《Every Letters, Every Words (Collection of One-Shots)》Bless the Broken Road (Part 3)

Advertisement

Bless the Broken Road (Part 3)

Rinig ko ang ganda ng huni ng mga ibon sa kalangitan.

Nandito ako ngayon sa park na malapit lang sa bahay namin. Nakasubsob ako sa aking mga tuhod habang walang tigil na umiiyak.

Questions were running all over my mind.

Bakit pa siya bumalik?

Bakit kailangan kong masaktan ng todo?

Bakit ang hina ko?

Napapadyak na lamang ako sa damuhan. Mababaliw na ako.

"Why are you crying, ate?" napa-angat ako ng tingin ng may marinig akong boses ng batang babae sa aking harap. Naka-puti itong dress habang may hawak na mabukadkad na sunflower.

"It's nothing, little girl." sabi ko sa kanya pero kumunot lamang ang noo niya.

"Nothing lang po? Eh, wala naman pong nakakaiyak sa wala, ah?" sabi 'nung bata kaya mahina akong humalakhak.

Ginulo ko ang buhok niya at bigla siyang ngumuso. Humalakhak akong muli at nakita ko namang hindi na siya nakanguso kundi nakangiti na siya sa akin.

"Yehey! Ngumiti na si ate! Alam mo ate, may nagsabi sa akin na lalaki kanina, nandito rin po siya pero 'nung umaga pa po, na dapat hindi umiiyak ang isang babae kasi nakakawala raw po 'yun ng ganda. Tapos kinwento niya rin po sa akin na sana raw po ay hindi umiyak 'yung babaeng iniwan niya kasi raw po masasaktan din daw siya ng sobra." pagkukwento 'nung bata at napatitig na lamang ako sa batang nasa harap ko.

"T-Talaga? Eh bakit daw u-umalis 'yung kuya at bakit ayaw niyang makitang umiiyak 'yung babaeng iniwan niya?" tanong ko sa kanya pero ngumiti lang ito sa akin at nilagay ang dala niyang sunflower sa gilid ng tenga ko at bigla na lang umalis.

I sigh. Pati bata pinagtatanungan ko na ng mga bakit ko. Nababaliw na nga talaga ako.

"Kailangang umalis 'nung kuya kasi gusto niyang makapagtapos ng pag-aaral para pakasalan niya 'yung babaeng iniwan niya kapag lumaki na sila. Ayaw niya ring makikitang umiiyak 'yung babae kasi mahal na mahal niya ito. Hindi siya nagpaalam na aalis patungong ibang bansa para hindi niya makikitang umiiyak 'yung babae." Narinig ko ang kanyang boses mula sa aking likuran at napatingin na lamang ako sa kanya.

Advertisement

He heard my question and he even answered it. He look at me with a simple smile. Now I know his reasons.

"Alam mo rin ba kung bakit umiiyak 'yung babae ngayon sa harap 'nung lalaki?" may halong hikbing tanong ko sa kanya at umiling naman siya.

"Kasi nasaktan siya 'nung umalis 'yung lalaki. Mahal na mahal na kasi niya ito. Pero umiiyak siya ngayon hindi na dahil sa sakit, alam mo kung bakit?" tanong ko.

"Bakit?" tanong ni Kaesley at tipid akong ngumiti. "Kasi sa wakas, nandito na ulit 'yung lalaki. Nandito na ulit 'yung pinakamamahal niya simula bata pa sila. Nandito ka na ulit." sabi ko at bigla siyang yumakap sa akin ng mahigpit.

Tumulo pa ng todo ang mga luha ko dahil sa nag-uumapaw na saya. "At hindi na aalis pa 'yung lalaki kasi ayaw na niyang umalis at iwan ulit 'yung pinakamamahal niyang babae." sabi ni Kaesley at kumalas na sa yakapan namin.

Hinawakan niya ang pisngi ko at lumapit siya sa akin. Pinagdikit niya ang aming mga noo saka niya hinagkan ang bulaklak na nasa tenga ko.

"Don't worry, Shilly, dahil mas marami pang bulaklak ang hahawakan mo papunta sa akin. When our wedding comes, the flowers will witness how my love for you never faded nor leave. It stay."

***

    people are reading<Every Letters, Every Words (Collection of One-Shots)>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click