《A Prelude to Marriage》Chapter 2.

Advertisement

Nagising ako ng may masakit na ulo, ng ilibot ko ang paningin ko nasa clinic pala ako. Dahan dahan akong bumangon.

“Gising ka na pala, kamusta pakiramdam mo?” tanong ng isang lalaking hindi ko kakilala.

“anong nangyari?” tanong ko.

“Ah, nabangga kita kanina sorry naglalaro kasi ako sa cp ko kaya di kita napansin. Grabe natakot ako ng mahimatay ka, masyado atang napalakas ang pagkakabangga ko sayo” sabi nya.

Ang daldal nya :(

“Ok na ako, salamat sa pagdala sakin dito” sabi ko at tatayo na sana ng muntik akong matumba buti na lang naalalayan nya ako.

“Easy there missy” sabi nya at inalalayan ako pabalik sa kama.

“REA!” dumadagungdong ang boses ng isang lalaki na sumigaw ng pangalan ko...

Pag tingin ko si Renz, hinihingal sya at masama ang tingin sa amin. Agad akong napabitaw dun sa lalaking umaalalay sakin at napayuko.

“uh...aalis na ako mukhang andyan na ang kuya mo” Sabi nung lalaki at umalis.

Napatingin ako kay Renz at tinapunan sya ng masamang tingin ng makita kong ang sama sama ng tingin nya dun sa lalaking naghatid sakin dito sa clinic hanggang sa mawala na sya sa paningin nya. Ng ibaling nya ang tingin nya sakin inis akong humiga at nagtalukbong.

Narinig ko ang yapak ng mga paa nyang palapit sa akin.

“Rea...bumangon ka, okay ka lang ba?” puno ng pag-aalalang sabi nya.

“Ano bang paki mo?” pagsusungit ko.

“Tsk. Pasaway. Bumangon ka, mag-usap tayo”

“AYAW KITANG KAUSAP!” sigaw ko at tinalikuran sya.

“*sigh* babangon ka o papasukin kita jan sa kumot na yan? Bahala ka baka hindi mo magustuhan ang mangyayari” sabi nya na sa tinging ko ay nakangisi pa sya habang sinasabi yun.

Kaya dali dali akong bumangon at inis na sinuntok sya sa braso.

Natawa naman sya at yinakap ako.

Advertisement

“Kawawa anak ko sayo, baka lumaking gangster” sabi nya at hinaplos ang ulo ko.

Nagsisimula na naman akong maluha dahil sa narinig ko.

“Akala ko ba...ayaw mo?” sisinghot singhot na sabi ko.

“sinabi ko ba? Nagulat lang ako kanina”

“Eh bakit hindi mo ako pinansin buong klase?” maktol ko.

“Psh. Hindi ko namalayan napalalim ang iniisip ko at nakatulog, paggising ko nasa room na si ma'am at hinahanap ka. Saka ko lang nalaman na nandito ka sa clinic ng isabi ni Kevin kay ma'am” bahagya syang tumigil at tumingin sa akin.

“At ang nakakainis, umalis ako sa room kahit na magsisimula na ang klase tapos madadatnan ko ang misis ko may kasamang ibang lalaki” sabi nya kaya napatingin ako sakanya at yung itsura nya, parang batang naagawan ng kendi.

“kasalanan mo, di mo ako sinamahan kanina kahit nahihilo ako, natutulog ka lang dun sa desk mo” nakangusong sabi ko.

“Tss.. Napaka unloyal mong asawa” sabi nya at hinalikan ako saglit sa labi ko.

“At sinong nagsabing asawa mo ako?” biro ko.

“Ako. Pero, Rea. Yung baby...gano na ba sya katagal jan sa tiyan mo? Malalaman ba agad natin ang gender nya? Kambal ba?” sunod sunod na tanong nya.

“Siraulo, magdadalawang linggo palang excited lang?” sabi ko

“Tsk. Iwasan mo ang magmura o gumawa ng kahit na anong kabrutalan sa ngayon, Mamaya mamana ng anak ko yan. Kawawa naman” sabi nya at hinawakan ang maliit kong tiyan.

“Anak ko din to maka-Ko ka jan kala mo ikaw may dala” pagsusungit ko.

Pinisil nya ilong ko sabay halik sa pisngi ko.

“Ano ba, Mamaya may makakita, kanina ka pa eh” sabi ko at napalingon lingon.

“Wala may kalandian si sir Louis sa labas ng clinic nakita ko kanina, at wala din naman ibang tao dito kundi tayo” nakangiting sabi nya.

Advertisement

“oh? Anong ngiti yan?” sita ko.

Mas humigpit ang yakap nya at mas idinikdik ang mukha nya sa leeg ko.

“Wala, pahinga ka muna sasamahan kita dito sa clinic” Sabi nya at inihiga ako.

“di ka aalis? Eh yung iba pang klase?” sabi ko.

“Aaralin ko na lang Mamaya sa bahay, mas importante ka at ang baby natin” nakangiting sabi nya saka ako hinalikan sa noo.

Napangiti na lang din ako at pumikit na, ito ang minahal ko sakanya...

***********

“*Yawn* Renz” tawag ko sakanya. Naglalakad na kami ngayon pauwi, 20 mins walk lang naman ang layo ng bahay namin sa school. Sa katunayan, isang bahay lang ang pagitan ng bahay namin nila Renz.

“Mm?” sabi nya at napatingin sakin.

“Inaantok ako” nakangusong sabi ko.

“uh...gusto mong sumakay sa likod ko?” tanong nya, nagliwanag ang mukha ko at sunod sunod na tumango.

“Tss...parang bata” sabi nya saka umupo sa harap ko inilagay nya yung bag nya sa harap nya, agad naman akong sumakay sa likod nya. Ok lang Na umakto kaming ganito ngayon dahil nasa labas naman Na kami ng campus at wala ng mga estudyante sa paligid.

Tumayo na sya at inayos ang pagkakapasan sakin. Inihilig ko ang ulo ko sa malapad nyang likod at pumikit.

****

Pagkadating nila sa bahay ni Rea, kahit hirap ay nagawa paring magdoorbell ni Renz, pasan pasan nya parin si Rea at tulog na tulog ito sa likod nya.

Pinagbuksan sila ng pinto ng mama ni Rea.

“Magandang hapon po tita” bati nya

“Oh Renz, naku tong batang to pinahirapan ka na naman ba?”

“Hindi naman po tita, pwede ko na po ba syang ipasok? Idederetso ko na po sya sa kwarto nya” paalam nito.

“ay sige sige wala pa kasi ang papa nya eh, pasensya na hijo ha?”

“ok lang po” nakangiting sabi nya at ipinasok na nga si Rea.

Marahan nyang inilapag si Rea sa kama at hinalikan ito sa noo saka lumabas.

“Buti na lang talaga Renz at ikaw ang nobyo ng anak ko, halatang alagang alaga sya sayo” nakangiting sabi nito, ngiti lang ang isinukli niya

“Magpapaalam na po ako tita, padilim na rin po kasi” paalam nya

“Ay, ayaw mo bang dito na maghapunan?”

“hindi na po pakisabi na lang po kay Rea na tawagan ako pagkagising nya. Una na po ako”

“ah osige ingat ka” sabi nito.

Umuwi na nga si Renz.

    people are reading<A Prelude to Marriage>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click