《Every Letters, Every Words (Collection of One-Shots)》Letters and Words #11

Advertisement

Dedicated to: Ate Angel Shi (AestheticBijj)

| hate me, love me |

"Ano bang problema mo?!" maangas kong tanong nang magkabanggaan kami ni Zicarion dito sa hallway.

Maraming mga estudyante sa paligid. May ibang nagkukwentuhan, naglalandian, o kaya'y mga nagpapaka-ewan.

"Ikaw." kalmado niya namang sabi kaya lalong uminit ang ulo ko. Noong nakaraang araw ay natapunan niya ako ng juice at ngayon, ito naman?

Kita ko ang ngisi sa mga pagmumukha nang mga ka-team mates niya sa basketball kaya't pinagtaasan ko sila ng kilay. Mga mukhang tsonggo na walang magawa sa buhay, pwe!

"Hoy, lalaking pangit, huwag na huwag mo na ulit akong pagdidiskitahan dahil isang beses pang gawin mo iyon, kamao ko na ang magiging karma mo." sabi ko sa kanya at napa-ohh naman ang mga kasama niya. Kita ko naman sa mukha niya ang pagkamangha. Huh! Anong akala niya, magtatago ako sa kung saan dahil sa takot? Pwes, nagkakamali siya kung ganoon.

"Pangit? Hmm, let's see. Oh wait, iniimbitahan nga pala kita bukas sa laro namin, manood ka, Angelica Sharmez." huli niyang sabi bago ako nilagpasan at ng mga kasama niya.

Napakuyom na lamang ako sa aking kamao at walang pakundangang sumigaw kahit na maraming tao sa paligid.

"Matalo sana kayo, Zicarion Taredo, mukhang tarantado!" sigaw ko at mahigpit na hinawakan ang strap ng backpack ko ng makitang winagayway niya lang ang kamay niya sa ere at lumiko na panganan.

"O, ano pang tinitingin-tingin niyo? Ang tsitsismosa niyo!" asik ko sa mga nakapaligid sa akin at mukhang nagbubulungan. Agad naman silang umalis at iyong iba ay halos mawalan na ng kulay sa mukha dahil sa pagsigaw ko.

Pumasok na lamang ako sa klase ko ngayong araw ng may init sa ulo at kunot-noo sa mukha. 'Yang Zicarion talagang iyan, ang sarap ipatiwarik sa punong maraming langgam!

Advertisement

Iniimbitahan niya ako sa laro nila bukas? Pwes, pupunta ako para makita ang pagkatalo niya!

***

Maingay ang paligid habang ako ay nakaupo lang dito sa bleachers ng covered court.

Boring lang akong nanonood nang laro ng lalaking iyon at hinihintay ko na lang na i-announce na talo sila.

"Go Papa Zicarion!" sigaw 'nung katabi kong babae kaya't agad akong napatakip ng aking tenga. Ang ingay, akala mo maririnig naman 'nung pangit na lalaki na iyon 'yung sinisigaw niya.

Lumipas pa ang ilang minuto at in-announce na nga ang nanalo.

"Our champion for this year is Blazing Phoenix!" umingay nang todo ang buong court habang ako nama'y nanlulumo.

Panalo sila, panalo ang pangit na iyon! Marahas akong tumayo at sumingit na lamang sa mga taong nakaharang sa daan papalabas ng court. Umiinit na naman ang ulo ko. Ha! Kakarmahin din ang lalaking iyon, tandaan niya!

"A-N-G-E-L-I-C-A!" rinig kong cheer ng pep squad ng school namin. Wait, spelling iyon ng pangalan ko, ha?

Napalingon ako sa harap pero naroon pa rin ako sa gitna, malapit sa entrance ng court. There is something here, nararamdaman ko iyon.

Lahat ng mga tao sa court ay bigla na lang pumagilid kung kaya't nakikita ko sa gitna si Zicarion, na may hawak na bulaklak at teddy bear sa kamay niya. Humakbang siya papunta sa akin kung kaya't agad akong nanigas sa kinatatayuan ko. Ibibigay niya ba sa akin iyan?

Malapit na siya sa akin pero bigla akong nakaramdam ng kung anong masakit sa may bandang dibdib at ulo ko kung kaya't napaupo ako.

Hindi ako makahinga. Wala akong makita. Madilim lang ang paligid at nakayapos lang ako sa sarili ko. Ayokong mag-isa. Ayokong maalala ulit iyon.

"A-Anak? Anak! Doc! Doc!"

Napamulat ako nang aking mga mata. Noong una ay hindi pa malinaw ang paligid pero naging malinaw na rin iyon makalipas ang ilang segundo.

Advertisement

Nakikita ko si mama sa harap ko habang pinupunasan niya ang kanyang mga mata ng isang panyo.

Biglang may dumating na mga nurse at doktor, ayon sa kanilang mga suot, at agad nilang tinignan ang kalagayan ko.

"M-Ma?" mahina kong bulong ngunit narinig pa rin iyon ni mama at dagling pumunta sa tabi ko.

"Nasaan po si, Z-Zicarion, ma?" tanong ko kay mama at kita ko ang bakas ng pag-aalala sa kanyang mukha.

"A-Anak, mamaya na lang tayo mag-usa--" hindi ko na pinatapos pa ang sasabihin ni mama at agad akong nagsalita.

"N-Nasaan siya, ma? Umalis ba siya o may kinuha lang sa labas?" tanong ko kay mama at bigla na lamang niya akong niyakap.

"Anak, p-patay na siya. Binigay niya ang p-puso niya sa iyo dahil maaari mong ikamatay ang malaking butas sa puso mo." nabingi ako sa aking narinig mula kay mama.

Parang may nakabarang malaking tinik sa lalamunan ko at hindi ko na halos makayanan ang sakit.

B-Bakit? Bakit niya binigay ang puso niya sa akin? Bakit siya namatay kung kailan hindi na isang kaaway ang tingin ko sa kanya kundi pagmamahal na?

***

Thank you for reading and for supporting!

    people are reading<Every Letters, Every Words (Collection of One-Shots)>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click