《Every Letters, Every Words (Collection of One-Shots)》Letters and Words #17

Advertisement

"Leah, kausapin mo naman na ako."

Narinig ko ang nagsusumamong tinig ni Sam mula sa malayo. Huminga ako ng malalim at binilisan pa lalo ang paglalakad papunta sa susunod kong klase. Dapat kasi ay hindi na ako nag-cr at sumabay na kay Ara sa paglalakad.

Nagitla ako nang may humawak sa aking braso. Dahil sa gulat ko na rin ay napilipit ko 'yung kamay ng humawak sa akin. Manggulat ba naman?

Nang makita ko ang mukha nang taong gumulat sa akin ay mabilis akong napabitaw at lumayo. Nanlalaki ang mga mata ko habang nasisilayan ko kung paano mapahawak si Sam sa isa niyang kamay na napuruhan ko habang may kunot sa noo sa kanyang maamong mukha.

"I-I'm sorry. Dapat kasi ay hindi mo 'ko ginulat ng ganoon." Paghingi ko ng tawad sa kanya. Lumingon siya sa akin at inisang hakbang ang aming pagitan.

He was staring at me intently until he suddenly caressed the tip of my hair. Hindi na ako nakaangal pa. Damn, I know this is wrong. Maling-mali pero ipinagpapatuloy ko pa rin. Namin.

Lumipas ang ilang segundo nang pabulong siyang nagsalita.

"Why can't I have you?" he uttered. Napalunok ako at napaiwas ng tingin. Ayokong ma-tempt ako at gawin ang hindi ko dapat na gawin.

Dahan-dahan akong lumayo muli sa kanya ng ilang dipa. Bumuntong-hininga siya at pumikit ng mariin. Pain is evident in his eyes. Maski ako ay nasasaktan din sa aking nakikita.

"Alam mo kung bakit, Sam. Alam mong ayokong masaktan ang kaibigan ko. Ayokong masaktan si Ara." Ani ko sa kanya. Marahas siyang nagmulat ng kanyang mata at tinuro ang kanyang dibidb.

"At pinili mo ang saktan ako? Leah, I know you have feelings for me, too. Please, huwag mo namang ikaila at ibaon iyon sa limot para lang sa kasiyahan ng ibang tao." Giit niya. My fist balled. I cannot handle this pain building inside of me.

Advertisement

"Hindi iba sa akin si Ara, Sam! I don't want her to suffer and show hatred at me for choosing my feelings over hers! Masakit din sa akin ito—"

"Then why can't you just choose me? If she's your true friend, she'll never thought that you're betraying her and will just let go of her feelings towards me!" mas lalo niya pang iginiit. Tears started rolling down his cheeks.

"Hindi, Sam. Hindi iyon ganun kadali. My friendship with her took almost five years and my feelings for you started only in a year. Siya? She's two years in love with you! At hindi ako ganoon ka-inconsiderate na kaibigan para balewalain lang ang nararamdaman niya. Because if we're switch with my position, she'd also choose to mind my feelings than herself. Why I know? Because she did the same way, too with my ex."

---

Sinong naka-miss ng UD sa ELEW? Hahahahaha.

Ang in-active ko po kaya pasensya na.

By the way, asahan niyong mag-uupdate na ako rito kapag may load ako. Stay tune!

Leave your .

Labyuuuuuu.

    people are reading<Every Letters, Every Words (Collection of One-Shots)>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click