《A Prelude to Marriage》Chapter 4.

Advertisement

“dali, dali upo ka jan!” excited na sabi ko at pinaupo si Renz sa bench.

Lunch time na namin at dinala ko sya dito sa rooftop garden.

Pansin ko kasing mas nagiging pagod na sya this past few days dahil malapit na ang championship ng soccer team. Ni hindi na nga nya ako nadadalaw sa bahay eh at pag magkasama naman kami madalas tulog sya, pero ok lang naiintindihan ko naman sya.

“Rea dahan dahan hindi ka na lang mag-isa sa katawan mo ngayon” suway nya.

“oo na po, tignan mo to Renz andami kong niluto para sayo” masayang sabi ko at isa isang linabas ang mga linuto ko.

“talaga? Nagluto ka?” tanong nya.

“mhm. Ayan ha? Ikaw ang unang makakatikim ng luto ko” masayang sabi ko at kinuha ang kutsara “oh, say aaahh” sabi ko at itinapat ang kutsarang puno ng pagkain.

Ngumanga naman sya kaya masaya ko syang sinubuan.

Habang ngumunguya sya nakatitig lang ako sakanya, at inaantay ang sasabihin nya.

“*cough* cough* tubig ” sabi nya habang umuubo ubo, dali dali ko namang iniabot ang tubig sakanya.

“ok ka lang ba?” tanong ko.

Pagkatapos nyang uminom bumuga sya ng hangin.

“Gusto mo ba akong patayin sa alat?” inis na sabi nya.

Napayuko ako sa sinabi nya.

“Napaalat ba? Sorry alam mo namang ngayon lang ako magluluto.” sabi ko

“Di bale na, pupunta na ako sa practice. Wag mo ng kainin to, ibibili na lang kita makakasama yan sa baby” nagmamadaling sabi nya habang inaayos yung gamit nya saka tumakbo na paalis.

Nakasimangot lang ako habang napatingin sa papalayong si Renz. Busy na nga talaga sya, gustuhin ko mang magtampo pinipigilan ko na lang kasi alam ko nahihirapan din si Renz sa sitwasyon namin.

Lalo pa ngayon pagod sya sa practice, pagod pa sya sa part time job nya at sa pag-aaral nya.

Advertisement

Ako? Okay lang naman, medyo hirap nga lang sa pagkain dahil madalas isang subo ko palang nasusuka na ako.

Hinawakan ko yung tiyan kong may umbok na.

“Baby wag magtatampo kay daddy ha? Nahihirapan din sya gaya natin okay?” sabi ko.

“Uy! Missy!!!!” napalingon ako sa sumigaw...at sya na naman. Yung nagpunta sakin sa clinic nun?

“Ikaw na naman?” sabi ko ng nakalapit sya.

“yup. Ako na naman, nga pala call me Trax, Trax John Jimenez” pakilala nya at in-extend nya ang kamay nya pero di ko tinanggap kaya binawi din naman nya.

“di ba sabi ko sayo may bf na ako at seloso ang bf ko?” sabi ko

Dati kasing umuwi ako mag-isa nakasalubong ko uli sya at nakikipagkaibigan. May practice si Renz nun ng soccer.

“at ang sabi ko sayo... Eh ano naman? Makikipagkaibigan lang naman eh. Uy pagkain! Sakto gutom na ako pakain ah” sabi nya at kinain ang niluto ko para sana kay Renz.

“ANO BA?! PARA SA BOYFRIEND KO YAN!” sigaw ko.

“mukha namang di nya kinain eh..mmm sharap, ikaw ba nagluto nito? Ang galing mong magluto ah” puri nya na nakapagpatigil sakin.

“masarap? Hindi ba maalat?” tanong ko

“Hmm...ok lang para sakin dahil mahilig ako sa maalat hehe uhm...sharap sharap” sabi nya pa at sarap na sarap nga sa niluto ko.

Napangiti ako sa ginawa nya.

“ganon? Sige iyo na lahat yan” sabi ko at ibinigay sakanya lahat.

“talaga? Wala ng bawian ha? Akin na to lahat” nakangiting sabi nya, natatawa ako sa hitsura nya dahil punong puno ang bibig nya haha.

“haha dahan dahan marami yan di ka mauubusan” paalala ko.

********

“Hayy” hinga ko pagkaupo ko sa upuan ko, agad namang humarap sa akin si Riri.

“Hoy babae, dahan dahan sa pag-upo pwede?” paalala nya

Advertisement

“oo na po” sagot ko.

“maiba ako, bakit parang bihira na lang dumikdik sayo yung Renz na yun?” tanong nya

“Busy na sa practice eh, atsaka may part time job pa sya.” sagot ko tumango tango naman sya.

“Hayaan mo mame Rea, ako muna ang sasama sama sayo pag wala sya, intyendes?” nakangiting sabi nya.

“Sure Dade este mame Riri” nginitian nya ako at nagtawanan na lang kami.

*********

“Rea Tara na sabay na tayong umuwi” aya ni Riri.

“ah sige pero daan muna tayo sa field, dadaanan ko si Renz ” nakangiting sabi ko.

“hayy love is life haha Tara na nga” sabi nya sabay akbay sakin at pumunta na kami ng field.

Pero di ko inaasahan ang nakita ko...

Si Renz may kakulitan sya babae, ang saya saya nila. Yung babaeng taga ibang section na pinupunasan yung pawis ni Renz habang umiinom naman ng tubig si Renz. Tapos nung nag-uusap sila ang laki laki ng mga ngiti nila.

“patay!” rinig kong sabi ni Riri.

“MISSY ILAG!” napatingin ako dun sa sumigaw pero ang nakakuha ng atensyon ko ay yung bola ng baseball na papunta sa gawi ko.

Napapikit na lang ako at inaantay yung bilang tatama sakin pero mga kamay Ang naramdaman kong bumalot sa akin at katawang pumrotekta sa akin.

“Ah!” daing nya.

Pagmulat ko si Trax...

“T-Trax o-ok ka lang ba?” tanong ko.

“ok lang, ikaw ba? Nasaktan ka ba?” tanong nya at inexamine ako.

“ikaw nga tong natamaan eh” nag-aalalang sabi ko.

“Rea ok ka lang?” tanong ni Riri.

“oo” sagot ko at lumayo kay Trax

“Master, prinotektahan mo ang kaibigan ko salamat” sabi ni Riri at inakbayan ako.

“Wala yun, basta para kay Missy.” nakangiting sabi ni Trax habang hawak hawak ang balikat nya.

Yun siguro yung natamaan ng bola :(

“Captain, ok lang Ba kayo?” tanong hung isang player.

“oo, sa susunod mag-iingat ka sa pagbato, lalo pa't wala naman tayong practice” sabi nya.

Nagsasalita pa sana ako para sabihing pumunta na sya sa clinic pero may humila na sakin. Si Renz.

********

“R-Renz nasasaktan ako” sa wakas may nasabi na rin ako, kanina pa kasi nya ako hinihila pero di naman nagsasalita.

“SINO YUN HA?!” sigaw nya na ikinagulat ko.

“R-Renz...b-bakit ka ba sumisigaw?”

“Talagang masisigawan kita Rea! May mga natanggap akong pictures kanina lang, ikaw at ang lalaking yun. Sino sya ha?” galit na sabi nya.

Andito kami sa corridor ng mga club rooms, walang mga tao ngayon dito dahil may klase o di naman kaya ay busy para sa championship.

“Anong pictures?? Kakakilala ko lang sakanya kanina” sagot ko.

“Kanina? Di ba sya yung nagdala sayo sa clinic?” galit na sabi nya

Naiiyak na ako...

“Oo pero kanina lang sya nagpakilala, a-atsaka makikipagkaibigan lang naman sya eh.” halos pabulong na sabi ko at di ko na napigilang di maiyak.

“Nakikipagkaibigan? O nanliligaw?” sabi nya na puno ng kasarkastikuhan.

“ano bang mangyayari sayo Renz?” tanong ko pero tumalikod lang sya.

A-ano bang...n-nagyayari? Bakit...b-bakit ganito kami?

******

Author P.

    people are reading<A Prelude to Marriage>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click