《Every Letters, Every Words (Collection of One-Shots)》Bless the Broken Road (Part 1)

Advertisement

Bless the Broken Road (Part 1)

"Aish!" badtrip kong sabi. E paano ba naman, lumagpas kasi 'yung pagkakapinta ko doon sa may bandang gilid ng ginagawa ko.

"Kumain ka muna, Sheshe. Maya mo na lang 'yan ituloy." biglang sabi ni kuya Ely sa akin habang kumakain ng sandwich at naglalaro ng computer games.

"I told you, kuya, huwag mo akong tawaging Sheshe, ang baduy. Shallane 'yun, okay?" sabi ko kay kuya at inayos na lamang ang pinipinta ko. Kapag mainit talaga ang ulo ko 'e lagi akong nagkakamali sa ginagawa kong pagpipinta.

Tumayo na ako at bumaba na lamang para kumain ng meryenda since maaga pa naman para sa tanghalian.

"May food na kayo ng kuya mo para sa tanghalian niyo mamaya. May nakahanda na ring carbonara doon sa kusina kung magmemeryenda ka. I gotta go, baby. Babalik din naman ako mamaya with my friend. Bye, love you." sabi ni mom habang inaayos niya ang kanyang bag at ang kanyang coat.

"Yes mom. Thank you and please, take care. I love you, too." sabi ko at hinalikan ang pisngi ni mom.

"And by the way, pupunta pala dito 'yung anak ng friend ko. He's good kaya please, be good to him. Sabihan mo na lang ang kuya mo." huling sabi ni mom bago siya pumasok sa kanyang kotse at pinaharurot ito.

I sigh. Pumunta na lamang ako sa kusina at kumain ng meryenda. Ang boring ng araw na 'to.

Nabigla ako sa pagtunog ng doorbell ng bahay namin kaya't agad akong napatayo. Napahawak ako sa aking dibdib at huminga ng malalim. Hays, mamamatay ako sa kaba dito 'e.

Uminom muna ako ng tubig sa aming pitchel at dumiretso na sa aming pintuan. Binuksan ko naman ito at nakita roon ang isang lal-- este isang gwapong lalaki.

Advertisement

Napatitig ako sa mga mata niya. Why is it so simple yet so attractive?

"Sino 'yan, bunso?" rinig kong tanong ni kuya sa likod ko. Agad akong napalunok. Hays, tameme na naman ako.

"I-I don't know, kuya." sabi ko.

"Huh?" nakita ko na lamang si kuya sa gilid ko habang pinagmamasdan ang gwapong lalaki na nasa harapan namin. Naka-white shirt lang sya habang nakasilid ang kanyang mga kamay sa kanyang bulsa.

"Sino ka? Magnanakaw ka ba? Carnapper? O kaya akyat-bahay?" simpleng tanong ni kuya. Agad napaawang ang mga labi ko sa kaswal na tanong ni kuya. Ganun lang 'yun? Hindi ba siya magugulat o magtataka man lang?

"I'm the son of your mom's friend." sabi naman nitong lalaking 'to. Napapitik na lamang ako sa hangin ng mapagtantong siya 'yung sinasabi ni mom na anak ng kaibigan niya.

"Halika, pasok ka sa loob." pag-aaya ko sa kanya at pumasok naman siya. Kita ko ang pagtataka sa mukha ni kuya pero nagthumbs-up na lang ako sa kanya.

"What's your name?" agad kong tanong. Don't get me wrong. Ayoko lang talagang hindi kilala ang kinakausap ko. I'm just being friendly here.

"I'm Kaesley Aquiles. Long time no see, Shilly." sabi niya habang may kung anong tina-type sa phone niya at bigla na lang niyang inangat ang tingin sa akin. Biglang kumabog ang dibdib ko. Iisa lang ang kilala kong tumatawag sa akin ng Shilly. At Kaesley? As in Kaesley na first ever crush ko?!

Itutuloy...

    people are reading<Every Letters, Every Words (Collection of One-Shots)>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click