《A Prelude to Marriage》Chapter 10.
Advertisement
Continuation...
(*Rea's POV)
Nagsisimula na ang game, hawak hawak ko ang isang banner na gawa lang sa red na kartolina at may nakalettering na ‘GO Clarenz Sua!!! Fight Fight Fight’
*****
Nasa kalagitnaan ng game, panay ang goal ni Renz saka titingin sa gawi ko at ngingiti.
“Ang gwapo talaga ni Renz no?”
“oo nga eh, sayang may gf na”
Rinig kong nag-uusap yung dalawang babae sa harap ko na nakaupo sa pinakaunang palapag ng bleachers. Napangiti ako, buti naman alam nila :p
“ok lang girl di naman marunong mag-ayos kaya malamang pa sa malamang na madaling magsasawa sakanya si Renz hahaha” sabi ulit nung isa.
Abat! Teka nga.
“Sa dinami rami ng mga babaeng todo ang ayos bakit ako parin ang pinili nya?” pasaring ko kaya napatingin sila sakin.
“sino ka ba? Ha?” sabi nung isa, yung isa naman parang nakilala ako.
“Ako yung pinili ni Renz kesa sa gaya mo na halos magmukha ng payaso sa kapal ng make up” taas kilay na sabi ko.
“girl Tara na, yan yung gf ni Renz ” sabi nung isa at hinila na paalis yung kasama nya.
TSS... Nakakainis! Ganon na ba talaga ako kamanang tignan?
Napatakip ako sa bibig ko ng may narealize ako...b-bakit ang warfreak ko na ata?! San galing mga pinagsasabi ko? Kailan pa ako natutong pumatol sa mga tanong babae? WAAAAAAAA Bakit parang ang sama sama ko na T_T.
**********
(*Renz's POV)
Ng makagoal ulit ako agad akong napatingin kay Rea...teka, anong nangyari? Bakit umiiyak si Rea? Sh*t
Agad akong tumakbo palapit kay coach.
“Coach labas muna ako” sabi ko at nagpanggap pang napapagod.
“ha? Oh sige Luke sub ka muna” sabi ni coach kaya tumakbo na ako papunta kay Rea.
“Kyaaaa si Renz!”
“Teka teka ok ba yung buhok ko? Anong hitsura ko?”
“Oh em G! Ang hot nya pagpawispawis.”
Ilan lang yan sa sigawan ng mga babae at bakla na nadaanan ko, di ko na lang pinansin si Rea ang priority ko.
Ng makalapit ako, pinausod ko muna yung nasa tabi nya buti sumunod agad.
Advertisement
“Rea bakit? Anong problema?” tanong ko.
“R-Renz*hik*” sabi nya habang umiiyak.
“Bakit?” tanong ko ulit at inakbayan na sya.
“Ang sama sama ko na” umiiyak na sabi nya, napatingin ako sa ibang tao dahil napatingin sila sa gawi namin.
Itinago ko yung mukha ni Rea sa dibdib ko at saka dahan dahan ko syang inialis dun. Pumunta Na muna kaming canteen, atleast dito di matao.
“Ano bang nangyari?” tanong ko saka pinunasan yung luha nya.
“Kasi...kasi...” hindi nya maituloy tuloy sasabihin nya
“Sabihin mo na” sabi ko
“Wag kang magagalit?” parang batang tanong nya.
“hindi po ako magagalit promise, sabihin mo na” sabi ko
“Kasi Renz, n-nanasagot ko yung mga fangirls mo...pero kasi, nakakainis sila eh kesyo daw di ako marunong mag-ayos, tapos yung isa naman sabi...aist basta! Nakakainis, di ko naman sinasadya na mapagsabihan sila ng ganon eh. Nagiging warfreak na ata ako.” hihikbi hikbing sumbong nya.
Napabuntong hininga ako at yinakap na lang sya. Ang sabi kasi sa librong nabasa ko nagiging emosyonal Daw ang mga buntis, nagiging sensitibo, pwedeng maging malambing o masungit. Nagresearch ako para maging handa just in case, pati mga bawal sinearch ko na rin baka kasi maibigay ko sakanya, delikado na.
“Shh...tahan na, kahit naman di ka mag-ayos ikaw parin naman mamahalin ko” paninigurado ko.
First girlfriend ko si Rea, dahil simula elementary puro pag-aaral at soccer ang tinututukan ko. Pero ng nakilala ko si Rea, balewala na ang lahat pagkasama ko sya. Una ko syang nagustuhan nung unang nagsama kami sa isang roleplay, kung saan sa unang pagkakataon nagkampi kami para sa grades. Nakakatawa man pero palagi kaming naglalaban nun para sa grades. Pero nung roleplay na yun ang nagpabago sa nararamdaman ko, madalas ko na syang nakakasabay sa pag-uwi at pagkain sa lunch at recess dahil idinidiscuss nya samin ang plano sa roleplay. Nakita ko dun ang ibang sides nya na di ko nakikita pag nakikipag kumpitensya ako sakanya. Yung sincerity nya bilang isang group leader, at yung pag-aalaga at pagkecare nya sa bawat isa sa mga kagrupo nya.
Advertisement
Hindi ko nga aakalaing mamahalin ko sya ng ganito, sya ang una ko sa lahat, first crush ko, first love ko, first girlfriend ko, first kiss at...basta sya ang una ko. Ni hindi ko Alam kung tama ba ang ginagawa ko sa tuwing sya ang kasama ko, kung ok lang Ba yung ipinapakita kong kasweetan sakanya o baka kulang pa. Palagi akong napapaisip sa kung ano ba ang dapat kong gawin para mapasaya ko sya kasi sa totoo lang wala akong experience.
Nung unang umamin ako sakanya...hindi ko alam kung anong pumasok sa ulo ko at napaamin ako ng ganon ganon lang.
*****Flashback*****
1st year high School kami nun, tapos na yung pinaghandaan naming roleplay at awa ng dyos kami ang pinakamataas.
Ngayon naman yung sports fest...
Balik na naman kami ni Rea sa dati bilang magkakumpetensya, pero ako...hindi ko malaman kung bakit naiinis na naman ako sa tuwing di nya ako pinapansin. Ni hindi ko na nga alam kung paano sya tatanungin para makisabay sakanya ulit sa pag-uwi.
Palagi na lang akong nasa likod nya na parang tangang nakasunod sakanya. Pwede na nga akong stalker eh, pero di ko parin alam kung bakit ganon na lang ang ikinikilos ko basta ang alam ko yun ang gusto ko.
“Pare, aamin na ako kay Rea pagkananalo ako dito sa relay” napatigil ako sa paglalakad matapos ko yung marinig.
Bumili ako ng tubig dahil masyadong mainit at sakto namang nadaanan ko tong dalawang tukmol na to.
Napatingin ako sa tinitignan nilang dalawa, si Rea nga na busy naman sa pag-istreching. Nasa field kami ngayon dahil dito gaganapin ang race relay.
Hindi sana ako magpaparticipate kaso matapos ng narinig ko kanina, gumawa ako ng paraan para ako yung maisali at makalaban yung lalaking nagsabi na aamin sya kay Rea.
****
Ng maipasa sakin yung metal stick dali dali akong tumakbo, asa naman silang maabutan nila ako. Sa haba ng mga legs ko at sa liit nung sakanila TSS..
Malapit na ako sa finish line ng mahagip ng mga mata ko si Rea...chinicheer nya ako. Unang beses na Chineer nya ako, kaso masyado akong Napatitig sakanya...di ko napansing nagdirediretso na pala ako at tumama sa isang poste. T*r*gis!
**********
Hilo pa ako at literal na umiikot ang paningin ko ng pagkumpulan ako ng mga tao.
“Class President!” rinig kong sigaw ng teacher namin.
Teka, si Rea ang class president namin.
“Ma'am?” marinig kong sagot ni Rea.
“Dalhin mo sya sa clinic” utos ni ma'am.
“Ma'am?! Eh ang laki laki nya po tapos ang liit liit ko, di ko kaya yan ma'am” maktol nya.
=__= unang beses na nagsisisi akong naging matangkad ako at naging sobrang laki ko.
“Ma'am kaya ko lang po” singit ko at umupo na.
“Oh sige suportahan mo na lang Ms. Valdez” sabi ni ma'am.
Lihim na lang akong napangiti ng dahan dahang ilinagay ni Rea yung kanang braso ko sa balikat nya at inalalayan ako. Kaya ko naman talaga, pero di ko na lang din inalis kamay ko sa balikat nya.
Matatalim na tingin ang ibinigay ko dun sa lalaking may balak umamin kay Rea.
“Ang swerte ni Renz pre” rinig kong sabi nung kasama nyang lalaki.
TSS...subukan nilang umamin.
********
Habang tinitreat yung sugat ko sa ulo nasa tabi ko lang si Rea. Yung teacher kasi namin inaasikaso yung iba pa naming classmates.
“Magpahinga ka na muna” sabi ng nurse saka umalis.
“Sige iwan na kita, sabihin ko na lang sa teacher natin Na nagpapahinga ka pa” sabi ni Rea at akmang aalis na.
Ewan ko kung anong sumapi sa akin para higitin yung kamay nya palapit sakin, napahawak sya sa balikat ko at dun nagtama mga mata namin, yung isang kamay nya nasa balikat ko habang hawak ko naman yung isa.
Ilang beses pa akong napalunok, bago nakapagsalita...
“Rea...g-gusto...g-gusto kita” sabi ko habang diretsong napatingin sakanya.
=__=Unang beses na nautal ako habang kausap ang isang babae.
***********End of flashback*****
Nung una para syang baliw na tawa ng tawa nun, at sinabi pa nga nya na masama daw ata tama ng ulo ko.
Sa inis ko nagawa ko ang di ko alam na kaya ko palang gawin...
Ang manghalik ng babae...
Ang unang halik ko.
Advertisement
- In Serial79 Chapters
The Male Main's Uncle Is Openly Obsessed With Me
It was only after Su Yayan's death that she realized that she was a malicious cannon fodder female character who became a scapegoat in a Mary Sue story.
8 224 - In Serial7 Chapters
The Unwanted
Cyan Ravindra was only a child when she came into Genesis Vadell's care. Years later, she still doesn't know why her parents gave her to such a monster. However, when she sees him, her heart takes over and it seems to know the truth. Genesis' caring nature overwhelms him whenever she's near. Genesis tries his best to stay away from Cyan but it's like he's naturally drawn to her. His solution? Lie. Cyan must never discover the truth about her parents or the small, isolated village she once called home, even if it means she has to hate him. Will Destiny prevail when she finds out her existence is a lie? The Unwanted can also be found on Inkitt.
8 81 - In Serial11 Chapters
I'll Become Stronger, My Duke
Laura, a young woman victim of bullying throughout her whole life found herself at peace in the novels she read. But what happens when she reincarnates as the villainess of her favorite novel "Mille Occhi"? Will she be able to survive her death and live peacefully? This publication is a creative work fully protected by all applicable copyright laws.
8 124 - In Serial60 Chapters
Sun Child |✔|
Lexie is not a warrior. In fact, Lexie is a painter. Her hands are always covered in paint. Never coming off. Always there. For Lexie, painting is an escape. An escape from her pain. She paints to avoid the darkness that is in her soul. She paints to avoid looking at the bleeding wound inside her chest. She paints. To forget. But then Lexie meets someone. Her mate. He also hides a dark anger inside him. An anger at everything and the world around him. When two souls collide, how do you fix each other? Atlas isn't looking for a mate. He's seen the effect of women within his life, and how cruel they can be. But then he meets someone. Someone he doesn't want to meet. A painter soul. And a warrior's heart. How will the two collide? ***Note this can be read as a stand-alone story. Moon Child can be found on world_joy_ bio page - feel free to read it to get other characters background story.Highest rank #1 in werewolf Thank you for readingCopyright: ©Joy (world_joy_) All rights reserved
8 233 - In Serial18 Chapters
Nuisance of his life
A beautifull journey of ADVITH and ELIRA filled with love, affection, happiness but with a twist of heartbreak, raging emotions, jealousy, insecurity and possessiveness.In the middle of party, Advith's eyes fell on her, she was roaming around busily greeting guests, enjoying the party. His eyes followed her everywhere, he felt his heart just skipped a beat, he questioned his subconscious mind - 'Did my heart beat till now? For what I felt I never saw true beauty till this night' ****************Well the most infamous destiny has played it's part and looks like it has planned something for them.But as the saying goes by "ROSES COME WITH THORNS AND THORNS DRAW BLOOD".__________________________________________________From first sight to forever - You Are MINE.- cupncakez__________________________________________________
8 174 - In Serial25 Chapters
My Sweet Elora.
What is the definition of love?
8 84

