《Every Letters, Every Words (Collection of One-Shots)》Letters and Words #13

Advertisement

| Usapang Torpe |

Pumasok ako sa classroom na nakapaskil na sa aking mga labi ang ngiti at pagka-excite.

"Mukhang maganda umaga natin, ah?" mapang-asar na tanong ni Raico sa akin kung kaya'y inirapan ko siya at tsaka tinungo ang aking upuan sa bandang gitna ng aming classroom.

Mang-aasar na naman ang lalaking iyon! Ha, anong akala niya sa akin, magpapa-apekto sa kanya? Pwes, hinding-hindi ako magpapa-apekto sa kanya lalo pa't maganda ang araw ko ngayon. Ayokong mabahiran ng pagkairita ang mukha ko kung kaya'y kailangan ko na lang siyang iwasan.

Napatuwid ako ng upo ng magsidatingan na ang iba naming mga kaklase at ang pagdating ng aming striktong teacher sa Filipino.

"Magandang umaga!" seryosong sambit ng aming guro at gaya ng nakagawian ay tumayo kaming lahat tsaka yumuko at bumati rin.

"Magandang umaga, guro!" sabay-sabay naming sabi bago kami umupo sa aming mga upuan. Nasa likod ko lang si Raico kung kaya'y dinig na dinig ko ang pagtawag niya sa aking pangalan kahit na nagsasalita ang aming guro sa harap.

"Shaina." mahina niyang bulong mula sa aking likuran. Hindi ko na lamang iyon pinansin ngunit paulit-ulit pa niyang tinatawag ang pangalan ko at ginagalaw na rin niya ang aking upuan kung kaya'y inis akong lumingon sa kanya.

"Magtigil ka, Raico kundi ay--" hindi ko na natuloy pa ang sasabihin ko ng pumagitna ang aming guro sa pagitan ng aming upuan ni Raico at nakataas ang kilay niya kaming tinignan.

Napapikit na lamang ako. Pakiramdam ko ay mapapatay ako ng katarayan ng aming guro kung kaya'y napayuko na lamang ako at hindi agad nakapagsalita.

"Nagtuturo ako sa harap ngunit bakit kailangan niyong mang-gambala sa kalagitnaan ng aking pagtuturo? Ganyan ba ang isa sa mga ugali ng mga estudyante?" saad ng aming guro at pareho kaming tinignan ni Raico.

Advertisement

"Ganito po ang ugali ng isang torpe, mahal na guro. Nagpapapansin sa taong kanyang gusto kahit pa sa kalagitnaan ng inyong pagtuturo." halos makatang sabi ni Raico kung kaya'y taka ko siyang tinignan mula sa aking pwesto.

Ano bang pinagsasasabi niya?

Lalo pang tumaas ang kilay ng aming guro na parang maaalis na ito sa kanyang noo sa sobrang taas.

"Kung gayo'y, bakit mo pa kailangang magpapansin sa taong gusto mo kung maaari mo namang sabihin ito sa kanya ng direkta?" saad ng aming guro at hindi ako makapinawalang tinignan siya. Bakit nagtatanong ng ganyan ang aming guro?

Nilibot ko ang aking tingin sa lahat ng aking mga kaklase ngunit sa amin din sila nakatingin. May ibang kinikilig. May iba namang nagbubulungan at walang pakialam sa kanilang paligid.

Nang tignan ko naman si Raico ay sakto naman na tumingin din siya sa akin kung kaya'y umiwas agad ako ng tingin at pasimpleng lumunok.

Hindi ko alam kung ano itong bagong nararamdaman ko sa aking puso. Parang kakaiba ang tibok nito at wala ito sa normal niyang estado. Mabilis ang bawat pintig na tila ba'y hinahabol ako ng napakaraming kabayo.

"Ayoko lang po kasing masaktan, aming guro sa kung ano mang sasabihin ng taong gusto ko pagkatapos kong sabihin na gusto ko siya sa kanya. Bago lang po kasi ang pakiramdam na nararamdaman ko, aming guro kung kaya'y hindi ko pa sigurado kung siya nga ba talaga. Ngunit handa na po akong magpakatapang, aming guro, masabi lamang sa kanya ang aking nararamdaman. Ayoko na pong maging mahina pa at hayaan na lang na iba ang pumasok sa puso niya. Kaya, Shaina, gusto kita."

Mahaba niyang saad at naiwan na lamang akong nakatulala sa mga mata niyang sinserong nakatingin sa akin. Kung gayo'y, ako ang taong kanyan g-gusto?

Nahihiya akong tumingin sa aming guro ngunit mas lalo pa akong napatulala sa kanyang huling sinabi.

Advertisement

"Mabuti at nasabi mo na sa kanya ang nararamdaman mo. Mas maganda kasing mas maaga mong sinabi kaysa ang maging huli na ang lahat at mawala na ang pag-asa mo sa kanyang puso." sabi niya rito at tsaka niya tinapik sa balikat si Raico.

"Sana ganyan lahat ng lalaki. Hindi torpe o mahina ang loob na sabihin sa taong gusto niya na gusto niya ito. Hindi katulad niya na hindi agad sinabi sa akin na gusto niya ako dahil naging huli na ang lahat," dumausdos ang luha mula sa mata ng aking guro at kita sa kanyang mga mata ang hinanakit at poot na kanyang nararamdaman.

"Dahil wala na ang pag-asang meron siya. Dahil may asawa na ako."

Hindi nga lang humugot ang aming guro kundi totoo talagang nangyari sa kanya ang ganoon.

Hindi naging sila ng taong gusto niya dahil nagpaka-torpe ito.

***

    people are reading<Every Letters, Every Words (Collection of One-Shots)>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click