《A Prelude to Marriage》Chapter 5.

Advertisement

Tahimik kaming naglalakad ni Renz, binalewala ko na yung nakita ko kaninang may kakulitan syang babae dahil ayaw ko syang sabayan sa galit nya, pero iniisip ko...dahil parin ba sa pagod nya sa soccer practice nya at pagod nya sa part time job nya ang dahilan kung bakit nya ako nasigawan? Yun kasi ang unang pagkakataong sinigawan nya ako at di man lang sya nagsorry.

Nakita nya kasi kami kanina ni Trax, at ang sabi nya...may pictures daw syang natanggap. Ipinakita nya naman at yun nga yung mga panahong naglalakad ako mag-isa pauwi, may dalawang picture na nasa clinic at yung iba naman palagi syang nasa likod ko. Sabi nya ipinasa daw yun ng photographer ng news club kung saan president sya nun at ang report pa nito na baka daw inistalk ako ni Trax.

Nakagat ko yung ibabang labi ko ng bigla nya akong yinakap mula sa likod ko.

“Sorry” malungkot na sabi nya.

“Mainit lang ang ulo ko kanina, alam mo naman di ba? Pagod ako palagi tapos puyat pa.” mahinahong sabi nya.

Napangiti ako pero yung pakiramdam ko na parang may mali hindi parin na tanggal.

Hinarap ko sya at hinawakan ang mukha nya.

“naiintindihan ko, basta wag mo ng uulitin ha? Natatakot kami ni baby pag ganon ka” nakangiting sabi ko.

Yinakap nya lang ako ng mahigpit.

“Sorry, sorry talaga” sabi nya.

“ano ka ba? Ok na, ok? Tama na ang sorry, naiintindihan ko naman eh” sabi ko.

“Tara na gusto ko ng umuwi nagugutom na kami ni Baby” aya ko.

“Nagugutom?” nagtatakang tanong nya “hindi ka ba nagtanghalian?” dugtong pa nya.

“uhuh, eh kasi po sabi mo po bibilhan mo ako ng makakain eh hindi mo naman nagawa, sinubukan kong kumain sa canteen pero isinuka ko agad yung unang subo” nakasimangot na sabi ko.

Advertisement

“Tara” sabi nya at hinila ako sa kabilang direksyon.

“oh teka San tayo pupunta? Malapit na yung bahay oh” sabi ko at bahagyang tumigil.

“Mas alam ko yung mga makakain mo kesa sa mga iniluluwa mo” simpleng sagot nya.

******

Nagpunta kami ng grocery at bumili ng mga gulay.

“Renz, gusto ko yun oh atay parang ang sarap” sabi ko.

“oo na, malayo palang minamatahan mo na eh” nakangiting sabi nya at bumili.

“Renz” tawag ko saka hinila yung sleeves ng jacket nya, tumingin naman sya.

Ngumuso ako dun sa Pringles na nakadisplay sa counter.

“hindi pwede, junkfood yun masama sa baby” paalala nya, :3 kainis naman. Parang ang sarap kasi eh.

“Tsk. Kulit” sabi nya saka kinuha yung maliit na Pringles.

“Waaa bakit maliit?” maktol ko

“ayaw mo? Sige balik natin wag na tayong kumuha” sabi nya naikinalaki ng mata ko dahil akmang ibabalik na nga nya.

“ahehe, biro lang naman eh sige na ok na ok na ako jan sa maliit, Tara na bayaran na natin” sabi ko, mahirap na baka magbago pa ang isip.

Nagbabayad na kami ng mga pinamili namin ng may di inaasahang lumapit...

Naman, wrong timing. Kababati lang namin eh.

“Hi Missy, ang liit talaga ng mundo madalas kitang nakikita” Natatawang sabi nya na parang hindi nakikita si Renz.

“Uh...” hindi ko alam Ang sasabihin ko.

*BLAG!*

“miss pakidalian” Si Renz, ibinagsak yung basket na pinaglagyan ng pinamili namin.

“Uy, andyan pala kuya mo” pansin nya kay Renz.

“Hindi ko/nya sya/ako kuya” sabay naming sabi ni Renz.

“Ha? Eh kung hindi ano?” nagtatakha nyang tanong.

“Asawa nya” si Renz ang sumagot saka itinago ako sa likod nya.

Nakakalokong ngumisi naman si Trax at nakipagtalo ng tingin kay Renz.

“Ah, paano nangyari yun eh di ba...?” nakangisi sya ng nakakaloko na parang may gusto syang iparating.

Advertisement

“tara na Rea” sabi nya at hinila na ako.

“teka yung mga pinamili natin...” sabi ko dahil nasa cashier pa yung mga pinamili namin.

Saka lang sya tumigil ng magsalita si Trax.

“Ingat Missy! Maraming manggagantso at mangloloko ngayon, at pare. Ingat dahil maraming magnanakaw ngayon. Ingatan mo mga gamit mo baka mawala” sabi nya tapos tuluyan na kaming lumabas.

Anong ibig sabihin ni Trax?

Buong oras na naglalakad kami ni Renz tahimik lang sya, at alam kong nasa bad mood sya ngayon.

Nasa tapat na kami ng bahay namin ng basagin ko ang katahimikan.

“May hindi ka ba sinasabi sa akin Renz?” lakas loob na tanong ko.

“Wala, pumasok ka na. Sa susunod na bukas, walang pasok... Gusto mo bang lumabas?” tanong nya.

“hmm...oo” masayang sabi ko.

“sige sunduin na lang kita” sabi nya. Tumango na lang ako at tumalikod na, dahan dahan akong naglakad kasi may inaantay akong gawin nya, na madalas nyang ginagawa pero di na nya nagagawa nitong mga huling araw.

Bahagya akong lumingon pero wala Na sya sa likod ko. :( Nakalimutan na nya yung see you tomorrow hug ko...

******

“Oh nak andyan ka na pala, halika na at kumain. Ginabi ka na naman ibig sabihin nagdate na naman kayo ni Renz ano?” ang mama ko.

Napatingin ako sa linuto nya na nakahanda sa center table ng sala. At chicken, mabuti na lang at napigilan ko ang duwal ko kundi baka makahalata na sila mama.

“k-kumain na po ako ma, kumain kami ni Renz sa labas” pagsisinungaling ko at dali dali na akong umakyat na ako at pumasok sa kwarto ko.

(To: Renz

Renzy ko gusto ko ng ginisang atay please)

Lambing ko.

(From: Renz

Busy ako sa lectures ko)

Napasimangot ako sa isinagot nya at naibagsak ang cellphone ko.

Kainis, pati pagbili nya ng gusto ko di na rin nya magawa.

Ano ba kasi talagang problema?

(From: 09*********

Hi Missy)

Ha? Sino to? Teka...Missy?

(To: 09*********

Trax?)

Wala pang isang minuto tumunog na naman ang cp ko.

(From: 09*********

The one and only ;) )

Hindi na ako nagreply at tinext agad si Renz.

(To: Renz

Ano ng ginagawa ng Renzy ko?)

Agad kong tinignan ang cp ko ng tumunog, pero nadisappoint ako ng si Trax na naman.

(From: 09*********

Wag ka ng umasang nagrereply sayo yung “SAWA” este “ASAWA” mo, busy sya may katawagan)

Naguluhan ako sa sinabi nya.

(To: 09*********

Anong ibig mong sabihin?)

Sa hindi ko malamang dahilan, kumakabog ang dibdib ko sa kaba, kabang baka hindi ko magustuhan ang sasabihin nya.

(Unregistered number calling...)

Magdadalawang isip pa ako kung sasagutin ko o hindi pero sa bandang huli sinagot ko na lang din.

“anong sinasabi mo?” bungad ko

(Nothing much Missy, kung ako sayo tatawagan ko sya ngayon bago pa nyang maibaba ang tawag nya sa iba) makahulugang sabi nya saka pinatay ang tawag.

Kahit na nanginginig ang kamay ko idinial ko number ni Renz at tinawagan sya.

(The number you are trying to reach is currently busy, please try your call later...)

Hindi, hindi totoo ang naiisip ko ngayon siguradong mali ang nasa isip ko.

Mali ang hinala mo Rea.

*********

-Author P.

    people are reading<A Prelude to Marriage>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click