《A Prelude to Marriage》Chapter 7.
Advertisement
Naalimpungatan ako ng may marinig akong humihikbi sa tabi ko. Pagmulat ko ng mata... Si Trax, umiiyak.
“Trax? Anong nangyari? N-nasaan ako? ” tanong ko at inilibot ko ang paningin ko.
Nasa hospital pala ako, agad akong napabalikwas.
“T-Trax... Y-yung... ” hindi na nya pinatapos ang sinasabi ko ng sumagot agad sya.
“Ok lang yung baby mo” sabi nya at pinunasan ang mga luha nya.
Napahinga ako ng maluwag.
“a-alam mo na? ” paninigurado ko.
“oo” napayuko sya
“Bakit ka ba umiiyak? ” tanong ko
Nagulat ako ng bigla nya akong yinakap.
“sorry... Sorry Rea kung, muntik na akong mahuli. ” umiiyak na sabi nya habang yakap ako.
Ito ang unang pagkakataong nakakita ako ng umiiyak na lalaki. Hindi ko sya ginantihan ng yakap at bahagya ko syang inilayo.
“Ah, wala ka namang kasalanan eh. Sa katunayan pasalamat nga ako at dumating ka kundi yung baby ko... Hindi ko alam ang gagawin pag nawala sya. ” sabi ko
“Ang totoo Rea... K-kapatid ko ang isa sa may kagagawan sayo nyan. A-at hindi ko alam kung paano kita haharapin, ngayon pero kakapalan ko na lang ang mukha ko para humingi ng sorry” puno ng sinseridad na sabi nya.
“Hindi dapat ikaw ang nagsosorry, at isa pa. Masaya na akong ligtas ang baby ko. ” sabi ko at hinawakan ang tiyan ko.
****
Kinausap pa ako ng doctor bago kami tuluyang pinaalis.
Si Trax na rin ang naghatid sa akin pauwi.
“si ... Renz ba ang ama nyan? ” basag katahimikang tanong nya
Tumango lang ako bilang sagot.
Nasa tapat na kami ng bahay namin ng mapansin ko si Rrnz na nakadumog sa pintuan ng bahay, mababa lang kasi ang bakod at gate namin kaya tanaw lang sya.
“Ahm... Mukhang inaantay ka na ng boyfriend mo.”
“Mm. Sige salamat sa lahat” sabi ko
“pumasok ka na at magpahinga tutal walang pasok bukas.”nakangiting sabi nya.
“sige ingat ka sa pag-uwi” sabi ko at pumasok na sa gate.
Malapit na ako kay Renz ng inangat nya ang ulo nya, nakaramdam ako ng inis sakanya kaya hindi ko sya pinansin.
“Rea, bakit ngayon ka lang? ” may inis yung boses nya ng salubungin nya ako, tymingin sya sa likod ko kaya napatingin din ako. Andun pa si Trax nakatayo.
Advertisement
“Kasama mo sya? ” mapagdudang tanong nya saka salubong ang mga makakapal nyang kilay.
“Pagod ako Renz” walang ganang sagot ko at lalamapasan na sana sya pero hinawakan nya ako ng mahigpit sa magkabilang braso at marahas na ipinaharap sakanya.
“Bakit? Bakit ka napagod? Ano bang ginawa nyo ha?! ” may kataasan na ang boses nya.
“Ano ba Renz nasasaktan ako!” sigaw ko.
“Pare bitawan mo na! Nasasaktan na si Rea eh!” biglang lapit ni Trax.
“Pare kung gusto mo pang mabuhay wag kang makikialam dito.” banta ni Renz
Marahas kong inalis yung kamay nya sa mga braso ko.
“KUNG MAY LAKAS KA PARA MAGALIT SAKIN NGAYON, NASAN KA KANINANG KAILANGANG KAILANGAN KA NAMIN?!” di ko napigilang sigaw ko.
Nalaman ko na lang Na umiiyak na ako ng may mainit na luhang umagos mula sa mga mata ko.
“please lang, wag ka munang magpapakita sakin” inis na sabi ko at tinalikuran na sila, tuloy tuloy akong pumasok hanggang sa kwarto ko, dun na ako umiyak ng umiyak.
Yung takot ko kanina bumalik, yung takot na baka may mangyari ng masama sa anak ko. Ayaw ko naman talagang magalit kay Renz pero kasi, yung takot na nararamdaman ko dahil sa panganib na nasa harapan ko tapos wala pa sya sa tabi ko yung patuloy kong nararamdaman.
“thank you nak ha? Di mo iniwan si mommy, kapit lang kaya natin to” kausap ko sa tiyan ko.
***
(*Renz's POV)
Halos mamatay na ako sa pag-aalala kay Rea dahil tinawagan ako ng mga magulang nya at hinahanap sakin kung nasaan sya. Kinabahan ako kaya tumakbo ako palabas ng bahay para hanapin sya, kung saan saan ako nagpunta para mahanap sya pero wala. Tapos makikita ko sya kasama yung Trax na yun. Tangina lang. Kaya ayun di ko na naman nacontroll.
Naputol ako sa pag-iisip ng biglang sinuntok ni Trax Ang kanang pisngi ko.
“Tang*na ka Pre! Hindi mo alam nangyari sa gf mo tapos ganon mo pa sya trinato!” sabi nya.
Natigilan ako sa sinabi nya...
“Anong ibig mong sabihin? ” tanong ko
“alam mo bang muntik ng makunan si Rea?! ” sigaw nya.
Advertisement
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya at para akong binuhusan ng nagyeyelong tubig.
“ano?” Tanging lumabas sa labi ko.
“Salamat sa mga fans mo, muntik ng mawalan ng baby Ang gf mo. Wala kang kwentang bf pre, kung di mo sya kayang alagaan ibigay mo na lang sya sa iba” mga huling sinabi nya at iniwan ako.
Ilang oras pa bago ako nakakilos sa kinatatayuan ko, at agad na pinasok ang bahay nila Rea. Ilinock ko na yung pinto, tutal ang sabi nila tita pupunta sila ng palawan para sa business trip nila. Isa pa yun sa dahilan kung bakit sila napatawag sakin.
“Rea” tawag ko.
“Umalis ka muna!” rinig kong sigaw nya mula sa loob, halata sa boses nyang umiiyak sya.
“I’m sorry, hindi ko naman alam eh. Sorry na please, mag-usap naman tayo oh” pagsusumamo ko.
Hindi ko naman mabuksan yung pintuan nya dahil nakalock.
“ayaw ko! Umalis ka na!” sigaw nya ulit.
Napabuntong hininga ako
“sige aalis ako pero tumahan ka na sa pag-iyak. Sabihin mo sakin Ang mga nangyari bukas. Kumain ka na ba? Kung hindi pa ipagluluto kita, kainin mo na lang yung iiwan ko sa kusina” paalam ko.
Masakit para sa akin, na muntik na pala syang makunan kani-kanina lang pero wala ako sa tabi nya. Masyado ko na ba syang napapabayaan?
Nasaktan sya ng dahil sakin, at muntik mawala ang anak namin ng dahil din sakin. Kapag nagkataong may nangyari sa mag-ina ko...baka mapatay ko ang sarili ko.
Kahit mabigat sa loob ko umalis agad ako pagkatapos kong nagluto at mag-iwan ng pagkain sa harap ng pintuan ni Rea.
Babawi ako, kung kinakailangan kong magquit sa soccer gagawin ko maprotektahan ko lang Ang mag-ina ko.
Kinabukasan, maaga akong nagising, kailangan kong ipagluto ulit si Rea. Di pa naman marunong magluto yun.
Pagkatapos kong maligo at magbihis dumiretso agad ako sa bahay nila Rea. Kinuha ko muna yung spare key ng bahay nila para nakapasok lang ako kapag kailangan.
Pagpunta ko sa bahay nila agad akong pumunta sa kwarto nya at nakita kong ni hindi man lang nagalaw yung pagkaing niluto ko kagabi.
“Rea, buksan mo tong pinto, Rea” ilang ulit ko pang kinatok Ang pinto pero walang sumasagot.
Nataranta ako at kinabahan kaya naman dali dali akong lumabas ng bahay nila para umikot papunta sa tapat ng kwarto nya at inakyat ang veranda nito. Buti na lang at di nya linock yung pintuan ng veranda nya.
Papasok ko naabutan ko syang natutulog sa kama nya kaya napahinga na ako ng maluwag. Linapitan ko sya at dahan dahang tinabihan, hinalikan ko sya sa noo nya at Ang tiyan nyang may umbok parin.
“Hi baby, si daddy to...sorry, hindi ko kayo maprotektahan ng maayos ni mommy. Pero wag kang mag-alala babawi na si daddy.” bulong ko sa tiyan ni Rea at muli itong hinalikan.
Humiga ako sa tabi ni Rea at mahigpit syang yinakap.
“I love you, hindi ko alam Ang gagawin ko kapag may mangyari ng masama sainyo” bulong ko.
Alam ko lalaki ako pero di ko mapigilang hindi mapaluha sa tuwing maiisip ko na muntikang mawala ang baby namin.
“Renz?” tawag nya sakin, gising na pala sya.
Dali dali kong pinunas ang mga mata ko at nginitian si Rea saka ko sya hinalikan sa noo.
“Good morning, gutom ka na ba? Anong gusto mo?” mga salitang lumabas sa labi ko.
Pero hindi sya sumagot at nakatitig lang sakin.
“Umiyak ka ba?” nag-aalalang tanong nya at hinaplos Ang mukha ko.
Umiling ako at ngumiti. Idinikit ko yung noo ko sa noo nya.
“Hindi napuwing lang ako” Sabi ko at pumikit.
“R-Renz, natakot ako...” Sabi nya ng may basag na boses agad ko syang yinakap at isiniksik sa dibdib ko.
“shh... Sorry, I'm sorry wala ako kahapon”
“A-akala ko mawawala na talaga satin si baby” umiiyak na Sabi nya
“Wag mong sabihin yan, di sya mawawala satin. I'm sorry, sorry, sorry talaga” Sabi ko at mas hinigpitan pa Ang yakap sakanya.
Nasa ganon kaming pwesto hanggang sa tumigil na sa pag-iyak si Rea.
“Babawi ako Rea promise ko yan” bulong ko dahil nakatulugan na naman nya ang pag-iyak.
*******
Author P.
Advertisement
- In Serial50 Chapters
My Boss Is In The Mafia?
Alena Fleur has her dream job. Smart, confident, beautiful-she was everything. She was the COO of the Storm Dynamics. But only one particular problem, or more like a person, made her life hell, and that person was her rude boss, Elian Storm.Elian Storm, the CEO of the Storm Dynamics, kept a dark aura around him all the time; as if someone stabbed his heart and he could never move on. Everyone feared him, except his COO, who ended up earning a special spot in his heart despite their regular bickering.However, one unfortunate night revealed Elian's side business to Alena. How would Alena handle herself after learning the boss she used to argue with was actually a ruthless mafia leader in the underworld?
8 289 - In Serial66 Chapters
Darkened
The day I turned 18 was supposed to be the happiest day of my life. The beginning of my future with my mate but it all turned to hell when I was rejected. He wanted someone powerful, someone equal to him. An accessory that could help him gain power. He rejected me to choose someone more worthy of being his Luna. Couldn't bear the thought of watching him get his perfect life while I rot, I ran. 2 years later I came back better, stronger, and more powerful. I trained and fought and became the beta of the pack he needs help from. This time around I had the upper hand. Now you must be thinking this is a story where he begs for me back and somehow I forgive him. No this isn't the love story between the alpha and I, it is the love story between me and...................well you'll have to wait and see.
8 332 - In Serial108 Chapters
The Reject (COMPLETED)
"Home, he felt like home."Willow Greene was 'Rejected' by the most popular guy in school, Hunter Reed, who was also called as 'Alpha', ever since then, her life started going downhill. She had been confused as to why, but her questions remain unanswered. That was until Rowan Kingson came in to live in her house. Willow felt undeniable attraction towards this golden eyed boy. But is Willow ready to face all the dark creatures Werewolves, Vampires, Witches and faeries? Would she be able to embrace reality?(Word count: 90,000-95,000)
8 568 - In Serial17 Chapters
My Girl Hearted Love [GayxGirl] (Ongoing)
What if you're inlove with someone who's UNDENIABLY GAY?Would you choose to GIVE UP? OR KEEP CHASING ON SOMEONE WHO DOESN'T GIVE A DAMN?!PS. THANKYOUSOMUCH ATE ROMZ FOR THIS AMAZING COVER LOVELOTS! xoxo 💜
8 136 - In Serial55 Chapters
A Series of Mondays (girlxgirl / wlw)
It's their last year of high school. Helen is convinced that her year will be perfect with her perfect grades, her perfect boyfriend, and the perfect plan for her future. Sofia, on the other side, has decided to live only for today. When they get cast as Romeo and Juliet, they need to learn how to get along.Cover found on Pinterest.
8 150 - In Serial30 Chapters
Lloyd Garmadon x Male Reader |Just My Type|
(Y/N) has been going to Ninjago High for a couple years or so. He thought he knew everything there was to know. That is, until a series of events unfold that he was lucky enough to experience.Lloyd Garmadon, Lord Garmadon's son and general punching bag of the whole school is revealed to be the crime fighting Green Ninja to (Y/N).As (Y/N) begins to develop feelings he's never felt before he has to figure out how to properly convey them.some trigger warnings:Mention of bullying, self harm, alcohol use, homophobia, swearing, abuse, and descriptions of gore. Some sexual suggestions also implied.
8 191

