《A Prelude to Marriage》Chapter 8.
Advertisement
Pagkatapos kong nagluto pinatay ko na yung stove at pinagsandok na si Rea.
Kanina maaga akong pumunta dito sa bahay nila para talaga ipagluto sya, matatagalan din kasi Ang mga magulang nya sa pagbalik dahil nga business trip ang pinuntahan ng mga to at ipinagkatiwala naman sakin si Rea.
Kagaya ng ipinangako ko kagabi, babawi ako. Hindi na ako papayag na may iba pang mangyaring masama sa mag-ina ko. At mas lalong di na ako papayag na may ibang lalaking nasa tabi ng girlfriend ko sa mga oras na yun.
Umakyat na ako matapos kong iprepare lahat ng kailangan. Simpleng ginisang atay na may Sunnyside up egg na may sibuyas na puti lang ang niluto ko. Ito kasi palagi ang rinerequest nya sakin, kaya malamang na dito sya naglilihi. Dinagdagan ko na din ng gatas para mas healthy.
Dahan dahan kong binuksan ang pinto gamit ang isang kamay ko dahil dala dala ko ang tray sa kabila. Nakita ko syang nagtalukbong ng makita ako, TSS.. Gising na to.
Ipinatong ko na muna ang tray sa side table nya.
“Rea bumangon ka muna, kagabi ka pa di kumakain” mahinahong sabi ko at umupo sa tabi nya.
“Ayaw” maktol nya.
Bumuntong hininga ako, tuwing ganito to gusto nitong magpalambing. Di ko maintindihan ang mga babae, madalas di ko alam ang tumatakbo sa mga isip nila. Mahirap minsan pero pagmahal mo iintindihin mo.
Binuhat ko sya kasama yung kumot nya.
“kain na kain na” paulit ulit na sabi ko habang iniikot sya.
“WAAAA OO NA!!! TAMA NA BABA MO NA AKO!!Renz!!” sigaw nya habang napapakapit sa batok ko haha Kalahati na lang ng katawan nya ang may kumot
Dahan dahan ko syang inilapag sa kama nya.
“Bat di ka kumain kagabi? Sabi sayo nasa labas na ng pinto yung pagkain” tanong ko at hinipan ang kutsarang puno ng pagkain.
“oh aah” sabi ko at sinibuan sya, ngumanga naman sya.
Akala ko talaga magagalit na talaga sya sakin.
Di ko sya masisisi pag nangyari yun, naging busy ako sa restaurant na pinapasukan ko, sa practice at sa pagtututor ko na di nya alam.
Naalala ko na naman si Trax, may nabanggit na kaya sya kay Rea? Pero sa tingin ko wala pa.
Advertisement
Alam ko wala akong dapat ikatakot kahit na sabihin nya pa na nakita nya ako minsang nagmamadaling lumabas ng kwarto ni Trixie na kapatid nya. Sa sobrang pagod at puyat na rin siguro kaya ako nakatulog dun. Pero kahit ikamatay ko pa talaga ngayon walang nangyari samin...natatakot lang talaga ako.
Alam ko may nangyari man o wala mali paring makatulog ako sa kwarto ng ibang babae. Pero hindi na, hindi na ulit mauulit yun.
“Nakatulog ako” simpleng sagot nya saka nagkusot ng mata, tss... Ang cute talaga nya.
“Oh subo” sabi ko at sinubuan ko ulit sya
“Rea” tawag ko
“Hm?” sagot nya habang ngumunguya.
“Sino gumawa sayo nun?” tanong ko na ikinabulon nya. Agad kong iniabot ang gatas sakanya.
Napatingin lang ako sakanya at inaantay ang sasabihin nya pero hindi nya sinagot ang tanong ko at humiga na lang ulit saka nagtalukbong.
“ayaw ko ng kumain” sabi nya.
Tsk. Mali atang itanong ko ngayon, pero gusto kong malaman kung sino. Kailangan nilang magbayad sa ginawa nila sa mag-ina ko.
“Tsk. Oo na oo na sige na sige na Hindi na ako magtatanong bumangon ka na at ubusin tong pagkain mo” sabi ko at ipinaupo sya.
Aalamin ko na lang ng sarili ko.
*******
Matapos nyang kumain nanood lang kami sa saka nila. Nakasandal sya sa balikat ko habang yakap ko sya, minsan sinusubuan nya ako ng kettle corn na binili ko ganon din ako sakanya.
“Ganto lang ba ang gusto mong gawin? ” tanong ko
Napatingala sya sakin at napangiti.
“Bakit ano pa bang gusto mong gawin?” tanong nya
Pinitik ko nga sa noo.
“ano na namang iniisip mo ha?”
“aray naman! Ang gusto kong sabihin kung gusto mo lumabas tayo! Huhu ang sakit!” maktol nya habang hipo hipo ang noo nya, napatango tango ako dahil sa sinabi nya. Yun pala, tss...di nya kasi linilinaw.
“saan yung masakit patingin nga?” sabi ko at inalis ang kamay nya sa noo nya saka marahang hinalikan.
“ok na ba?” tanong ko ng nakangiti.
Tumango naman sya habang may malalaki ring ngiti.
“nood na nga lang tayo dami mong alam” sabi nya at humarap na sa Tv
Advertisement
“Ayaw, pangit naman yung bida. Mas gwapo pa ako” sabi ko.
“eh gwapo naman yung leading man ah” sabi nya kaya napasilip ako sa mukha nya, nakangiti sya na akala mo kinikilig tsk.
“Mas matangkad ako” sagot ko
“Atsaka ang sweet sweet nya oh hihi ang cute cute nya manligaw dun sa babae”
Nanonood kasi kami ng paboritong panoorin ng gf ko, Korean eh kahit di ko maintindihan sige na lang.
“sweet ka jan torpe nga di makaamin tss..”
Tumingin sya sakin ng nakanguso pa.
“Nagsalita ang hindi” sabi nya saka ngumiti ng nakakaloko.
“Ganon?” pinatay ko yung tv.
“Eh? Bat mo pinatay?” maktol nya kaya pinisil ko nga yung ilong nya.
“Sinong mas gwapo sya o ako?” tanong ko
“Wait pag-iisipan ko” sabi nya
“pag-iisipan pala ha?” sabi ko sana sya binuhat na parang bagong kasal.
“waaaa oo na ikaw na, baba mo na ako” sigaw nya
“hindi mag-isip ka muna” sabi ko at naglakad na papuntang kwarto nya .
“hindi na kailangan ikaw na talaga haha baba mo na ako!” sabi nya pero di ko sya pinakinggan.
*****
“Ito o ito?” tanong ko at inangat ang dalawang tissue na brand ng tissue ng bayan at Tissue ng masa.
“Ikaw” nakangiting sagot nya.
“alam ko” ngisi ko na nakapagpapout sakanya.
“Yabang” sabi nya.
Andito kami ngayon sa mall at namimili tutal isang linggo daw wala ang parents ni Rea.
Nakahawak sya sa braso ko habang tulak tulak ko yung cart, napadaan kami sa baby section kaya napatigil ako sa paglalakad.
“Uy bat tayo tumigil?” tanong nya.
“Hindi pa ba natin pwedeng malaman ang gender ng baby?” tanong ko
“Di pa nga po, Tara na. Balik na lang tayo kapag alam Na natin” sabi nya at bahagya na akong hinila.
Matapos naming mamili pumunta muna kami sa arcade ng mall.
*******
Nakatingin lang ako sa full length mirror habang nakaunderwear. Tinitignan ko kasi tong tiyan ko, lumalaki na sya, baka hindi na kayang itago sa jacket lang.
Naramdaman kong may mga kamay na yumakap sa akin mula sa likod ko...si Renz, ipinatong nya yung baba nya sa leeg ko.
“Anong tinitignan mo?” tanong nya.
“Yung Tiyan ko Renz...l-lumalaki na, anong gagawin ko? Baka makahalata na sila mama at papa?” nag-aalalang tanong ko.
Bumitaw sya sa yakap at marahan akong pinaharap sakanya.
“Gusto mo bang sabibin na kila tita at tito?” tanong nya.
“Kaya mo?” tanong ko.
“kakayanin ko basta nasa tabi kita.” sagot nya at pinisil ang mga kamay ko.
“a-ayaw...wag muna Renz, p-paniguradong ikaw ang sisisihin nila pag nagkataon, lalo na si papa” kinakabahang sabi ko.
“Ok lang, kesa naman nahihirapan ka sa pagtatago sakanila. Kung pwede nga lang ako na lang ang mabuntis para di ka nahihirapan gagawin ko.” puno ng sincerity na sabi nya.
“Baliw ka” nasabi ko na lang at sinuntok sya sa dibdib nya. Yinakap naman nya ako.
“lahat kaya ko Rea kung para sainyo ng baby natin. Mahal na mahal ko kayo, kayo na ang pinaka importante para sakin.” seryosong sabi nya. Gumanti ako ng yakap sakanya.
“alam ko naman yun eh at mahal na mahal din kita. Wag mo akong iiwan ha?” sabi ko.
“hinding hindi” sagot nya.
“Magbihis ka na, kailangan mong matulog ng maaga. Makakasama sa baby ang pagpupuyat” sabi nya pag-aklas namin sa yakap.
Tumango na lang ako at nagbihis na nga.
Paglabas ko ng banyo nadatnan ko si Renz na nakahiga sa kama ko at natutulog. Lumapit ako at napangiti, mukhang napagod sa maghapong lakad namin.
Hinalikan ko sya sa noo nya at pinatay na yung lampshade, lalakad na sana ako para lumabas ng hataking nya ako pahiga. Gising pala. Bumagsak ako sa dibdib nya, sya namang yakap nya sakin ng mahigpit.
“San ka pupunta?” tanong nya.
“Dun muna ako sa kwarto nila mama, masyadong maliit tong kama ko, pagtumabi pa ako sayo hindi ka na magiging kumportable sa pagtulog” sabi ko
“Di lang yan, matulog na tayo antok na ako” sabi nya at iniayos ako sa paghiga habang yakap yakap parin nya ako.
Napangiti na lang din ako at nagsimula ng matulog. Mahal ko si Renz at alam kong mahal na mahal din nya ako. Swertehan na lang ang makatagpo ng kagaya nya...At isa ako sa mga swerteng yun :)
**********
Mas enjoy talaga pag POV ng lalaki haha
-Author P.
Advertisement
- In Serial60 Chapters
Book 3: Go Go Squid [English Version]
Tong Nian, a cosplay cover singer, falls in love at first sight with a man she spots at a Net cafe. Chasing him, she signs up for the MMO she saw him playing, albeit it's a super high ranked account a friend acquired for her. Who could have known he was a pro gamer, moreover a legend in the gaming circle at that!Story Info:Author: Mo Bao Fei BaoAssociated Names: Cá mực hấp mật ong, Stewed Squid with Honey, 蜜汁燉魷魚Genre: Romance, Comedy, E-SportOriginal Language: ChineseEnglish Translator: hoju hui3r.wordpress.comCredit's to:Author: Mo Bao Fei BaoEnglish Translator: hoju hui3r.wordpress.comNOTES: This book is the Sequel of the trilogy. It is the last book. The first book is God's Left hand, the second book is Fish Playing while trapped in a secret room, and Stewed Squid with Honey or also known as Go Go Squid is the last book. BUT it is also fine to read this first because The first two book are mainly about Appledog and Dt. While Stewed Squid With Honey is about mainly about Han Shangyan and Tong Nian.
8 187 - In Serial11 Chapters
My Soulmate (Merthur)
1370 years. Merlin waited, waited and waited. For his Prince, for his King to return.And one day?He does.Mostly fluff, with some smut but there'll be warnings. Hope you guys enjoy and please like and comment x I love knowing what you guys think.
8 168 - In Serial38 Chapters
Kissing Booth [BoyxBoy]
(BOOK ONE OF THE KISSING BOOTH SERIES)Scar Patterson has everything that a boy could want - good looks, a smoking hot girlfriend and a full time scholarship to his dream school. In an attempt to raise money for the football team's new uniforms, Scar hosts a kissing booth at the town's Carnival Week. It's the perfect excuse to kiss beautiful girls and get money at the same time. It couldn't have been any more of a great idea. Until he's obligated to kiss a boy.- cover made by seeraenthen-
8 204 - In Serial53 Chapters
Conditionally Married
Highest ranking dated: 8-Feb-2019No.1 in #billionaire, No.1 in #wifeNo.1 in #marriageNo.1 in #hatelove (4-3-19)No.4 in #insecuritiesSia : A girl next door is working with one of the powerful businessman as assistant. She enjoys everything at her work except son of her boss.Ashar : A rich handsome businessman who works under his father. He gets whatever he wants, but he can't so anything about assistant of his fatherThey both hate each other and are total opposite.But fate had other plans for them..This book in under editing for grammatical errors
8 229 - In Serial54 Chapters
The Nanny
A mistaken identity, a desperate bargain between two single parents, and a chance to find love again. *****When Paige Johnston takes a promotion overseas and her nanny quits on her last minute, she's in a bind. After posting the job to a local community board, she's optimistic when she hires a single mother named, Ashley, sight unseen. There's just one problem. Ashley is Ash, and he's not a single mother, he's a single father and former bricklayer. After his long-term girlfriend decided she didn't want to be a mother anymore, Ash has been struggling to makes ends meet and this job promises a fresh start. As the two of them navigate life in the house together, can they let go of old wounds in time to seize happiness together?
8 221 - In Serial27 Chapters
BL Novel List
List of BL novel I have read & likes. Links included. If the link doesn't works please search them on novelupdates, I get them from there. Just fyi this list contains novels from fluff to angst. Not much of yandere coz I don't prefer it. Maybe you will find something interesting here.Note: after I put more books on this list, after some time I will rearrange the order by alphabet.
8 239

