《A Prelude to Marriage》Chapter 1.

Advertisement

“R-Renz...b-buntis ako” kinakabahang sabi ko, ni hindi ko sya matignan.

“s-sigurado ka?” hindi makapaniwalang sagot nya.

Napatingin ako sakanya at nakita ko ang hindi siguradong expression sa mukha nya.

“Bumili ako ng pregnancy test...p-positive ang lumabas” halos pabulong na sabi ko pero di sya umimik.

Kasalukuyan kaming nasa rooftop garden ngayon kung saan kami palaging nagpupunta ng boyfriend kong si Renz.

“Pero minsan lang nating ginawa!” medyo napataas ang boses nya kaya napatingin na ako ng diretso sakanya.

“Pero nangyari na Renz! M-may nabuo na” sabi ko at napahawak sa tiyan ko.

“hindi pwede to” frustrated na sabi nya at napahilamos pa sa mukha nya.

Hindi ko na napigilan ang mga luha ko.

Ako si Soffie Andrea Valdez, 4th year high school. Simula elementary first honor ako, pero ng maging kaklase ko si Renz naging second honor na lang ako nung 1st year, madalas kaming maging magkakumpetensya sa kahit saan. Magaling sya sa soccer, ako naman sa tennis. Hindi ko alam kung paanong napalapit kami sa isa't isa at nagkahulugan ng loob, pero nagising na lang kami mahal na namin ang isa't isa. Payag naman ang mga magulang namin sa relasyon namin, basta di namin mapapabayaan ang studies namin.

Walang ibang nakakaalam sa relasyon namin sa school, madalas patago kami kung magdate...kaming dalawa Ang nagdesisyon ng ganong set up...para hindi ako guluhin ng mga fans ni Renz.

Dalawang linggo na ang nakakalipas mula ng may mangyari samin, sa camp kung saan nastranded kaming dalawa sa isang warehouse dahil lumakas ang ulan.

“Bakit...bakit ganyan ang reaksyon mo?” humihikbing tanong ko.

“Nagsisisi ka ba? Ayaw mo na ba sakin?” sabi ko at sinuntok sya sa braso nya.

Bumuntong hininga sya at yinakap ako.

“Shhh... Wag mong sabihin yan. N-nagulat lang ako, at...masyado pa kasi tayong mga bata para maging magulang kaya...” hindi ko sya pinatapos at kumalas sa pagkakayakap nya.

Advertisement

“So anong gusto mong sabihin? Ha? Hindi mo ako pananagutan?” todo na ang pag-iyak ko.

“Ngayon naiisip mong bata pa tayo pero ng ginawa natin sabi mo magiging responsable ka sa lahat ng mangyayari. Eh ano to ngayon?” tumataas na ang boses ko.

“Rea hindi yun ang...” sinubukan nya akong hawakan pero hinawi ko.

“Wag mong panindigan kung ayaw mo, tutal hindi mo naman talaga ako mahal di ba?!” inis na sabi ko at tumakbo na palabas, tinawag nya ako pero di na ako lumingon.

*******

Pagkarating ko sa room agad akong umupo sa upuan ko.

“uy, kamusta? Anong sabi nya?” tanong ni Riri ang bestfriend ko. Ang unang nakaalam sa sitwasyon ko ngayon.

“Riri” tawag ko at nagsimula na namang magtubig ang mga mata ko.

Agad naman nya akong yinakap at isiniksik ang mukha ko sa leeg nya.

“hayys tama na makakasama yan sa baby mo” bulong nya sakin.

“Riri...anong gagawin ko?” maktol ko.

“ano ba yan, magsyota ba sila? Dito pa talaga sa room naglalandian” sabi ng isa sa mga kaklase naming babae kaya napahiwalay ako kay Riri.

Babae si Riri pero kung kumilos sya at mag-ayos parang lalaki. Kaya madalas mapagkamalan syang tomboy, nakadagdag pa ang palagi kaming magkasama.

Dumating si Renz sa room pero ng magtama ang mga mata namin, nag-iwas agad sya kaya nakadagdag pa yun sa inis ko.

*************

Ng magring ang bell, agad akong tumayo.

“kuha lang ako ng tubig” paalam ko.

“Samahan na kita?” aya ni Riri, pero ngumiti lang ako at umiling.

Napatingin ako kay Renz na nasa harapan lang ng upuan ko, nakadumog sya sa desk nya at parang natutulog. Para bang wala lang sakanya ang sinabi ko kanina, wala ba talaga syang pakialam?

Inis akong lumabas ng classroom at nagpunta sa igiban ng tubig.

Advertisement

Habang naglalagay ng tubig nakakaramdam ako ng hilo. Tsk. Napagod ata ako kakaiyak kanina.

Pagkasara ko ng inumin ko ay tumalikod na ako para bumalik sa room namin pero di ko namalayan may kasalisi pala ako ayun, nabangga ko sya at napaupo ako sa sahig. Umikot ang paningin ko.

“Miss, sorry ok ka lang ba?” rinig kong sabi ng isang boses pero nahihilo na ako kaya hindi ko sya masagot.

Dumilim ang buong paligid ko at ang huling naramdaman ko ay lumulutang ako.

******

Kagigising lang ni Renz ng muling magring ang bell, pumasok ang guro at nag-attendance.

“Nasan si Andrea?” tanong nito

Naguguluhang napatingin si Renz sa likuran nya at hinanap si Rea pero wala ito duon.

“Good morning ma'am sorry I'm late, pinapasabi po ni Sir Louis paexcuse daw po muna si Andrea ” sabi ng isang kaklase nila

“Napano si Rea?!” Puno ng pag-aalalang tanong ni Riri.

Dahil ang nasabing guro ay ang school doctor ng clinic nila.

“Nahimatay daw matapos mabangga ng isang lalaki” balewalang sagot nito at umupo sa upuan.

Mas mabilis pa sa alas kwatrong tumayo at tumakbo palabas si Renz para puntahan si Rea.

Tinawag sya ng guro pero hindi na sya nagpapigil pa.

********************

BOA Entry #01.

    people are reading<A Prelude to Marriage>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click