《Every Letters, Every Words (Collection of One-Shots)》Letters and Words #14
Advertisement
| Confess |
"Go, Dwight!"
Sabay-sabay na sigaw ng mga kaklase ko kay Dwight, ang main guitarist ng banda nilang 'The Chosen Beats' na ka-section namin.
Matagal ko ng crush si Dwight pero hanggang ngayon ay hindi niya pa rin niya alam. Hindi ko masabi-sabi sa kanya ang patungkol doon dahil lagi akong napapangunahan ng takot na baka lumayo siya sa akin.
Kaibigan ko si Dwight at ayokong dahil lang sa pagkakataong sasabihin ko ang pagkakagusto ko sa kanya ay baka layuan niya na ako at matuldukan na ang pagkakaibigan naming dalawa.
Aalis na sana ako sa school grounds kung saan ipinagdiriwang ng aming school ang talents festival ay bigla na lamang may humawak sa aking kamay.
Tinignan ko ang taong humawak sa aking kamay at nakita ko lamang si Dwight na sinserong nakatingin sa akin.
Napalunok ako at iniiwas ang aking paningin sa kanya.
"Saan ka pupunta, Vhia? Magsisimula na kaming tumugtog. Manood ka, ah?" sabi niya at pinaharap niya ako sa kanya tsaka niya ginulo ang aking buhok.
Ganyan siya lagi. Kahit naman nasaan kami ay lagi niyang ginugulo ang buhok ko.
Napatingin ako sa aking paligid at nakita ko na maraming mga babae ang masasama ang tingin sa akin.
"S-Sige, aalis lang ako sandali." nasabi ko na lamang sa kanya at mabilis na tumalikod sa kanyang gawi bago ako tumakbo papalayo.
Nagtungo ako sa hardin ng aming paaralan kung saan una kong nakilala si Dwight.
Sariwa pa sa aking mga alaala nu'ng araw na kinausap niya ako. Natural na ang pagiging palatawa at ang pagiging magaling niya sa pagkanta at pagtugtog ng gitara kaya doon ako unti-unting nahulog sa kanya.
Hindi naman siya ang ideal man ko. Ang ideal man ko kasi ay yu'ng misteryoso at magaling sumayaw. Ni isa nga doon ay wala si
Advertisement
Dwight kaya hindi ko alam kung matatawag ko na ba itong pumapag-ibig o ano.
"Iniisip mo na naman siya, no?" rinig kong sabi ng isang lalaki sa aking likuran kung kaya ay lumingon ako at nakita ko si Mikael doon, isa sa mga masusugid kong manliligaw.
"Sino bang sinasabi mo?" tanong ko sa kanya.
Lumapit siya sa aking gilid at saka mariing pumikit at dinama ang hangin na dumampi sa aming mga mukha.
"Hindi ba at si Dwight iyon?" mahinahon niyang sabi at pasimple akong ngumisi sa kanyang gilid.
"Titigilan ko na ang panliligaw ko sa iyo, Vhia. Hindi dahil sa hindi na kita mahal kaya titigil na ako sa panliligaw sa iyo pero dahil sa tingin ko ay mas sasaya ka kung siya ang mamahalin mo." sabi niya at saka humarap sa aking gawi kung kaya't humarap din ako sa kanya.
"Hindi nga niya ako gusto. Mahal ko siya pero mahal niya naman ako bilang kaibigan lang niya. Hindi rin naman ako ang tipo niya kaya hindi na ako aasa pang pwede kami." sabi ko at nagulat ako ng may magsalita sa gilid namin ni Mikael.
"Hindi nga ba talaga gusto o nahulog na pala sa iyo ng husto?"
Ang boses na iyan. Si Dwight.
Humarap ako sa kanya gayundin si Mikael na nakangiti na sa aming dalawa.
"Mauuna na ako, brad. Pero tatandaan mo, tumigil lang ako, hindi pa sumusuko. Dahil sa oras na saktan mo siya, patawad na lang at kukunin ko siya sa iyo ng lubusan." sabi ni Mikael at tinapik sa balikat si Dwight at naglakad na papalayo.
Dahil sa sobrang pagkalito ay agad kong tinanong si Dwight.
"A-Anong pinagsasabi mo? At bakit ganoon magsalita si Mikael?" tanong ko kay Dwight ngunit sinuklian niya lamang ako ng kanyang pamatay na ngiti kung kaya'y halos manghina ang aking tuhod.
"Ang slow mo talaga, Vhia. Ang hirap tuloy ipaliwanag sa iyo yu'ng ibig kong sabihin kanina." sabi niya habang kinakamot ang kanyang ulo.
"Ano ba kasing ibig mong sabih--"
"Hindi na ako mapapadalus-dalos pa. Mahal kita, Vhia. Hindi lang bilang isang kaibigan kundi bilang isang ka-ibigan."
At tuluyan na akong nanghina ng husto.
, asti
Advertisement
- In Serial8 Chapters
The Last Druid
Flora was hiking when her best friend, Cassie, after her friend went through a rough breakup from a long term relationship when their entire world was turned upside down. Now, Flora has to find Cassie in a foreign realm all while realizing it wasn't coincidental that she ended up there. Caught between surging tensions, Flora finds herself chasing her friend and being pulled back by her first true lover who isn't willing to share.
8 205 - In Serial63 Chapters
Mana-Script
When a holographic diary is found in a ruined building, the story of one of the greatest groups to ever live unfolds; the highs and lows, the hookups and heartbreaks, the comedies and tragedies. Mana-Script is the story of friends moving through life and living in a fantastical world. I am hoping to update this whenever I can, usually about 3 times a week.
8 93 - In Serial9 Chapters
Geist
Once an abandoned orphan living in the slums, John Smith was conscripted by powers that be as one of countless recruits supporting Humanity relentless expansion into the stars and beyond. However, series of unexplained catastrophes pushed Humanity to the brink of extinction. Being a (un)lucky recruit, John Smith was thus thrusted into the very forefront of secret wars across space and time. How would John Smith survive the onslaught? Greetings! This is another story I intend to continue albeit at irregular update schedule although it is planned to release at least one chapter per week. Chapter length varies from 2K to 3K words per elapsed day and will contain grammar mistakes. Please understand that there will be mistakes. Original image credited to geralt (pixabay.com) and subsequently modified.
8 203 - In Serial11 Chapters
Wildfire (a Stiles Stilinski fanfic)
"Oh well I'm Persephone-" Stiles interrupted me. "Like the goddess?" "Um yeah I guess," a say. He quietly muttered "Lord knows she looks like a goddess," but I still heard it which made me blush. "But everyone calls me Seph."
8 133 - In Serial29 Chapters
Dance Machines [JhopeXLisa]
Two great dancers meet, what could possibly happen? So, I wanted to try something new, it's not a common ship, so I wanted to try it, a Blackpink Lisa and BTS Jhope Fanfic. Why not? I also found a great opportunity, because they're both great/amazing dancers, in their groups. Plus, they're both playful and are sun shines. Well, for me that is.
8 206 - In Serial9 Chapters
BROKEN-A SWASAN FS✔️
Its on 6 month separation trackIn this ts... Swara left sanskar for 3 months not because of any fight but because of some reasonEveryone believed sanskar except for her whom he thought would never mistrust himBut why did this happened To know more peep inside❤
8 118

