《Every Letters, Every Words (Collection of One-Shots)》Bless the Broken Road (Part 2)

Advertisement

Bless the Broken Road (Part 2)

"Mom, hindi mo naman sinabi na 'yung anak ni Tita Yvette ay 'yung kababata ko." pangongompronta ko kay mom pagdating niya dito sa bahay kasama ang kanyang kaibigan. Tapos na kaming kumain ng tanghalian kaya agad kong kinausap ng palihim si mom.

"Sorry, baby. Masyado lang akong na-excite kanina na sunduin ang Tita Yvette mo galing States at hindi ko na nasabi na 'yung kababata mo ang anak niya." sabi ni mom.

Napabuntong-hininga na lang ako at tumingin sa direksyon nina kuya kasama sina Tita Yvette at 'yung hindi ko akalaing kababata ko. Si Kaesley.

"Okay, mom. I'm sorry din. I'm just surprised." nasabi ko na lamang at nginitian ng tipid si mom bago ako dumiretso sa sala namin kung saaan naroon silang tatlo.

"Hello, beautiful lady." malapad ang ngiti ni Tita Yvette sa akin kaya naiilang man ay ngumiti na rin ako pabalik at nagmano sa kanya. "Um, Shallane na lang po. Hello rin po pala." magalang kong sambit at umupo sa gilid ni kuya na kumakain ng popcorn.

"Oh, yes Shallane. Matagal na noong nagkita tayo and I think, nakalimutan mo na ako. But that's okay, atleast hindi mo nakalimutan si Kaesley." kaswal na sabi ni Tita Yvette.

Napalunok ako ng sarili kong laway at napaiwas ng tingin ng tumingin sa akin si Kaesley ng walang kahit na anong ekspresyon sa kanyang mukha.

Nagkausap pa silang lahat at nakikinig lang ako sa mga pagkukwento ni Tita Yvette ng mga nangyari sa kanila ni Kaesley sa States.

"Can I go upstairs, mom? Iidlip lang po ako saglit." paalam ko kay mom at tumango naman siya pero tumingin siya bigla kay Kaesley.

"Kaesley, you want to sleep for awhile? Baka may jetlag ka pa sa byahe niyo ng mom mo. You can go with Shallane sa taas." sabi ni mom at magpoprotesta sana ako pero agad namang nagsalita si Kaesley.

Advertisement

"Yes, tita, I wanna sleep." sabi niya. Ano pa bang magagawa ko? Tumayo na lang ako at naunang umakyat na sa kwarto ko para makapagpahinga.

Ramdam kong nakasunod siya sa akin mula sa likuran kaya lalo kong binilisan ang pag-akyat at pumunta na ako agad sa kwarto ko.

"You can sleep in my bed. Sa lapag na lang ako." sabi ko sa kanya at kukunin na sana ang isang comforter sa gilid ng aking kama ng marinig ko siyang kumanta.

"I want you to stay never go away from me, stay forever

But now, now that you're gone

All I can do is pray for you

To be here beside me again..."

Napaharap ako sa kanya at nakita kong nakatitig siya sa akin. Patuloy pa rin ang pagkanta niya at sa bawat salitang naririnig ko mula sa kanya ay ang pagtatraydor ng aking mga luha sa pagtulo nito. I miss him. I miss him so much. Hindi ko magawang gumalaw man lang para itigil niya ang pagkanta niya. Instead, I listened to every part of the song.

"Stay forever." pagkanta niya sa huling parte ng kanta. He saw me crying. Wala na, nagpakahina na naman ako dahil lang sa kanya.

Pinunasan ko ang mga luha sa aking mga mata at matapang siyang tinignan. Hindi porke bumalik siya ay hindi ko pa rin nakakalimutan ang pag-iwan niya sa akin. Yes, I miss him but I'm really, really hurt. Bumalik 'yung alaala ng pag-iwan niya sa akin. Were just young at that time pero hindi iyon sapat para hindi ko bigyan ng pansin ang bawat tibok ng puso ko kapag kasama ko siya.

"Why did you have to leave me?" kita ko ang pagpatak ng mga luha sa kanyang mga mata habang sinusubukan kong ulitin ang kinanta niya kanina kahit na patuloy din ang pagdausdos ng luha sa aking mga mata.

Advertisement

"When you said that love would conquer all?" pagkanta ko. It's so funny when you're trying your best not to be weak but then you just gave up 'cause it's so useless. It's tearing you apart.

"I want you stay but you go away from me. You walk away. You leave me." hindi na ako kumakanta pero nandoon pa rin 'yung tono 'nung kanta.

Bago pa man siya makalapit sa akin ay agad na akong umalis sa kwarto ko.

I left him there like what he did to me.

***

    people are reading<Every Letters, Every Words (Collection of One-Shots)>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click