《Every Letters, Every Words (Collection of One-Shots)》Bless the Broken Road (Part 4)

Advertisement

Natatawa ako habang inaayusan ako ni Angel, 'yung weird na batang nakita ko noon sa park, dahil hindi pantay ang pagkakalagay niya ng koronang puno ng bulaklak sa aking ulo.

"Pangit ba ate kaya ka natatawa?" naka-pout na tanong ni Angel kaya agad ko siyang kinurot sa kanyang pisngi.

"Hindi naman, baby, nacucute-an lang ako sa nilagay mo sa ulo ko." sabi ko sa kanya kaya agad naman siyang napangiti.

Tumayo na ako at pumunta sa likod ng kurtina. I'm so nervous pero mas lamang 'yung sayang nararamdaman ko.

Tumugtog na ang kanta at nagsisimula ng maglakad si Angel, kasama ang kanyang partner na si Red, ang batang kapatid ni Kaesley, sa mga puting bulaklak na nakakalat sa paligid.

Sumunod na si mom, kuya with his girlfriend, and Tita Yvette na naglakad.

The place is simple. Puno ng flowers ang paligid at mga bubbles na binubula ng isang machine kaya sobrang magical tignan.

I exhale. It's my turn now. Ako na ang maglalakad sa lantay ng mga bulaklak na siyang sasaksi sa aming pagmamahalan.

Bumukas ang kurtina at nakikita ko na ngayon mula sa harap ang lalaking pinakamamahal ko. He's so handsome.

Umiba ang kanta at napalitan ito ng isang nakabibighaning musika.

"I set out on a narrow way many years ago

Hoping I would find true love along the broken road

But I got lost a time or two..."

Tumulo na ang mga luha sa aking mga mata. I remembered the time where I was left by him. 'Yung oras na halos magwala ako sa sakit at kirot sa puso.

"Wiped my brow and kept pushing through

I couldn't see how every sign pointed straight to you

That every long lost dream lead me to where you are

Others who broke my heart, they were like northern stars..."

Advertisement

Ngumiti ako ng bumalik sa alaala ko 'yung time na akala ko hindi na siya babalik. But then he fulfill his promise na magpapakasal kami, and here we are right now.

"Pointing me on my way into your loving arms

This much I know is true

That God blessed the broken road That led me straight to you..."

In every pain, sorrow and hatred, there will be a sunshine after every hardships. Siya, si God 'yung nagbigay sa aming dalawa ng mga pagsubok para matuto kami at siya rin 'yung nagbigay liwanag sa daraanan pa naming mga pagsubok na darating. He was there and will always be to guide us through.

"This much I know is true

That God blessed the broken road That led me straight to you."

Hinawakan na nina mom and kuya ang ang mga kamay ko at naglakad na kami papalapit kay Kaesley. Naririnig ko ang mga paghikbi nina mom at kuya kaya agad akong nagsalita.

"Mom, kuya, please don't cry." sabi ko sa kanila at lalo lang lumakas ang pag-iyak nila.

"I can't help it, baby. Ikakasal ka na." sabi ni mom at nagsalita naman si kuya.

"Nakakainis ka, bunso ah? Naunahan mo pa akong magpakasal." sabi ni kuya at natawa naman kaming tatlo.

Nakarating na kami sa pwesto ni Kaesley at tinapik ni kuya ang likod nito samantalang hinalikan naman ni mom ang pisngi niya. This is it.

Tumingin sa akin si Kaesley at inalalayan niya na ako sa harap. Maraming mga nangyari and this time, magpapalitan na kami ng mga vows sa isa't-isa.

"I love you, Shilly." unang pangungusap pa lang pero sunud-sunod ng tumulo ang aking mga luha. Those three words can make a person cry or smile.

"I'm sorry if I left you without a word or a simple goodbye. I promise that I will shower you my endless love and I will take care of our whole family. I always thank God for guiding us and bringing you here with me. I love you so much and I will be here no matter what. Through good and bad times, ups and downs and such. I will always be here until forever." sabi niya at isinuot sa akin ang hawak niyang singsing. It's my turn.

Advertisement

"I love you too, Kaes. I'm out of words but I just wanna say that I'm always thankful that God blessed the broken road that led me straight you." I said as we both cry when I placed the ring in his finger.

"You may now kiss the bri--" agad na akong hinalikan ni Kaesley sa aking pisngi.

"I will stay forever."

The End...

***

    people are reading<Every Letters, Every Words (Collection of One-Shots)>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click