)-idle, they have an unbreakable friendship but when feelings get involved things start to get complicated.Completed
8 94 - In Serial49 Chapters
The List
Alani Davis creates a list of things she wants to accomplish during her first few months of college. When she accidentally leaves the list behind at a coffee shop, it is found by River, the hottest guy on campus, who is bored with his own life and determined to help her complete the list. As River and Alani move through the activities, they must fight their unexpected attraction to each other in order to preserve their newfound friendship. ***** Alani Davis has always been the girl who spends all her time studying, but inside, she is a force to be reckoned with. On the first day of college, she decides to open herself up to new experiences and make up for everything she never got to do as a kid. After creating a list of ten things that she wishes to accomplish by the end of the first few months of college, she accidentally leaves the list at a coffee shop where it is found by River, the most popular guy attending her college. Bored with his own life, River makes it his mission to help Alani complete her list. *Completed* *Standalone* *Sexual content*
8 132

